. . . ⇢ 093 ˎˊ˗

202 22 3
                                    

━━ jasmine's.

tama kaya ang naging desisyon ko?

napabuntong hininga ako saka inilapag ang hawak kong paint brush. muli kong tinitigan ang empty canvas na nasa harapan ko, sinusubukang mag-isip kung anong dapat kong i-present bukas kasi kingina bakit kasi bukas agad ang pasahan.

pero kahit anong gawin ko, 'yung isip ko lumilipad pa rin talaga. gustong-gusto ko makaisip ng ideas pero palaging si heeseung ang pumapasok sa isipan ko at ang conversation namin kanina.

hindi ko pa dapat nireply 'yon e, kaso dahil nanggigigil ako sa kanya ay nasabi ko na. oo, hindi pa talaga dapat kasi almost two weeks pa lang naman siyang bumabawi sa akin, hindi 'yon enough.

pero ewan ko din ba sa sarili ko, masyadong marupok ampota kaya ayon na nga. kahit hindi pa talaga ito ang time na bigyan siya ng chance ay wala na kasi nasabi ko na kanina. ewan ko lang kung na-gets niya 'yon, bahala siya diyan.

"JASMINE MAY BISITA KA!"

otomatikong umikot ang mga mata ko nang marinig ko si tita sandra. hindi ko alam kung sinong bwisita 'yung tinutukoy ni tita pero kung sino man siya, istorbo siya ha.

kahit ayokong lumabas ng art studio ko dahil kailangan ko nga mag-focus dito ay pinilit ko pa rin ang sarili ko na bumaba at pagkababa ko, nakita ko siya. nakangiti ito na ikinairita ko.

"bakit ka nandito?"

"ganyan ba sumalubong ng bisita, jasmina?" napabuntong hininga ako sa sinabi ni tita sandra at mahinang nag-sorry.

umupo ako sa sofa na kaharap niya at tumingin sa palagid, nang mapansin kong wala na si tita ay saka ko hinarap si heeseung. "di'ba sinabi ko na sa'yo na busy ako-"

"i'm here to help you." putol niya na ikinataas ng kilay ko. "hindi ako ganun kagaling sa arts pero baka need mo ang presence ko- aray!"

"ang kapal mo! pinapainit mo lang naman ang ulo ko e." angil ko pero tumawa lang siya kahit na hinampas ko na siya.

bakit ba siya ganito? aaminin kong napalakas 'yung pagkakahampas ko sa kanya pero parang wala lang 'yon sa kanya. tuloy, ako na ang nag-guilty dahil alam kong nakasakit ako sa ginawa ko.

huminga ako ng malalim at tumitig kay heeseung na nakangiti pa rin. at sa totoo lang, itsura niya lang naman ang nagbago. naging mature siya pero siya pa rin naman si heeseung, siya pa rin ang 'yung kaibigan ko noon.

'yung nangakong nandito lang siya sa tabi ko kahit na anong mangyari.

pero napako lang.

hindi na 'ko sumagot pa at tumayo na lang. nagsimula akong humakbang paakyat sa hagdanan upang bumalik sa art studio pero natigilan din ako nang mapansin kong nakaupo pa rin siya.

kunot noo ko siyang nilingon. "ano pang tinutunganga mo diyan? akala ko ba tutulungan mo 'ko?"

mukhang hindi niya inaasahan 'yon base sa ekspresyong ipinakita niya pero agad din siyang ngumiti at naglakad palapit. napailing-iling na lang ako at ipinagpatuloy ang paghakbang.

hanggang sa wala sa sarili akong napangiti.

pasalamat ka talaga dahil may soft spot pa rin ako sa'yo lee heeseung at saka kingina mo with respect, sagad.

patawarin. lhsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon