ONE

6.4K 97 7
                                    

JENNIE

"Nasaan si Lisa? Kailangan ko siya makausap ngayon na mismo." Inis na sigaw ko sa guardiya sibil rito sa labas ng company niya. Ayaw kasi akong papasokin eh. Kainis hindi naman kasi porket simple lang 'yong suot ko at mababatid mong mahirap lang ako, e sa bawal na akong pumasok sa magarang company na ito.

"Ahh, miss huminahon ho kayo. Bawal ang mag eskandalo rito." Mahinahon na saway ng gaurdiya sibil sa akin.

"Wala akong pakialam." Inis ko paring sabi at akmang papasok sana ako sa loob ng mabilis niya akong napigilan.

"Ano ba bitiwan mo nga ako." Pagpupumiglas ko sa kanya.

"Miss mapapatay ako nito sa ginagawa mo e." Kamot sa ulo namang sabi nya. Kalbo naman. Tsk. "At saka madami ng nakatingin sa atin rito oh. Baka kung ano pa ang isipin nila?" Kamot pa din sa ulong sabi pa niya. Kuyang guardiya sibil magpatubo ka muna ng buhok sa ulo mo.

Tumingin naman ako sa paligid. Tama nga, madami ngang mga tsismoso at tsismosang nakikinig saka nanonood sa amin.

"Ano ba 'yan, ang ganda pa naman niyang babae tapos pumapatol sa mukhang tatay na niya." Tsismosa number 1.

Aba-aba anong akala nito sa akin? Sa ganda kong 'to. Gusto atang ma dos purdos ang tsismosang 'to ah?

"Sayang ang ganda niya mukhang nakikiusap pa na 'wag s'yang iwan nito. Naku, naku, kawawang babae." Iling-iling pang sabi ni tsismosa number 2. Sus bubulong-bulong pa sila halos lahat naman ng tao sa paligid ay naririnig sila. Tapos kung makapag tsismis mali-mali pa. Baka isipin pa ng mga ibang nanonood sa'min ay totoo ang sinasabi nila. At ito namang guardiya sibil na 'to tsansing na 'tong ginagawa niya sa akin ha. Makayakap wagas, yuck lang.

"Okay lang sana kung mayaman 'yan. Tingnan niyo, pipili na nga lang ng sugar daddy sa guardiya sibil pa oh." Tsismosa 3.

Bwiset, naririndi na ako sa mga hinayupak na 'to.

Dahil sa sobrang inis ko ay hindi ko na napigilan pang harapin sila.

"Kayo." Duro ko sa tatlong tsismosa at naglakad ako patungo sa kanila. Para naman silang na estatuwa sa ginawa kong pag duro sa kanila.

"Kung makiki-tsismis lang rin naman kayo, pwede ba 'yong hindi naman fake news. Gusto niyo ng pektus ha?" Gigil na gigil kong sabi sa kanila. Tila napalunok naman sila ng laway ng wala sa oras at walang salitang lumalabas sa mga bibig nila. Kanina ang ingay-ingay tapos ngayon, ano na ha. Wala naman pala sila e.

"O, ano pa ang ginagawa niyo? Alis, alis." Sigaw ko sa kanila kaya mabilis pa sa alas kwatro silang nag-uunahan na nagsipag-alisan. Nagtutulakan pa ang mga bruha. Tss, takot naman pala eh. Tsk.

"At ikaw!" Baling ko kay kuyang guardiyang sibil at siya naman ngayon ang dinuro ko. Pero bago pa ako makapagsalita ng masama sa kanya ay may humintong sasakyan malapit sa kinatatayuan ko at may matangkad na babae na naka shades ng itim ang bumaba rito.

"Parang kilala ko 'to ah?" Sabi ko sa aking sarili.

Pinagmasdan ko pa ito ng mabuti. Tingin ko ay nasa 5'5 ang height nito? Hindi gaanong payat, hindi rin naman gaano mataba at saka ang ganda manamit. Medyo may pagka-cool pero medyo kikay din naman.

Dahan-dahan nitong tinanggal ang kanyang shades at kumunot pa ang noong nakatingin sa akin.

Aha! Here you are.

Pokerface naman akong nakatingin lang sa kanya at pagkatapos naglakad ako ng mas malapit pa rito at agad na kinurot siya sa tenga.

Napasigaw siya sa sakit na ikina-ismid ko.

