D-Defeat

883 38 3
                                    

MATAAS ang araw sa labas at katirikan na rin ng araw.  Sumimsim si Clarine sa malamig na milktea. Si Wolvin ay may kausap sa cellphone nito. Mukhang importante ang pinag-uusapan nito. Kahit kasi sa malayo ay kita niya ang pagkunot ng noo nito at pagsasalubong ng makapal na mga kilay. He glanced at her. Tumaas ang kilay niya sa binata.

He was still talking over the phone while he was watching her sipped her wintermelon milktea. Sa araw na iyon ay kailangan na talaga niyang isagawa ang plano niya. Her cousins had been bugging her to come back. May problema kasi sa Maynila at kailangan na niyang makabalik. She sighed. Magdadalawang linggo na rin naman siya roon. Extended na masyado ang extended niyang bakasyon. And it was all because of this attractive weirdo who was still watching her every move. Hindi naman siya nagpatalo at talagang nakipagtitigan dito. Umangat ang gilid ng labi ng binata, pagkuwan. Naubo siya nang masamid sa pearl mula sa milktea.

"Shit," Nakailang ihit pa siya ng ubo. Nang tingnan niyang muli si Wolvin ay nakangisi na ito sa kanya. Umirap siya rito.

Kung bakit ba kasi siya nagpapadala sa lalaking ito. Dapat ay matagal na siyang nakabalik ng Maynila at baka ngayon ay sa ibang bansa na siya naglalagalag. Pero heto siya at hindi makaalis ng Iloilo. Kailangan na talaga niyang putulin ang bakasyon niyang ito. Kung hindi ito papayag, bahala na ito. Willing naman siyang bumalik kung sakali o kaya mainam siguro na daanan nalang niya ang kaibigan nito nang matigil-tigil na rin ang kakabigay nito ng bulaklak sa kanya. Malapit na siyang maging bubuyog sa dami ng rosas na nakukuha niya e.

"Well? Mukhang madadagdagan na naman ang kayamanan mo," puna niya nang mapansin ang maaliwalas at masayang mukha ni Wolvin nang lumapit ito sa mesa niya.

"Why do you think so?"

Nagkibit siya ng balikat. "I just thought so. Wala ka na bang ibang gagawin sa buhay kundi ang magpayaman at magbilang ng yaman sa mundo?"

"Ano naman ang gusto mong gawin ko?"

"Eh di manligaw ka! Sino ba rito ang tipo mo? Tara tutulungan kitang magka-love life nang hindi napo-pollute ng numbers ang utak mo. Kailangan mo ng girlfriend na poproblemahin at nang hindi love life ng kaibigan mo ang pinoproblema mo," aniya.

"Paano ka naman nakakasigurong wala akong girlfriend?" 

Natigilan si Clarine at napadiretso ang tingin sa binata. Chill na chill ang lalake sa pagkakaupo. Hindi niya mawari kung totoo ba ang sinabi nito. Well, sa lakas ng dating nito, hindi naman kataka-takang may magkakagusto rito. He could capture any woman's heart if he wanted to. And she mean't "any".

"Weh?" iyon ang namutawi sa bibig ni Clarine.

"You don't believe me? Iniinsulto mo ba ako?"

Umayos si Clarine ng pagkakaupo. "Hindi. Pero nong kailan lang takot na takot ka pang samahan akong pumasok sa simbahan." Plus, hindi ba't bet mo ang kaibigan mong si Roy? Kaya rin siguro takot na takot kang mapikot.

Saglit siyang napaisip. Sabagay, hindi naman lahat ng ganoon ay takot na magka-girlfriend. Hindi kaya panakip butas lang nito ang sinasabi nitong girlfriend upang pagtakpan ang damdamin nito kay Roy? Because what else would be the reason he hates her, right? Si Roy lang ang dahilan non!

"So may girlfriend ka nga?" kumpirma niya. Tila biglang umasim ang sikmura niya dahil sa sariling tanong na iyon.

"Paano kung mayroon nga?" His playful eyes darted at her. Saglit siyang naguluhan sa munting kislap na iyon sa mga mata ng binata. Bakit pakiramdam niya ay pinaglalaruan siya nito?

"Kung mayroon, dapat lang na iwanan mo na ako rito. Pinaka ayoko sa lahat ay iyong may sabit na pagkatapos ay buntot pa ng buntot sa akin. I mean, I don't want couples to fight over me. Kahit pa para sa pakikipagkapwa at pagiging mabuting mamamayan ng mundo ang motibo mo."

Chased (BS#4)Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum