Chapter 1

662 23 4
                                    

"For your introduction, I want each of you to tell me your full name, age, and the reason why you enrolled here in our University. We'll start in front."

I bit my lower lip upon hearing what our first professor announced on our very first day as college freshmen. Noon pa man, hindi ko talaga gusto ang mga ganitong pagpapakilala. Bukod sa medyo nahihiya dahil nasa iyo ang atensyon ng lahat, hindi ako masyadong kumportable sa pagsasabi ng mga bagay patungkol sa akin sa ibang tao.

In high school, some teachers would even ask you to say the best adjective that describes you or sometimes the weirdest fact about yourself. I find it awkwardly irrelevant and... weird.

Akala ko pa naman, wala ng ganito kapag tumuntong ako ng kolehiyo. Subalit nagkamali ako. Dahil tulad na lamang ngayon, tinatanong ang mismong dahilan ng pag-aaral namin dito.

As if I would disclose the fact that I studied here because of a man.

I watched the girl seating in front of our class, a few rows away from me. She's wearing a wide beam and that chin up screams confidence. The hints of make-up on her face made her stand out and utterly gorgeous. Siya ang unang magpapakilala.

"My name is Gelsie E. Barcenilla, 18 years old. Some of you probably know that my parents are both professors here, but primarily, I chose this school because they said that guys here are hot, especially engineering students," she said in a quite seductive voice, before glancing at the pond of us students behind her, with a lip bite.

Some—no, several boys cheered at what she uttered. Sa reaksyon ng mga ito, halatang nasisiyahan sa naging sagot ng magandang babaeng ito.

Dahil bago, ngayon ko lamang siya nakilala. Siguro, may mga ilang nakakakilala na sa kanya noon pa, base sa introduksyon nito. After all, this University offers secondary education.

Umiling ang aming propesor at inutusan na ang katabi nitong sunod na magpapakilala. Nakangiti pa rin ang babae at kinawayan ang iba sa mga block mates namin.

The ratio of girls and boys enrolled in this specific block I'm guessing is about 1:8. Not really surprising, since this is an engineering course. Limang babae lamang kami ngayon dito, kung walang lumiban sa unang araw.

She looks friendly, so unlike me. Ako na walang ibang kaibigan bukod kay Shannon. Kaso nga lang, hindi kami pareho ng kurso.

I'm fine alone though. Sinubukan ko naman din noon na makipagkaibigan but forcing myself to do so just felt not me. I'm contented with just one friend. To me, quality always matters more than quantity.

What would I do with a bunch of friends but fake ones anyway?

Isa pa, minsan pakiramdam ko ay ayaw naman nila sa akin. Nakakatawa dahil hindi ko mapilit ang sarili ko na makipagkaibigan samantalang pilit ko namang ginugusto ang taong ayaw sa akin at patuloy na umaasang balang araw, masusuklian din ang nararamdaman ko.

Kabado ako habang pinapanood ang unti-unting pagtatapos ng mga nauuna sa akin sa pagpapakilala. Huminga ako ng malalim nang matapos na ang lalaking katabi ko at ako na ang susunod.

"Next, Ms..."

Tumayo ako at pinilit na gumuhit ng munting ngiti sa aking mga labi. Ramdam ko ang atensyon ng lahat sa akin sa mga oras na ito.

"M-My name is Irvine Diera Apelanio, 17. Uhm..." tinitigan ko sa kilay ng aking propesor, hindi sa kanyang mata upang hindi masyadong lamunin ng kaba. "I h-heard that this institution offers good quality of... education t-that's why I chose to study here. T-That's all Ma'am."

Tumango ito at tinawag na ang sunod sa akin, hindi nagkomento sa sinabi ko. What I said was quite general and yeah... lame, like what some of my other block mates shared. Hindi ko naman kasi maaring aminin ang totoo.

Scarcity of ChancesWhere stories live. Discover now