"Aray, aray." Napasigaw na daing niya pero mas lalo ko lang diniin ang pagkakahawak ko sa kanyang tenga.

"Hoy ikaw!" Pasigaw kong turan rito at nag pokerface ulit.

"Miss look, aray." Mangiyak-ngiyak na daing niya ng hinigpitan ko pa lalo ang pagkakahawak sa tenga niya. "Pwede bang pakitanggal ng kamay mo sa tenga ko. Please, maawa ka naman."

"Hmm, sige tatanggalin ko lang ito pag mag promise ka sa akin na hindi mo ako tatakbohan ulit gaya ng ginawa mo kagabi?" Nakataas ang kilay na sabi ko.

Bumuntong hininga siya at itinaas ang kanang kamay niya as a sign of promise.

"Promise." Sabi pa niya kaya binitawan ko narin ang tenga nito.

Pagkatapos ko nang mabitawan ang tenga ay hinawakan naman niya ito pagkatapos ay hinimas-himas.

Para siyang napamura ng mahina ng maramdaman niya atang kumikirot ito. Paano, bumaon kasi kanina ang kuko ko sa tenga niya.

"May sinasabi ka?" Taas ang kilay na tanong ko sa kanya.

Para naman s'yang aligaga na ewan at akmang tatalikod na sa akin. At kakarepas siguro siya ng takbo? Feel ko kasi nakahanda na ang mga pares na paa nito sa marathon na gagawin sana niya. Pero sorry na lang siya. Ako kaya ito, si Jennie Ruby Jane Kim, ala flash. Mabilis pa 'to sa mabilis. Evil laugh. Wahahahaha!

"Hep hep hep at balak mo pa akong takasan ulit ha." Naiiling kong sabi sa kanya at penamewangan siya.

"Ah e i--'

"O u." pagtatapos ko sa mini-memorize niyang vowels.

Napakamot siya sa kanyang ulo at humarap ulit sa akin.

"Mi-miss, look. W-what do you want?" Stutter na tanong niya. Hindi pa siya takot sa akin sa lagay na yan ha.

"Wag mo nga akong ma English-english diyan." Masama ang tingin na pinupukol ko sa kanya.

"Hays. Okay fine, ano ba ang kailangan mo sa akin?" Tila naiinis nang tanong niya.

"Ako, wala akong kailangan sa'yo. Pero ito." Turo ko sa aking tiyan. "Ang may kailangan sa'yo."

Nagtataka at nakakunot na ngayon ang noo niyang nakatingin sa itinuro ko.

"Tss, 'yon lang ba?" Sabi niya at may kinapkap sa suot na pants.

Wallet pala. Kinuha niya ito at may kinuha itong pera dito.

"Oh ito." Sabi niya at inabutan ako ng isang libo.

"Aanhin ko ito?" Takang tanong ko sa kanya.

"Diba nagugutom ka? Ibili mo ng pagkain." Sagot naman niya.

Seriously? Ang galing ko talaga mag-english. My brain is braining, haha.

Bobo ba siya. Naturingan na nagmamay-ari ng malaki at magarang kompanya pero bobo naman pala. My goodness! Wow English ulit 😂.

"Hindi ko kailangan 'yan. Hindi ko kailangan ang pera mo." Nakairap kong sabi sa kanya.

Napahilamos siya sa mukha niya at napasabunot pa sa kanyang buhok. Ayy, gusto ko 'to. Galit na siya.

"Miss" Tila naubosan na siya ng pasenya. "Kung wala ka naman pa lang importanteng kailangan sa akin. Wag mo nang hintayin pa na magpatawag ako ng pulis."

Pokerface lang ako at hindi nagpatinag sa sinasabi niya.

"Hoy, Manoban." Duro ko sa kanya.

Pumalatak lang siya at tumalikod na sa akin bago naglakad papasok sa loob ng building. Pero naka ilang hakbang pa lang ito ng sumigaw ako.

"Buntis ako at ikaw ang ama." Sigaw ko kaya napahinto siya at hindi makapaniwalang humarap sa akin bago iginaya nito ang paningin niya sa buong paligid.

Oh oh! Madami pa lang nakatingin at nakikinig. Pati na ang mga employees ata nito na kanina pa siguro nakiki-tsismis at si kuyang guardiya sibil na nakanga-nga pa sa kinatatayuan niya ngayon.

Bahala na.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon