SIX

1.3K 36 1
                                    

JENNIE

"Pakibilisan mo naman Chicken. Bagal mo mag drive, kainis." naiinis kong sabi kay Jisooya habang nag dadrive siya ng sasakyan niya. Ang bagal niya kasi magpatakbo eh. Pupuntahan kasi namin si Lisa dun sa bar na pinuntahan nito ngayon.

Naiinis ako sa babaeng yun. Matapos niyang lapain ang lips ko kanina. First kiss ko yun eh. Naiyak pa ako kanina kasi nga ninakaw niya yung first kiss ko na para dapat sa taong mahal ko at mamahalin ako. Tapos may gana pa siyang pumunta ng bar ha at pinatayan pa talaga niya ako ng tawag kanina. Naiinis talaga ako sa higanteng yun. Argh, nakakagigil. Mamaya ka sa aking bakulaw ka. Makikita mo ang bangis ng isang api. (Charot hahaha.) Gante o ganti dapat yun e. Iniba ko lang hehe. Basta yun na yun. Wag na tayong lumayo hehe.

"Hey Jen, calm down." pagpapakalma naman sakin ni Chipmunk at hinawakan ako sa kamay kaya napalingon naman ako sa kanya.

Nagtataka siguro kayo kung bakit magkakilala kami tatlo. Saka ko nalang ikukwento sa inyo. Ito nalang muna. Si Jisooya pinsan ko yan at si Chipmunk naman ay asawa niya, meaning kasal na silang dalawa, mag-asawa na sila. Naiintindihan nyo? Kung hindi nyo naintindihan, hindi ko na yun problema. (Ayy ang harsh ni trip girl.) Ewan, at yeah kinasal na sila sa ibang bansa. Nung nakaraang araw pa. Kakauwi lang din nila kanina, kaya yun.

Napatingin naman sakin si Jisooya sa salamin ng sasakyan niya. Ngitian naman niya ako at tinangoan lang. Okay self, kalma. Nasa likod kasi kami ni Rosé nakaupo e.

Hindi na kasi ako mapakali. Basta naiinis ako sa Manobag na 'yon. Pag talaga pagdating namin dun tapos makita ko na may iba syang babaeng kalaguyo. Naku 😡 (Charot, ang lalim ng word. Kalaguyo. Spell Kalaguyo? Hahaha) Otor nagpapatawa ka ba? O sadyang nabuang ka lang?

"Okay dito na tayo." sabi ni Jisoo ng maipark na niya ang sasakyan dito sa parking area ng bar.

Pagkasabi niya nun binuksan ko na agad ang pinto ng sasakyan at lumabas na dito. Hindi na talaga ako makapaghintay. Naaamoy ko na ang babae niya. Humanda ka talaga sakin' higante ka. Nangangati na 'tong kamay ko. Gusto ko na manampal ng empakta, at magsabunot ng mangkukulam.

Ano ba ang ikinagagalit mo sa kanya? Lumabas na naman si utak. Oo nga, ano nga ba ikinagagalit ko sa kanya? Ayy basta not impor- ayy ayoko mag English baka mali pa pronunciation ko e. Charot haha.

"Tara na." sabi ko sa dalawa ng makalabas nadin sila. Bagal-bagal e. Tsk.

Nauna na akong maglakad sa dalawa at napahinto din. Hindi ko kasi alam kung saan ako pupunta, hahaha nakakahiya.

Lumingon pa ako sa dalawa. Napataas naman ang kilay ko ng may tinatago silang ngiti sa kanilang mga labi habang nakatingin sakin.

Problema ng mga 'to?

"What?" taas kilay na tanong ko. Cher English. Enebe haha.

Umiling-iling naman ang dalawa at nilampasan na ako. Edi wow!

Sumunod nalang din ako sa kanila habang nag close open pa. Nag-iinit na kasi itong palad ko.

Nag stretching pa ako ng malapit na kami sa pintoan ng bar. Mukhang need ko talaga 'to?

Papasok na sana kami ng masalubong namin si LALISA MANOBAG na may kasama at ka holding hands na babae, na mukhang WITCH. Bahagya naman napataas ang isang kilay ko.

Matalim naman ang tinging binigay ko sa kanila kaya biglang napabitaw ang higante sa kamay ng mangkukulam at napalunok pa ito. Buti nga. At ganyan nga Manobag matakot ka sa tingin.

"Ah a hi-hi." alanganin sabi nito na sakin lang ang tingin. "Ahm a Ros-"

Hindi na natuloy ang sasabihin nito ng hinawakan ko siya sa tenga niya at kinaladkad papuntang parking.

"Aray ko, aray ko dahan-dahan naman duwende." daing nito na inismiran ko lang. Tsk. Nanglait pa. Duwende pala ha, psh.

Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa tenga niya at kinalak-kad ko parin siya ng kinaladkad ng magsalita ang mangkukulam sa likuran ko. Aba sumunod pa talaga. Ano ba gusto ng makukulam na 'to? Gusto niya ba makatikim ng powers ni Wonder woman, O gusto nito ang sapak ni Darna, o hindi kaya ang bangis ni Jennie Ruby Jane Kim? Pili kayo guix at ng mawala na sa landas ko ang mangkukulam na empakta na 'to. Tsaka wala akong pakialam kong ano man sasabihin ng ibang tao sakin. Bahala sila. Tse, keber ko sa kanila. Kailangan pa nila bilhin yung pake ko, bago pa ako magkaron nun.

"Hey excuse me." maarteng sabi nito. Hey excuse me. Sus. Excuse your face. I will make that punch kaya, to make your face basag-basag. Letsugas siya.

Binitawan ko muna ang tenga ni higante at inis na hinarap ang mangkukulam na makapal pala ang make-up nito. Ito ba yung tipo mo Manobag? Ano kaya ang natural na mukha nito? Sus, maganda pa ako dito eh. Napatingin naman ako sa katawan nito. At mas sexy din naman ako dito ah. May naisip naman akong hindi kaaya-aya. Magaling siguro 'to sa kama? What the. Kung ano-ano naiisip ko. Jennie wag kang manyak.

"Why are doing that to her?" self, self hinga ng malalim. Relax ka lang, okay. Inhale exhale. Maarte pading sabi nito at inaction pa talaga sa sarili niya ang ginawa kong paghawak sa tenga ni Manobag kanina na ngayon'y tahimik lang na nakatingin samin. Good girl si higante dun ha. At ganun din sila Jisooya, pero may nakikita ako sa mga mata nila na parang amaze na amaze sila sakin. Ewan ko lang.

"Hoy mangkukulam." inis at taas kilay na sabi ko dito. Hindi naman ito nagpatinag at tinaasan din ako ng kilay habang nakipagsukatan ng tingin sakin. Pigilan nyo'ko guix. Mapapatay ko ang empaktang 'to.

"Excuse me." pinamewangan pa ako. Wala na ba siyang ibang alam na English kundi ang, excuse me lang? Buti pa pala ako kahit na bubo ako sa English, madami akong alam. Wag nyo na alamin kung ano yun, baka bukas pa tayo matapos dahil sa dami kong alam. Wag muna kayo tumawa, seryoso muna tayo ngayon.

Naglakad naman ang mangkukulam tungo sa likuran ko kung saan nakatayo ang higante. Pero bago pa niya mahawakan ito sa kung saan, mabilis kong nahawakan sa buhok ang malanding mangkukulam na 'to at hinila siya palayo kay Manobag na masama na ngayon ang tingin nito sakin. Buti hindi pumalag ang empakta.

Hinarap ko naman ang mangkukulam sakin at kinwelyuhan ito sa suot nitong halos kita mo na ang kaluluwa nito. Batid ko namang nanginginig ito sa takot, o baka naiihi lang? Naku.

"Hoy, mangkukulam na empakta, kung ako sayo dalhin mo nalang pauwi yung basket mong dala-dala at may lamang mansanas. Bago pa magdilim ang piningin ko at ng hindi mabasag yang peslak mong makapal ang make-up." pananakot ko sa kanya at binitawan ko narin ito.

Nataranta naman ito at mabilis na nagtungo at pumasok sa sasakyan nito. Nagkada bunggo-bunggo pa ito. Tss, buti nga. Pasalamat siya yun lang ang natanggap niya sakin. Dahil naku, naku talaga. Sinabi ko, pero ayoko sabihin hahaha.

"At ikaw." nakapamewang na hinarap ko si Manobag.

"Ah e i a ta-tara na, uwi na tayo inaantok na ako eh." sabi naman nito at mabilis na kinuha ang susi ng sasakyan ni Jisoo na hawak-hawak lang sa kamay nito at ala-flash na pumasok sa driver seat ng sasakyan. Kanina lang ang sama kung makatingin. Tsk.

"Tol pano yung sasakyan mo?" nakadungaw sa sasakyan na tanong ni Jisooya sa kanya.

"Ha?" tumingin pa 'to sakin. Tinaasan ko naman siya ng isang kilay. "Ah ano uhm ano ipapakuha, oo ipapakuha ko nalang yan sa driver namin." sagot naman nito. Sus, halata naman kasing takot eh.

Natatawang napapailing nalang si Jisooya na pumasok ng kotse at sumunod naman kami.

--

Ops, wag muna natin masyado saktan si Lisa. Kawawa naman eh haha.

Sya, lame again.

Enjoy nalang 😘.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon