Chapter 24

192 14 16
                                    

The unforeseen news from the phone call made us all run for the exit. It was a good thing that Kylo managed to leave a few bills on the table for the drinks before we headed out.

Sa elevator pa lamang ay umaapaw na ang tensyon. Kita ko sa mukha ni Mister Remzy ang pinahalong pagkabahala, pag-aalala, at takot. Pinamumugaran na rin ng kung ano-ano ang utak ko.

Fuck! You shouldn't overthink, Vine! Miss Bellinda is going to be okay!

Kylo and I are both worried about Mister Remzy so we asked him to just ride with us. Naisip ni Kylo na sa ganoong kalagayan ay baka hindi pa makapagmaneho nang maayos ang lalaki. He was too disturbed to either reject or agree. Nalaman na lamang namin na sumang-ayon ito nang siya mismo ay sumakay sa passenger seat ng sasakyan ni Kylo.

Mas malapit sa hotel and restaurant na pinanggalingan namin ang ospital kung saan naka-admit si Miss Bellinda kaya't madali namin itong narating. Mister Remzy didn't even bother to ask how we reached the place without him saying anything about the address. Tila ba nawala sa isip niyang magtanong pa dahil pagkarating na pagkarating namin doon ay mabilis siyang bumaba.

He looks so concerned for Miss Bellinda. Medyo nakapagtataka lalo pa't narinig naman nito ang lahat ng mga sinabi namin kanina.

I cannot help but wonder if he's still hoping that she's the girl he is in love with and not a different person. Kahit pagkatapos malaman ang lahat ng mga isiniwalat namin kanina ni Kylo, may parte pa kaya sa kanya na umaasang si Miss Bellinda pa rin na mahal niya ang babaeng iyon?

Pero... siya na mismo kanina ang nagsabi na ramdam niyang ibang tao ito. That he cannot feel the presence of the same woman she adores. It could be that he is so worried because Miss Bellinda might have some answer that could help us with our situation. Siguro, umaasa ito na kapag nakahanap kami ng solusyon ay babalik na sa dati ang lahat. Babalik na ang taong mahal niya.

I was hoping for that too. Not just for myself but also for the people around me. Hindi dapat ako ang nakakasama nila. Tulad na lang ni Hans. A thing seems to exist between him and the Irvine here but that was hampered by what happened. Ako tuloy na wala nang pagtingin sa mukha at pangalang iyon ang nakakasalamuha niya.

Natitiyak ko na kapag tumagal pa ito ay masasaktan lamang siya. Hindi tulad doon sa amin, mabuting tao naman si Hans rito at hindi niya deserve ang masaktan. If he and the Hans I once liked are the same, then I wouldn't be that troubled.

Sabay kami ni Kylo na sumunod kay Mister Remzy roon sa labas ng mental institution. I gasped in horror as I witness the huge fire trying to consume the whole building.

Mayroon ng mga bumberong sinusubukang tupukin ang mga iyon subalit tila hirap ang mga ito. May mga ambulansiya na ring nakaantabay para sa mga biktimang nailalabas mula sa ospital.

Bawal lumapit nang sobra at hinaharangan ng mga awtoridad ang sinumang magtatangkang pumasok sa loob. Kaya nga walang kaming magawa kung hindi tumingin na lang mula sa kinatatayuan naming may distansya mula sa nasusunog na ospital. Kahit na may kalayuan mula sa natutupok na pasilidad ay ramdam ko ang init na dulot nito.

"Where is Bellinda?!" rinig kong tanong ni Mister Remzy sa isang nurse na nakaligtas.

"N-Nasa loob pa po, Sir! Sa floor po nila nagsimula ang apoy!" takot nitong tugon.

Mister Remzy cursed loudly as his eyes darted on the burning building. He looks so flustered, mad, and nervous at the same time. Kylo on the other hand is still speechless. Nanlalaki ang mga mata habang nakatingin din.

My heart started aching as I stare at the scenario right in front of me. Ni hindi ko nga mapigilang pangiliran ng luha habang pinagmamasdan ang ilan sa mga taong inilalabas mula sa loob na nasugatan, ang iba'y mukhang matindi ang kalagayan.

Scarcity of ChancesDonde viven las historias. Descúbrelo ahora