TWENTY SIX

366 17 1
                                    


LISA

"Say Cheese." Anang nakangiti na photographer na nasa harapan namin at kumukuha ito ngayon ng litrato sa amin na mag-pamilya.

Katatapos lang ng graduation nila Jennie kaya nandito kami ngayon sa stage to take some pictures and family picture na rin.

"Okay, kayo naman Lisa, Jennie." Turan ni Mommy kaya kamot-ulo akong tiningnan si Jennie na ngayon ay naka-taas na ang isang kilay nito sa akin.

I know she's mad dahil nahuli ako ng dating sa graduation niya. Nakaabot naman ako ng ceremony kaso nung sa last part na. Mamaya kakausapin ko siya to say sorry na rin para hindi na magalit sa akin ang trip girl ko. Hayst, ewan ko ba pero lately kasi lagi nalang siyang galit sa akin kahit wala naman ako ginawa sa kanya. Sabagay wala na din naman bago dun.

"Ano ba naman yan, Lisayah. Umakbay ka naman kay Jennie." Unnie said kaya sinamaan ko siya ng tingin. Alam na nga niyang hindi na maipinta ang mukha nitong isa eh.

"Oo nga naman Lisa akbayan mo si Jennie." Gatong pa ni Mama na nagpakamot muli sa ulo kong hindi naman talaga makati. Pambihira, sa kaka-kamot ko sa ulo baka isipin pa ng mga tao rito na may dandruff ako sa ulo kahit wala naman.

Itataas ko na sana ang isa kong kamay para i-akbay sa kanya pero hindi ko na lang itinuloy ng magsalita ang isa.

"Subukan mo lang puputolin ko 'yang kamay mo." May inis sa boses na sabi nito na nagpatigil sa kamay kong tangkang i-akbay sana sa kanya. Patay! She's really mad.

Hayst, naiiling nalang ako sa isip ko.

"Mag smile naman kayo." Si Mommy na nakangiti ng malawak na parang aliw pa talaga 'to sa'min dalawa. Pambihira!

"One, two, three. Smile!"

"Okay, done. Ma'am ang cute nyo naman pong mag couple. Magkamukha po kayo nung nasa blackpink, fan po nila ako eh. Si Ruby Jane at si Lalisa Manoban po. " Natutuwang sabi ni kuyang photographer matapos kaming picturan dalawa habang parang inaalala 'yong sinasabi niyang blackpink daw na halatang fan siya sa mga iyon. Aba't fanboy pala 'tong si kuya. Nag glow pa kasi ang mga mata nito.

Hindi naman sa fan din ako ng blackpink pero naririnig ko na once yung pangalan na blackpink. Mga dyosa nga raw silang apat? Well, hindi naman sa pagmamayabang pero sa pagandahan at ka dyosahan lang naman ay may ibubuga rin naman kami ng girlfriend ko.

"Hon sorry na. I know you're mad. Sorry kung na late ako ng dating kanina pero nakaabot naman ako eh."  Panunuyo ko kay Jennie ng makasakay na kami sa sasakyan ko.

Nag kanya-kanya na rin kasi kami nina Mommy at unnie ng sasakyan kaya si Jennie ang kasama ko rito. Samantala, kay unnie naman si Chipmunks sumama.

"Puro ka na lang sorry, Lisa. Nakakain ba 'yang sorry mo?" Inis nitong tanong at nasa labas ng bintana ang tingin.

Hayst!

Tumahimik na lang ako at nagdesisyon na wag muna siya kausapin. Gusto ko lang pahupain ang inis nito, mamaya ko nalang siya kakausapin.

Pagdating sa bahay ay nagpapadyak itong pumasok. I still didn't bother to talk to her kaya mas lalo pa tuloy siyang nagalit.

Kaya lang naman ako late kanina dahil nag-asikaso pa ako ng surpresa ko sa kanya. Just a simple celebrate with family dito lang sa bahay. Masaya ako na nakagraduate na si Jennie and I'm very proud of her.

Diretso lang siya pumasok sa kwarto namin at pabalibag na sinarado ang pintoan.

Iling na lang akong sumunod sa kanya.

"Hon." I said at naglakad ako papunta sa kama namin. She's not here. Nasa banyo siguro siya dahil nakarinig ako ng umaagos na tubig mula ro'n sa gripo.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon