FIFTEEN

837 17 0
                                    


LISA

"Ikaw ba si Lisa?" seryoso ang mukhang tanong ng Mommy ni trip girl sakin.

Gosh, nakakatakot naman sumagot. Pakiramdam ko isang pagkakamaling sagot ko lang, tigok na agad ako.

Siniko naman ako ni Jisoo unnie ng hindi pa ako nakasagot sa tanong ng soon to be Mommy ko narin. Charot hehe. Dun din naman yun papunta eh.

"Pipi ka ba hija?" seryoso parin ang expression ng mukhang tanong nito.

Sh*t, nakakatakot talaga 'tong Mommy ni trip girl.

Agad naman akong napapailing sa tanong niya. Nakakatakot kasi talaga 'tong Mommy niya eh.

"Ah a-ano po ka-kasi." sh*t, baka nahahalata na ako nito na takot na takot ako sa kanya.

"Naku, wag kang matakot sakin."

Tila parang alam nito ang nasa isip ko. Nakakabasa din ba siya ng isip? Imposible naman yun. Ano, may powers din siya ganun?

Napakunot naman ang noo ko ng biglang tumawa ito.

"Hahahaha." taka naman akong napatingin sa kanya.

"Alam mo gusto na kita." sabi nito.

Ano raw? Sorry po pero si trip girl yung gusto ko. Actually, hindi lang gusto kundi mahal pa.

Napatingin naman ako kila Jisoo unnie at kay Chipmunk. Nag thumps up lang sila sakin at ngumiti bago tumayo at nagpaalam na munang aalis sandali at bibili daw ng pagkain. Sh*t iiwan nila ako dito? Baka pagbalik nila buto nalang ang natira sakin. Hoi, wag nyo ako iwanan dito.

"Hahaha funny ka pala hija."

"Po?" nagtataka ko namang tanong.

"Ang sabi ko nakakatawa ka. Tsaka maganda ka sana ang kaso bingi nga lang hahaha." natatawa pang sabi nito.

Ge, kakahiya. Napakamot nalang ako sa ulo ko.

"Nga pala, gusto mo ba ng tubig, juice, kape o ako?"

Napalaki naman yung mata ko. What the, seryoso ba siya dun?

"Hahahaha." tawa na naman nito.

Nababaliw na ba 'tong Mommy ni trip girl?

"Ehem, anong sabi mo?" seryoso na ulit ang expression ng mukha nito.

Hala! Nakakabasa talaga siya ng isip. Pano niya ba yun ginawa? Nakakabilib naman.

"Hahahaha." tawa na naman ulit niya.

Ay ang moody din. Magkapareho sila ni trip girl. Sadista din kaya 'tong Mommy niya?

"Oo hija kaya tigil-tigilan mo na 'yang kakausap mo sa sarili mo hahaha." ay tangek. "Hindi mo siguro namalayan na naririnig ko lang yung mga sinasabi mo?"

"Ah eh." napakamot sa batok at napayukong sabi ko. Wala na, wala nang lumalabas sa bibig ko.

"Sorry po." ay meron pa pala.

"Hahaha, alam mo gusto na kita."

"Po?" napalaki pa ang matang tanong ko.

"Haro jusko ka hija, pataposin mo muna ako kung pwede lang." parang nagalit na tuloy ata?

"Okay po, sorry po." nakayukong hingi ko naman ng sorry sa kanya.

"Hay naku ka. Yun nga gusto na kita para sa anak ko." sabi niya kaya napaangat ako ng tingin ulit.

"Talaga po?" pag koconfirm na tanong ko naman.

"Ayy hindi hija joke lang pala yun hahaha." pambihira, kala ko seryoso na.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon