TWELVE

833 23 2
                                    


JENNIE

"Jen" maluha-luhang usal ng Mama ko sakin ng makita niya ako dito sa may gate ng bahay namin.

Tumakbo naman siya papunta sa may gate ng bahay namin at agad niya akong pinagbuksan.

"Mama" naiiyak na niyakap ko siya. "Namiss po kita." sabi ko matapos kumalas na ako sa yakap niya.

"Namiss din kita Jen anak." tumutulo na ngayon ang luhang sabi ni mama.

"Ma ang drama mo talaga." patawang sabi ko sa kanya.

Nagpahid naman siya ng luha at agad na binatokan ako.

Pambihira.

Alam nyo na guix kung kanino ako nagmana. Yun nga lang sinabi ko, nakatanggap na agad ako ng batok. Mama ko yan.

"Tsk, kita nangang minsan lang magdrama ang mama, gusto mo pang mapurnada." palatak pa niya.

"Ihh sorry naman po Ma." sabi ko nalang. Hay naku, si Mama talaga.

"Ewan ko sayo nak."

Natawa nalang ako sa inasta niya.

"Ma hindi nyo po ba ako papasokin sa loob?" reklamo ko. Ang init na dito e.

"Ayy oo nga pala. Lika Jen pasok na tayo sa loob."

Kinuha naman niya yung mga dala ko at nauna ng pumasok sa loob. Ako na ang nagsarado ng gate.

Nga pala, sosyal no may gate kami? Hehe.

"Nak bakit ka nga pala napauwi satin?" tanong ni Mama ng nasa sala na kami.

Tiningnan ko lang siya at nagdadalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya o hindi.

Sasabihin ko nanga lang. Bahala na.

"Ma" panimula ko at humugot ng hininga.

Tahimik lang na tiningnan ako ni Mama na para bang sinasabi din nitong ituloy mo lang at nandito lang ako.

Alam ko naiintindihan ako ng Nanay ko.

"Naguguluhan ako Ma." sabi ko at nag pause ulit.

"Bakit nak gusto mo na ba siya?" tanong niya.

Nagtaka naman akong napatingin sa kanya.

"Po?"

"Ang sabi ko gusto mo na ba siya?"

Alam na ba ni mama kung sino?

"Ang alin po?"

"Yang kulay ng buhok mo. Kulay pink, gusto mo na ba yan?" sarkastikong sabi ni Mama. Haha.

"Mama naman ihhh." maktol ko naman.

"Seryoso po kasi." sabi ko pa.

"Hay naku Jen. Kaya ba umuwi ka dito kasi naguguluhan ka dyan sa nararamdaman mo?" tanong niya at nakaturo pa siya sa may bandang puso ko.

Tumango lang ako sa kanya bilang sagot.

"Ano ba yung nararamdaman mo sa kanya?"

Mama hindi ko nga kasi alam, naguguluhan nga ako diba.

Yan sana sasabihin ko. Pero mas sadista pa sakin yang Nanay ko kaya hindi ko nalang isatinig.

Ng hindi ako nagsalita may tinanong pa si mama sakin.

"Masaya ka ba nak pag nakikita mo siya?"

"Opo ma." araw-araw naman kami nagkikita e. Dun kaya ako nakatira sa kanila. Sabay nga kami kumain, matulog, pumuntang office, o kung ano-ano pa man dyan. Ops, maliban syempre maligo tsaka mag bihis. Ibang usapan na ata yun.

I'm pregnant and you're the father (JENLISA FANFICTION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon