THREE

2.3K 60 2
                                    


LISA

"Ano ba Lisa umusog ka nga dun." inis na tulak sakin ng hampas-lupa.

Dito kasi kami ngayon sa kwarto ko. Pag sinuswerte ka nga naman. Biroin mo yun dito na pinatira ni Mommy sa bahay namin ang trip girl na 'to slash hampas-lupa, kutong-lupa. Gosh lang!

"Ayoko nga." sabi ko naman habang nakadapa pa dito sa kama ko at naka spread ang mga kamay at paa ko. Actually, sinasadya ko lang, gante manlang ba sa ginawa niya sakin kanina. Now, it's my turn. Bahala siya. Maghanap siya ng matutulogan niya.

"Ahh ayaw mo talaga ha?" napayukom pa ang palad na sabi niya. At halatang gigil na gigil. Para nanga itong kakain ng tao e. Pero nah, hindi na ako papatalo sa kanya. Siya nanga itong nakitira samin kaya magdusa siya. Tss.

Hindi ko nalang siya pinansin habang nakadapa parin ako dito sa kama ko at pinikit nalang aking mata.

Maya-maya pa natahimik naman ang kwarto ko at nakarinig ako ng paghikbi kaya kaagad akong napamulat ng mata at tingnan siya.

Para naman akong nakaramdam ng awa kaya bumangon ako sa pagkakadapa bago tumayo at naglakad palapit sa kanya.

Hayst. Ayoko pa naman makakita ng umiiyak. Pero ito ako, kaharap ang babaeng hampas-lupa, na bampira, na trip girl, na duwende o kung ano-ano pa na ngayon ay yakap-yakap ang kanyang sarili habang naka-upo sa sahig at umiiyak. God!

Yumuko naman ako at nakaluhod ang isa kong tuhod sa harap nya habang tukod-tukod naman ang isa kong braso at tinaas ang isang kamay para hawiin ang buhok na nakatabon sa mukha nito. (Sorry hindi ako expert mag explain. Kaya kayo nalang bahala umintindi, hehe.)

Para naman akong nanigas sa puwesto ko ng may tumutulong luha sa pisngi niya galing sa mga mata nito.

"I-I'm sorry." sabi ko sa kanya at pinahid ang luha niya na pumapatak sa pisngi nito gamit ang kamay ko.

Inalalayan ko naman syang tumayo at pinaupo sa kama.

Maya-maya lang nahimas-masan narin siya. Pero nabigla ako sa ginawa niya. Pinatid lang naman niya ako sa masilang bahagi ko kaya pumilipit naman ako sa sakit. Napaupo pa tuloy ako sa sahig.

"What the. Anong problema mo?" inis na tanong ko sa kanya habang pumilipit parin sa sakit.

Ang kaninang paghikbi niya napalitan ng masamang tingin at nakaismid pa ngayon ang Ate nyo ha. Geez, siya nanga 'tong- tss, at siya pa ang may ganang manakit. Sadista talaga. Kainis. Papatayin siguro ako nito.

Ngayon naman ay naka ngisi na itong nakatingin lang sakin.

"Parusa ko yan sayo Manobag." naka-smirk pang sabi niya.

What the ginawa pang Manobag yung apelyido ko. Kakaiba rin eh noh.

"Ikaw na---" sabi ko at tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa sahig pero hindi ko na natuloy ang sasabihin dahil mabilis itong nakalapit sakin at kinagat ako sa tenga. Bwiset. "Ouch, ara...aray ko. Mommy." mangiyak-ngiyak na sigaw ko.

Bwiset. Wala na syang ibang ginawa kundi saktan ako. Huhu, help. Somebody help me. Please, ilayo nyo sakin ang babaeng 'to, may sa bampira nga yata 'to eh. Lord parang awa nyo na po. Tulongan nyo ako. Magpapakabait na po ako, basta po ilayo nyo lang sakin ang babaeng duwende na 'to.

"Oh, what's happening here?" tanong ng Mommy ko habang palipat-lipat ang tingin niya samin ni trip girl. Nakapasok na pala si Mommy sa kwarto ko ng hindi ko manlang namalayan.

"Lisa?" sabi pa niya ng walang sumasagot samin.

"Ihhh kasi po Mommy." Lumapit naman si trip girl sa kanya. "Huhu, si Lisa po kasi inaaway niya po ako." paawa epek ni trip girl sa kanya at niyakap pa ang Mommy ko. Binilatan naman niya ako at pinanlakihan ng mata. Bwiset na trip girl na 'to. Nakatalikod kasi si Mommy sakin habang yakap-yakap niya ito.

Geez, this is crazy. Nakakainis. Ako na naman ang dehado. Ako na naman papagalitan ng Mommy for sure.

"LISA....." see. "How many times I told you." Oh oh papalapit na ito ngayon sakin habang matatalim ang mga tinging pinukol niya sakin. Patay na this.

"Mom-mommy." sabi ko at kumaripas ng takbo. Kaya ito kaming dalawa ngayon naghahabolan sa loob ng kwarto ko dahil lang naman sa sadistang kutong-lupa na wala ibang ginawa kundi saktan ako ng physical. Juice colored, help....

"LISA..........." malakas na sigaw nya. Yung tipong pati kapit-bahay namin magigising sa lakas ng sigaw nito.

Kinakabahan at kagat-daliri naman akong napahinto sa pagtakbo at dahan-dahang pumihit paharap sa kanya. Pero mali ata ginawa ko dahil may sumapol lang namang unan sa mukha ko.

What the.

Wala na bugbog sarado na ako. Bakit hindi nalang nila ako patayin ng diretso kung may balak man silang patayin ako. Hindi yung ganito. Huhuhu.

Para tuloy umiikot paningin ko. Naman ihhh. Parehong-pareho talaga silang dalawa. Sadista, mapanakit.

"Aray." akala ko tapos na pero hindi pa pala dahil binatokan lang naman ako.

"Mommy tama na po. Maawa naman kayo sakin, please 🙏." pagmamakaawa ko sa kanya habang salukob yung dalawang kamay ko.

Penamewangan lang niya ako at tinaasan ng isang kilay. Wala talagang awa 'tong Mommy ko na 'to. Sobra kung manakit. Anak nga ba niya talaga ako? O baka silang dalawa ni hampas-lupa trip girl ang mag-iina. Tapos baka ampun lang niya ako? Kung ganun kailangan kong mahanap yung tunay kong mga magulang, para at least manlang magkaron ako ng kakampe.

"Hija." tawag niya kay hampas-lupa kaya lumapit ito sa kanya.

"Po Mommy?" malaki ang ngiti nitong sabi sa Mommy ko. Tse. Ang daming talent ng babaeng 'to. Artistahin din eh, galing umarte. May pa iyak-iyak pa syang nalalaman kanina, may pa hikbi-hikbi pa. Yun pala may binabalak ang bruha. Imbis na siya pagalitan, ako pa tuloy itong napagalitan.

God! Namumuro na ang babaeng duwende na 'to.

Humanda ka sa igagante ko sayo. Sure ako na ako na ang mananalo. Kaya ngayon sulitin mo na ang maging masaya dahil pag sa oras na makaganti na ako sayo, babalik ka sa pinanggalingan mo. Bwahahaha! Naaamoy ko na ang pagiging victory ko.

"Sh*t aray. Ano ba--"

Hindi ko na naman natuloy ang sasabihin dahil sinamaan lang naman ako ng tingin ng napakaganda kong Nanay sa balat ng lupa.

Kainis, wala na siguro 'tong kataposan ang ginagawa nilang pananakit sakin. Isa pa ipapa barangay ko na talaga sila. Napaka sadista talaga.

"Mag sorry ka sa mapapangasawa mo." What the! Ano raw?! Mapapangasawa?! Mommy you must be crazy? God! Ayokong mapangasawa ang kutong-lupa, hampas-lupa, trip girl, sadista, bampira, artistahin at duwendeng babae na yan.

Over my dead body.

Kung sya ang makakatuloyan ko sure akong araw-araw bugbog sarado ako.

Kaya no way, ayoko.

Never.

Kahit aaminin kong maganda siya pero ayoko parin.

A big big NO.......

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon