TWENTY THREE

923 14 3
                                    


LISA

"Lisayah, anyare sayo? Nakasimangot ka dyan? Na Biyernes Santo ka ba ha?" natatawang tanong sakin ni unnie ng umupo sya sa tabi ko. Andito kasi ako ngayon sa labas ng bahay namin. Here sa may garden. Mag-isa lang dapat ako rito, and unnie came. I just want to think pa naman sana. Nabadtrip kasi ako kanina eh. Nakakainis lang. Mag coconfess na dapat ako kay Jennie. Pero naudlot pa. Kainis yung mga biglaang pagsulpot nila. Kung sinasadya man nila yun at kung may galit man sila sakin, sabihin nalang nila sakin diba? Hindi yung pinupurnada nila yung pag-amin ko.

"Lisayah, sorry na. Alam kong na badtrip ka samin" sabi nya. Kunot noo naman akong napatingin sa kanya.

"Pano-?"

"Halata dyan sa feslak mo teh" natawa naman ako sa sinabi nya. Nag tunog bakla kasi sya. Haha, naalala ko tuloy yung baklang nakausap namin sa bar kanina.

"Ayan teh ha napatawa na kita. Quits na tayo, haha" natawa naring sabi ni unnie.

"Nope, hin-" iiling na sana ako ng magsalita agad sya. Hilig nya sumingit eh no? Nagsasalita pa yung tao eh. Walang manners and right conduct. Charot!

"Sandali lang Lisayah" sabi nya at nag gesture pa sya ng stop saka tumayo at naglakad papunta sa likuran ko. Anong meron?

"Labas na kayo" sabi ni unnie kaya napakunot noo ako ng isa-isang nagsilabasan yung mga ulo nila sa may makapal na flowers dito sa garden. Aha!

"Mama, Mommy, Rosé anong ginawa nyo dyan?" taka kong tanong sa kanila.

"Nag hide and seek Lisa. Bakit, gusto mong sumali?" sagot-tanong ni Mommy at naglakad sya palapit samin. Sumunod narin sa kanya sina Mama at Rosé.

"Ay, magandang laro po 'yan Mommy. Pwede po ba? Sino pong taya?"

Napahawak naman ako sa batok ko ng bigla nya akong binatukan. Pambihira naman ohh. Para san naman yun?

"Mommy naman eh. Bakit nyo po ako binatukan?" naiiyak na reklamo ko sa kanya.

"Ang boba mo kasi."

"Seryoso Mommy, your own daughter sasabihan mo ng boba?" maktol ko naman sa kanya.

Penamewangan lang naman nya ako at napailing sya sa harap ko bago nilingon nya si Mama sa likuran nya.

"Balae" tawag nya kay Mama.

Lumapit naman si Mama sa kanya at may inabot itong ballpen tsaka isang pirasong papel.

"Ito balae oh" abot ni Mama kay Mommy na agad namang tinanggap nya. Aanhin naman kaya nila yan?

"Jisoo, Rosé, sabihin nyo na yung plano at ng mailista ko na ang lahat" sabi ni Mommy kina unnie at umupo sya sa tabi ko at nag-umpisa nang magsulat. Plano?! Anong plano? Plano saan?

Pagtapos malista ni Mommy yung lahat ng kakailangan daw nila. Na, hindi ko naman alam kung para saan. May pa fairy lights, fairy lights pa kasi silang nalalaman eh. Take note ha, all colors daw ang need nilang bilhin. If ever raw na mamili sila ng kulay for their decorations na gagawin is makakapili sila ng mas magandang kulay na nababagay sa setup nilang naisip. May pa fireworks-fireworks rin silang nalalaman. Tsaka may pa banda din at may pa catering pa. Magpa-party siguro sila? And, they want romantic. Ano naman yun, romantic party?

"Sandali balae, may i-susuggest lang ako." sabi ni Mama kaya napatingin kaming lahat sa kanya.

"Ano yun balae?"

"Ako nalang magluluto balae. Wag na tayong kumuha ng catering. Gastos lang yun, tsaka marunong naman ako magluto eh" suggestion ni Mama at tumango-tango naman kami sa kanya kahit naguguluhan ako kung para saan yung gagawin nila o namin? Ewan!

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon