N-Numb and Confused

439 17 2
                                    

CONTENT WARNING: Sorry this may be late na. Profanities/foul language may be encountered in this book which of course, not suitable for kids. K-I-D-S.

**


SLIPPING into a fresh pair of clothes, lumabas si Clarine ng common bathroom. As usual, ang kanyang t-shirt na suot ay hiram lang mula sa binata. He also lent her one of his boxers. Masyadong mahaba ang pajama nito para sa kanya na kahit itupi niya ang dulo ay kusang nahuhulog, kaya tinanggap na rin niya ang boxers na alay nito.

Sa ilalim ng kumot ay komportable niyang niyakap ang isang unan. Dinama ng paa niya ang malambot na kama habang nakahiga. Iyon ang unang gabi na doon siya makikitulog. At sa hindi niya maipaliwanag na kadahilanan, excited pa nga siya.

Kung saan man nanggagaling ang nakakalitong kasiyahan na iyon ay hindi rin niya matukoy. She was just glad that she's not sleeping in an empty mansion that echoes nothing but silence. Bukas ay naroroon din ang mga pinsan niya. Naipagbilin naman na niya kina Aling Erma ang paghahanda. Alam naman ng mga ito ang dapat gawin pagkat maraming beses na ring doon nagtitipon ang mga pinsan niya.

She looked at her phone with a satisfied smile plastered on her face. Inisa-isa niya ang mga messages na natanggap. She also checked her investment accounts before drawing her attention to her gallery.

She swiped her thumb to check the photos she has taken. She looked good in all of them. She picked one and decided to post it in her occasionally active social media account. Habang tumitingin pa ng ilang pictures na kinuha niya kasama ng mga stolen pictures ni Wolvin na sapilitan o kaya'y patago niyang kinuha, lumitaw ang notification.

Where is that?

Naiikot niya ang mga mata sa comment ni Trex. As if she'd tell him that. Hindi siya nagreply at ibinalik nalang sa mesa ang kanyang cellphone. Magkikita rin naman sila bukas. Kung gusto nitong mangulit, bukas nalang.

She closed her eyes and not long after, drifted to sleep.


SUN rising at early in the morning, Clarine as usual proceeded to do her morning rituals. Sa common bathroom siya nagtungo dala-dala ang gamit. Bago pa man siya makarating doon ay narinig niya ang munting ingay na nanggagaling sa kusina. Lumapit siya roon upang sumilip.

She found the owner of the house in his white undershirt shaping his already built and sturdy frame and fitted dark shorts. Her eyes travelled at the marvelous sculpted back of his. From his wide shoulders down to his perfectly curved waist and hips. Tumigil ang mga mata niya niya sa pang-upo nito. She smirked. The brute has a nice round and firm buttocks. The view suddenly changed from his nice ass to his crotch. Agad na lumipad ang mga mata niya pataas sa mukha ng binatang nakaharap na sa kanya.

Namaywang ito at nailing. Pigil pa ang ngiti. "Don't you think it's still too early for your to harass me, my little sneaky peeping Tom?"

Ngumuso siya sa pagkapahiya. Pinilit na pananatilihing inosente ang mukha.

"I don't know what you're talking about."

Hindi ito sumagot bagkus nanatili ang titig sa kanya. Umayos siya sa pagkakasandal sa hamba ng pinto nang lalong tumagal ang tingin ng binata sa kanya. She felt conscious all of a sudden. Naalala na hindi pa nga pala siya nakakapaghilamos o sipilyo man lang. Ang buhok niya'y nakasabog pa sa kanyang balikat. She brushed her hands through her hair to tidy them a bit. Nang di makatagal ay umalis siya sa pagkakasandal sa hamba ng pinto.

"What?" masungit na tanong niya.

"Do you always look like that in the morning?"

Umirap siya sa binata. Bitbit pa rin ang simangot sa kanyang labi. As if this is the first time he saw her morning face. Wala naman siyang dapat ikahiya ngunit sa gawi ng pagtitig nito sa kanya, hindi niya mapigilang pagdudahan ang sariling itsura.

Chased (BS#4)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon