ELEVEN

898 25 0
                                    


JENNIE

Nandito ako ngayon sa opisina ng manyak na Manobag na 'yun. Biruin mo 'yun, dalawang beses na niya akong minamanyak. Ang walangyang yun.

Nga pala lagi na nila akong sinasama dito sa company nila. May times na tumatanggi ako kasi wala din naman akong gagawin dito. Kaso ayaw ni Mommy, hindi ko daw mababantayan si Manobag kung makipaglandian o mambabae man sa mga empleyada niya dito. Yung bakulaw na yun, ang landi naman kasi.

Pag talaga makita ko na meron talaga siyang kalandian, papatayin ko na yun.

Gaya nalang nung nakaraang araw na muntik na silang mag kiss nung secretary niya. Gusto ko nga sana silang ingudngud dalawa sa pader dito sa opisina niya e. Nakakabanas kasi. Wala manlang manners sa akin. May tao panga sa loob, magtutukaan pa talaga. Naku!

Wala pa pala siya ngayon dito sa opisina niya. May meeting yun kaya naiwan ako dito mag-isa. Isasama panga sana niya ako dun. Ano naman gagawin ko dun? Ngangang makikinig lang sa kanila at ako uubos ng snacks nila. Naku, nakakahiya naman pag ganun.

Dahil sa ilang oras na akong nakaupo dito sa sopa. Nakaramdam na ako ng init sa puwet ko at humihikab nadin ako. Nakakaantok naman kasi, at ang boring dito. Okay sana kung may TV manlang ba dito.

Dahil sa bagot na bagot na talaga ako at inaantok na. Humiga nalang ako dito sa sopa at hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako.

Nagising lang ako ng may maramdaman akong nakadikit sa labi ko kaya napamulat ako ng mata at ang bwiset na higante na 'to. Dinikit ba naman yung labi niya sa labi ko.

Aba! Nakatatlo na 'tong manyak na 'to ah.

Anong akala niya sa labi ko? Pwede niya lang i-lips to lips kung kailan niya gusto?

Pinaghahampas ko naman siya. Kala niya ha. Bwiset siya.

Tatawa-tawa at iiling-iling naman siyang tumayo at lumayo sakin at naglakad papuntang mesa niya at may kinuha siya dito.

Bumangon nadin ako pagkakahiga ko at inis lang siyang sinundan ng tingin.

Lumapit naman siya ulit sakin at may binigay na supot.

"Oh." abot niya sakin pero tiningnan ko lang ito ng nakataas ang kilay.

Kinuha naman niya yung kamay ko at nilagay dito yung supot.

"Ano 'to?" tanong ko sa kanya ng hindi ko pa tiningnan ang laman nito.

"Hayst." sabi niya at kinuha sakin ulit yung supot na binigay niya at siya na ang kumuha ng laman nito.

May laman pala itong hamburger tsaka lemon juice na nakalagay sa cartoon at may kasama pang straw.

Binigay naman niya sakin yung hamburger. Bigla tuloy ako natakam. At siya nadin naglagay ng straw sa lemon juice.

Kumagat na ako ng hamburger ng magsalita pa siya.

"Tira yan dun sa meeting namin. Dinala ko na kasi sayang." sabi niya kaya bigla akong nabulunan.

Binigay naman niya sakin yung lemon juice at agad na ininom ko naman ito. Bahala nanga.

Ng mahimasmasan. Sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Bwiset ka. Pinapakain mo sakin yung tira nyo." galit na sabi ko sa kanya.

Para naman siyang ewan na parang gustong matawa o ano.

"To naman, joke lang yun. Akin talaga yan, hindi ko na kinain kasi-"

Napakamot naman siya sa batok niya na parang nahihiya at namumula pa yung pisngi.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon