SEVEN

1.3K 34 1
                                    


LISA

"Lisa umupo ka nga dito." tawag sakin ng Mommy ko ng papunta dapat ako sa kitchen.

Lumapit naman ako sa kanya at umupo sa couch. I feel nervous naman, kasi parang galit ang Mommy sakin. Makikita mo kasi sa mata niya na galit nga ito. Patay ako nito. Nalaman kasi ni Mommy ang pagpunta ko ng bar kagabi tapos ang pagpatay ko ng tawag kay trip girl. Okay bahala nanga. Pati narin pala yung tungkol dun sa babae kagabi. Hayst, sayang yun, maganda pa naman yun.

"Mo-mommy bakit po?" kinakabahang tanong ko.

Seryoso naman itong tumingin sakin.

"Nasan ang mapapangasawa mo?" tanong nito.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Hayst, kala ko pagagalitan niya ako. Siguro ngayon hindi pa, pero mamaya baka bugbug sarado na naman ako.

"Nasa kwarto po Mommy natutulog pa." sagot ko naman sa kanya.

"Pakigisingin mo siya at isabay mo siya maya papuntang office. I need to go there first, may meeting akong kailangan i-attend." utos niya at tumayo na ito. Ngayon ko lang namalayan na naka pang office attire na pala si Mommy.

Hayst, bakit pa kailangan isama ang duwendeng yun sa company namin? Tsk.

"Juan lets go." sabi pa ni Mommy sa driver namin at tumalikod na ito. (Let's pretend nalang guix na Juan yung pangalan ng driver nila hehe.) Pero humarap din ulit siya sakin.

"Don't stress your future wife Lisa or else mapapalo kita." what the, palo talaga? Ano, bata lang. Tsk si Mommy talaga. Napapailing nalang ako. Masama naman ang tingin pinukol niya sakin. Ayy akala ko nakaalis na siya.

"A-ah si-sige po Mommy, gigisingin ko na po ang hampas-lupa." tumalikod na sana ako at papunta na ng kwarto ko ng makaramdam ako ng sakit sa ulo ko. Sh*t.

"LISA......" galit na sigaw ng Mommy ko sakin.

Alanganin naman akong humarap sa kanya. Pagharap ko, gosh umuusok na ng apoy ang mukha ng Mommy ko. Patay kang bata ka. Bubuga yan ng apoy for sure. Ilag Lisa.

"Pulotin mo ang sandal ko." galit pa na utos niya sakin. Sh*t, kaya pala sumakit yung ulo ko, binato pala niya ako ng sandal. Naman ihh, ano na naman ba kasalanan ko? (Malamang pumunta ka ng bar kagabi eh.) Sabagay otor, tama ka dun. Salamat ha. Tsk. (Sus, maliit na bagay.)

Pinulot ko naman ang sandal niya sa sahig at binigay ko ito sa kanya.

"Aray, aray, aray ko Mommy. Mommy tama na po please. Mommy, mommy hindi na po mauulit." reklamo ko sa kanya ng pinapalo niya ako ng sandal sa ulo ko na pinagsasalo ko naman gamit ang kamay ko. Huhu, masakit kaya. Yun ba namang hills. Wala talagang awa ang Mommy ko sakin. My god.

"Wag mong." palo

"Aray Mommy, enough na po." reklamo ko pa. 

"Sabihan ng hampas-lupa." palo ulit. Hay naku, kahit kailan talaga wala akong kawala sa Mommy ko.

"Oo Mommy hindi na po. Sorry po."

"Ang mapapangasawa mo. Naiintindihan mo?" palo na naman ulit nito sakin.

"Opo Mommy, opo hindi na po mauulit." mangiyak-ngiyak ko namang sabi. Hay salamat. Tumigil nadin siya. Huhu, ansakit na ng kamay ko. Juice colored naman ang Mommy ko, hindi na baling masaktan ang anak niya wag ko lang sabihan ng hampas-lupa ang trip girl na yun. Tsk.

"Sige na, go to your room and wake your future wife up. Understand?" sabi pa niya kaya mabilis akong umalis dun at pumasok na sa room ko at agad na sinara ang pinto. My god! Baka kasi sumunod pa mahirap na.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon