EIGHT

1.1K 29 4
                                    

JENNIE

Dahil sa inis ko sa Manobag na yun, pumunta nalang ako dito mag-isa sa cafeteria ng company nila. Mag-aalmusal tuloy ako mag-isa. Kainis naman. Si Mommy kasi hindi na makasabay samin, na dapat sana sabay kami mag almusal, kaming tatlo ng Manobag na yun, kaso maaga nag-umpisa yung meeting nila kanina kaya sabi nalang ni Mommy samin na mauna nalang daw kami. Tapos yung higanteng bakulaw na yun, na babaerong malande. Sinabi din sa akin na mauna nalang din daw ako. Grrh, sarap niyang ibitin patiwarik at bitayin sa bayang magiliw. NAKIKIPAGLANDIAN lang naman dun sa secretary niya, sa secretary niyang mukhang tuko na, higad pa. Tsk. At hindi lang yun, manlandi talaga ang kumag. Sarap nilang patayin pareho, geez nanggigigil ako sa kanila.

"Spaghetti tsaka hamburger po. Samahan mo na din ng hot milk." nakabusangot na sabi ko sa nagbabantay sa cafeteria pagdating na pagdating ko dito. Yan nalang kakainin ko. Hindi pa din naman ako gutom eh.

Matapos kong umorder at magbayad. Bitbit at dala-dala ko na ang inorder ko at naghanap ng bakanteng mauupoan. May bakante naman malapit sa kinatatayuan ko kaya naglakad na ako tungo dito.

Ngumunguya na ako at iinom na dapat ng milk ng may magsalita sa harapan ko. Tsk, isturbo.

Pag angat ko ng tingin, medyo lumuwa pa yung mata ko. Charot haha. Ang gwapo kasi tapos ang ganda ng smile.

"Ahm Miss pwede makiupo?" nakangiti na tanong nito sakin na tinangoan ko din naman kaagad. Gwapo eh, baka makawala pa hehe.

Nilapag muna nito sa mesa ang inorder niya. Same order pala kami. Ayiieeh, meant to be.

"Hi, ako nga pala si Jungkook." pagpapakilala nito at nilahad yung kamay niya sakin. Malugod ko naman itong tinanggap. Sh*t ang lambot. Emeged! Inlove na ata ako? Charot haha. Lande ko naman ata? Makalaglag pant* kasi yung kagwapohan nito. Charot ulit haha.

"Uhm Jennie." pa cute na sabi ko naman.

Tumango-tango naman siya at umupo narin sa katapat ko.

Pagkaupo niya, pa simple ko namang inamoy yung kamay ko kung saan naka shake hands ito sa kanya kanina. Ang bango besh. Meged!

"Mahilig ka din pala sa Milk?" tanong nito kaya agad akong umupo ng ayos at nailagay ko pa sa batok yung kamay ko na inamoy-amoy ko pa sana. Bango kasi talaga eh. Enebe.

"Ah, oo oo mabango- este oo mahilig ako." labas ngipin ko namang sagot. Enebe Jennie, nakakahiya ka naman ihh.

"Ang cute mo naman." walang paligoy-ligoy din namang sabi nito at pinengot pa ako sa ilong ko. OMG! mas cute ka.

"Selem-- salamat." haha, ayan tuloy pabebe pa. Pero gusto ko maging bebe niya. Ang landi mo Jennie. Tss, walang kang pake brain. Patay ka ni Lisa pag nakita ka niyang lumandi ka sa iba. Tss, siya nga eh nakipaglandian dun sa secretary niya. Bahala siya.

"Haha ang cute mo talaga." pengot ulit nito sa ilong ko. "Nga pala may boyfriend ka na ba?" tanong pa nito. Ayy embilish nemen manligaw nito. Oo girlfriend mo na agad ako. Duh 🙄 Jennie shunga lang? Tse, wag ka ngang sabat ng sabat dyan brain. Baka i-drain kita dyan eh. Tsk.

Nginitian ko naman ulit siya ng labas ngipin. Sabi kasi nila, may pamatay gummy smile raw ako. Sumang-ayon nalang din kayo haha. Totoo naman diba? Kaya nga crush nyo akong mga readers eh. Diba, diba? Hahaha.

"Cute ka din naman ah, tas gwapo pa." malandi na sabi ko naman at pinengot din siya sa ilong niya.

"Sus, maliit na bagay. Madami nadin nagsabi sakin niyan." Ay, ang hangin pala. Minus 0.1 point na siya sakin. Hindi na bale, gwapo naman talaga siya eh.

"Hehehe." tawa ko nalang.

"Inomin mo na yang Milk mo bago pa matunaw ako." ngiti-ngiting sabi pa nito. Nge! assuming pala 'to eh, feeling ata niya tinitigan ko siya. Na offend na tuloy ako ng slight. Siya pa naman yung tipo ko. Sayang gwapo pa naman.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon