Chapter 2

494 18 2
                                    

I cannot deny that my heart felt so full the whole day. Hindi ko alam kung kailan ako makakabawi sa pangyayaring nakasabay kong kumain ang nag-iisang tao na nagustuhan ko buong buhay.

With all honesty, I thought it was barely possible for him to notice me anymore. Until this day came.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na ito.

Suot ko pa rin ang ngiti ko hanggang sa makauwi ng bahay namin. Sa gate pa lamang ay sinalubong na ako ng alaga kong Japanese spitz.

"Hello, Ribbon," I greeted her using a child's voice.

Lumuhod ako at mabilis siyang ibinuhat. Napangiwi ako habang tinatanggap ang sunod-sunod niyang halik sa bawat parte ng aking mukha maging sa tainga.

"I know you missed me. Namiss rin kita okay?"

I spent around two minutes hugging and kissing her in our garage before we went inside our house. Naabutan ko si Mama sa may kusina at mukhang nagluluto na.

"Oh, Vine, nandiyan ka na pala," she muttered with a smile. "How's your first day?"

Kaagad akong lumapit sa kanya upang makahalik sa pisngi.

"It was fine, Ma." Way fine that I could throw a feast just to celebrate what happened today.

"Did you find new friends? How about your profs? Kumusta sila? May masungit ba?" sunod-sunod niyang tanong.

"Ma, one by one please..." I chuckled. She heaved out a sigh and beamed at me.

"I'm sorry. I was just... excited. I still can't believe you're already in college. Parang kailan lang, ang liit-liit mo pa nang makuha ka namin ni David!"

I suddenly felt like a part of my heart's gradually melting, not in pain, but such an overwhelming feeling of gratitude and exhilaration.

Mula sa likod ay niyakap ko si Mama. "Thank you, Ma. For everything."

If it weren't for her and Papa, I might probably be lost in the wild out there, without a home and family. I will always be thankful for my parent's best treatment, even if we're not related in blood.

"Ano ka ba, Vine! You don't always have to thank me okay? O kami ng Papa mo. We are more than grateful to have you in our family."

"I love you po," I said.

Lumambot kaagad ang ekspresyon sa mukha ni Mama.

"I love you din, Anak. Osiya sige, magbihis ka na at kakain na tayo pagkatapos nito."

Tumango ako at dumiretso na sa kuwarto. Hinayaan kong makapasok ang nakasunod na si Ribbon sa akin bago isarado ang pintuan.

Pabagsak akong nahiga sa kama. Nang maalalang muli ang nangyari kanina ay wala sa sariling napangiti na naman ako. Iba talaga ang epekto sa akin ni Hans. Sana talaga, hindi na iyon ang huli.

I hope that she'll join Shannon and me again tomorrow for lunch. Pipilitin ko nang simulang lamunin ang hiya mapansin lamang niya. At ngayong mukhang naalala na naman niya ang tungkol sa akin, nagkaroon na ako ng lakas ng loob, kahit papaano.

At least he now knows my existence. Unlike before that all I can do was just stare at him from afar.

To admire him from a distance that I thought was impossible to cross.

"Ay, nangangagat na naman. Bad!" kunwari'y bawal ko kay Ribbon habang nilalaro siya.

Napapalatak ako nang makita ang mga balahibo niyang nagkalat na naman sa iba't ibang parte ng kuwarto ko. Pero kahit nahihirapan akong maglinis ng mga 'yon ay gusto ko pa rin siyang katabi at kasama rito.

Scarcity of ChancesWhere stories live. Discover now