D-Deed

499 25 5
                                    

"CLARINE!" Malakas na bati ni Roy nang makalapit. Tinapik pa nito ang likod ni Wolvin. "Fancy meeting you here, huh?"

"Roy," she smiled. "Nice seeing you again. You look good."

He smiled sheepishly as he rubbed the back of his neck. "Oh no, you look... beautiful." balik-bola naman ng binata. "Mind if we join you? O may kasama ka na ba?"

Nagpalipat-lipat ang tingin ni Clarine kay Roy na ngiting-ngiti at kay Wolvin na nakasimangot na. Wala naman sana talagang balak magtagal si Clarine, but would it be alright to decline them? Gusto sana niyang mapag-isa at nang makapag-isip siya ng magiging taktika sa suliraning kakaharapin niya.

But isn't this an opportunity to close her deal with the big bad wolf here? Hindi nga naman magandang bigla nalang siyang mambasted after seeing each other again. Ngunit ayaw din naman niyang magkaroon ng nakabinbin na isipin. Marami na siyang dapat pagtuunan ng pansin ngayon. This is not the time to play generous.

"You can join me. In fact, maganda yon. I'd like also to discuss something," she said.

"May gagawin pa kami," singit ni Wolvin. 

"Meron?" Nagtatakang tanong ni Roy.

"We have... things to discuss."

Pinaningkitan ni Clarine si Wolvin ng tingin. Parang pakiramdam niya sinasadya ng binata na iiwas sa kanya ang kaibigan nito. 

"Is this still about the portfolios? Kakasabi mo lang na naaprubahan mo na iyon."

"I changed my mind about something."

"You sure change your mind quick kapag nakikita mo si Clarine," may halong panunukso ang tinig ni Roy.

She chuckled a bit. "If you're really that busy today, then I can't do anything about it. Knowing Wolfy, he doesn't waste time in generating money."

Kuryuso ang mga mata ni Roy na lumipat mula sa kanya patungo sa kaibigan at pabalik ulit sa kanya. Mukhang walang ideya sa dalubyong padarating. Samantalang si Wolvin ay mataman lang na nakatitig sa kanya. Para bang tinitimbang ang iniisip niya.

"We have time," Wolvin answered.

Tumaas ang kilay ni Clarine sa pagbawi nito. 

"Come on, sit," anyaya niya.

"Oh...okay," atubiling sumunod si Roy at pinili ang upuang nasa tapat niya. Walang imik na umupo si Wolvin sa kanan niya.

"Umorder muna kayo. Mukhang malayo ang pinanggalingan niyo."

Ganoon nga ang ginawa ng mga ito. To her surprise, mukhang madalas ang dalawa roon. Kilala kasi ito ng waitress na lumapit sa table nila. 

Nangalumbaba si Clarine at nang-uuyam na tiningnan si Wolvin. He too, provocatively stared back at her. Now, she's getting curious just how small their world can be? If she can meet him this way, ibig sabihin malapit lang ang mundong ginagalawan nila. If she'd dig deeper within their line of business, she'd probably found him there. Particularly, when he's practically managing that hotel chains back in Iloilo.

"Kamusta ka na Clarine? Have you enjoyed your vacation in Iloilo? Too bad I didn't get to say a proper goodbye last time." si Roy. Tulad ng dati ay ang mahinahon at palangiti nitong aura ang sumasalubong sa kanya. Hindi katulad ng katabi nitong parang paparating na bagyo.

"Oo nga e, bigla ka nalang kasing nawala. I wonder why..." aniya.

"Ah, nasabi nga pala sa akin ni Vin na nakasalubong ka niya sa Iloilo last week lang. So that means, it has not been that long since you came here, right?"

Chased (BS#4)जहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें