. . . ⇢ 068 ˎˊ˗

231 24 2
                                    

━━ jasmine's.

hindi siya?

hindi ko alam pero may kung ano akong naramdaman nang malaman mula sa kanya na hindi sa kanya galing ang mga sweets na 'yon. jusko, ano ba naman kasing pumasok sa isip ko at inisip na siya ang nagpapadala non?

masyado ba 'kong umasa na susuyuin niya 'ko? i mean, hindi niyo 'ko masisisi. gusto niya makipag-usap sa akin at obvious naman sigurong galit ako sa kanya so dapat lang na suyuin niya muna ako!

napa-facepalm ako. ano bang iniisip ko?

"class dismiss."

napabuntong hininga ako. sa wakas natapos na din ang klase kasi sa totoo lang, wala akong ganang makinig o mag-focus sa lessons namin ngayon. ohmyghad lang!

matapos ko iligpit ang mga gamit ko ay dumiretso muna ako sa locker para ilagay doon ang mga libro ko. nakakatamad kasi na dalhin 'yon pauwi kaya kung hindi naman kailangan, iniiwan ko na lang 'yon sa locker ko.

pagkatapos non ay nagsimula na 'kong maglakad papunta sa gate, pero agad ding napatigil. nanlaki ang mga mata ko nang makita ko siya sa may gate, may mga babaeng kumakausap sa kanya pero halata sa kanyang ayaw niyang kausapin ang mga ito.

agad ako umiwas ng tingin at tutungo sana sa ibang daan nang muli akong mapatigil nang tawagin niya ang pangalan ko. at sa totoo lang, gustong-gusto ko na tumakbo para hindi niya 'ko maabutan pero kingina ng mga paa ko, ayaw sumunod!

"jasmine!"

'wag kang lilingon, 'wag kang lilingon.

'wag- tangina.

"jas.."

kaagad kong ipinikit ang mga mata ko. oo, mukha akong tanga sa ginawa ko pero hayaan mo na. mas okay na magmukhang tanga sa biglaan kong pagpikit kaysa makita ko ang pagmumukha ng lalaking 'to.

"let's talk, please?"

bahagya akong nagulat nang maramdaman ko ang paghawak niya sa aking braso. unti-unti akong napalunok. "b-bitaw." binitawan niya 'ko pero nararamdaman ko pa rin ang presensya niya sa harapan ko.

"hindi ako aalis dito hangga't hindi mo 'ko kinakausap."

dahil sa sinabi niya ay tuluyang uminit ang ulo ko. iminulat ko ang mga mata ko at mapupungay niyang mga mata ang bumungad sa akin, pero hindi ako natinag at sinamaan siya ng tingin.

"ano bang kailangan mo?"

"gusto ko mag-usap tayo-"

kaagad ko siyang pinutol. "usap? para saan pa? kung about 'to dati, hindi ba pwedeng kalimutan mo na 'yon? 10 years na, heeseung, 10 years na mula ng umalis ka. okay na 'ko e, bakit ka pa bumalik?"

napansin kong natigilan siya sa sinabi ko. nakita ko pa ang pagkislap ng mga mata niya at ang lungkot sa mga ito pero wala akong pakialam. gusto ko lang layuan niya 'ko, tigilan, 'wag na kausapin at kalimutan na lang ang nakaraan.

malungkot siyang ngumiti. "sa tingin mo.. mahalaga pa ba ang mga memoryang meron tayong dalawa?"

hindi ko naiwasang matawa ng pagak, tiningnan ko siya ng diretso at saka nagsalita. "nagpapatawa ka ba? sampung taon kang naglaho at hindi nagparamdam kaya 'yung mga memoryang 'yon? abo na lang para sa akin."

sa sinabi ko, akala ko aalis na siya pero hindi. bahagya pa 'kong natulala nang makita ang malapad na ngiti sa kanyang labi. kinuha niya pa ang kamay ko at hinawakan 'yon ng mahigpit.

"ganun ba? edi gumawa ng bagong memorya."

iritado akong natawa. "gago ka b-"

pero agad din akong natahimik nang ilapit niya ang mukha niya sa akin dahilan para halos pigilan ko na ang paghinga ko. itutulak ko sana siya pero hindi ko na nagawa nang marinig ko ang sunod niyang sinabi.

"gagawa tayo ng mga bagong memorya ng magkasama."

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon