EIGHTEEN

886 17 2
                                    


LISA

Hay salamat, wala narin si Mama. Siguro naman ngayon, malaya na ako kung anong gusto kong gawin kay trip girl?

"Lisa" pag tawag sakin ng mahal ko kaya napalingon ako sa pinanggagalingan ng boses nito. Nasa banyo kasi siya at kakalabas lang pala niya.

Paglingon ko sa kanya nginitian ko siya ng pagka tamis-tamis na siya namang tinugunan niya. Yay, ang cute niya talaga.

"Bagay ba?" tanong niya sakin at nagpa-ikot-ikot pa siya.

Naka pantulog kasi siya. Actually, yung damit kong pantulog yung suot niya. Ang cute kasi, kahit malaki sa kanya, bagay na bagay padin sa kanya.

"Bagay na bagay." nakangiting sagot ko naman.

Nagtaka naman ako ng mag-iba bigla yung timpla ng mukha niya at masama na siya ngayong nakatingin sakin. Hay naku, ang bipolar niya.

Naglakad naman siya papalapit sakin at huminto din ng ilang hakbang nalang ang pagitan namin, pagtapos pinamewangan niya ako habang masama padin yung tingin niya sakin. Ano na naman kayang problema nito?

Napalunok naman ako ng bahagya ng i-unbotton niya yung pang itaas na butones ng suot n'yang pantulog.

"Lisa" seksing pagkasasabi niya sa pangalan ko kaya napakagat labi ako.

Sh*t. Pakiramdam ko kahit malamig yung aircon dito sa kwarto, pinagpapawisan padin ako.

"Lisa" kagat labing sabi pa niya at i-unbotton na naman niya ang pangalawang butones.

Sh*t,

Ano bang pumasok sa utak ni trip girl at ganyan siya ngayon?

Hindi ba niya alam na nagdudulot sakin ng kakaiba yung ginagawa niya? Simpleng unbutton lang yan pero, pag hindi ako makapagpigil dito, baka magahasa ko pa siya ng hindi oras.

"What are you doing?" medyo napasigaw pa ako ng binulongan niya ako sa tenga ko. Sh*t. Hindi ko namalayan nakalapit na pala siya sakin.

Hindi ba niya alam na nagdudulot sakin ng ibang sensasyon yun.

"Hmm Lisa."

Napalaki naman yung mata ko ng maramdaman kong tumabi na siya sakin at pagtingin ko sa kanya wala na syang pang itaas na suot.

Oh My God!

Dahan-dahan naman nyang pinalapit yung mukha niya sakin at hindi nagtagal naramdaman ko na yung labi niya sa labi ko.

Ang lambot talaga ng labi niya, at nakakaadik yung bawat panghahalik niya sakin na syang taos pusong tinutugunan ko naman na nagbibigay sakin ng init ng katawan at kakaibang pakiramdam.

Hindi ko na napigilan pang umungol ng mas pinalalim pa niya yung halikan namin at naglakbay na yung mga kamay nito sa loob ng suot ko ding pantulog hanggang sa-

*Blag*

"Ouch, aray." daing ko ng bigla akong nahulog sa kama. Yung puwit ko, huhu Mommy ansakit.

"Hihihihihi."

Inis naman akong napalingon sa humahagikhik. Kainis naman eh, kita nangang nahulog ako tas sakit pa ng puwit at balakang ko, tinatawanan lang niya ako.

Talaga bang mahal ko ang babaeng 'to?

"Ano?" pinaikot ang matang tanong niya.

Umiling nalang ako at tumayo na sa pagkakahulog sa sahig.

Tumingin pa ako sa kanya para sana humingi ng tulong dahil nahihirapan akong tumayo pero siya pinapanood niya lang ako.

Hayst.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon