for when a fire burns, there is light...

40K 2.6K 1.4K
                                    

Thea's POV

Tinignan ko si Arah sa rearview mirror ng sasakyan.

Nakayakap siya sa kanyang paboritong unan at mahimbing na natutulog sa backseat.

"Thea," sambit ni Seht na siyang nagmamaneho.

Humugot ako ng malalim na hininga bago ibalik ang aking tingin sa kalsada. "Natatakot pa rin ako, Seht..."

Hinawakan niya ang kamay ko. "I know..."

Napatingin ako rito. "Hindi naman siguro mauulit yung nangyari sa kanya, diba?"

Masuyo niyang pinisil ang palad ko. "I think not, we're living a different time, remember? A different life?"

Napangiti ako. "Sana nga."

Tahimik lang kami papuntang Huntre's Camp kasama si Arah pero sa totoo lang, kahit nung hindi pa kami sinundo ni Seht sa bahay, hindi ako mapakali.

Nagdadalawang-isip na ako, kung tama ba 'tong desisyon ko na suportahan ang kagustuhan ni Arah na maging huntre.

Kinakabahan ako, kasi naaalala ko noong namatay siya sa harap ko dahil isa siya sa lumaban sa digmaan. Alam kong malabo nang maulit ang digmaan, pero nagdulot pa rin ito ng takot sa'kin. Napakadelikado naman kasi ng papasukin niya, paano kung mapahamak siya?

Napabuntong-hininga ako nang maalala ko rin ang mga puting bulaklak na tumubo sa ibabaw ng kanyang libingan, kung paano ko kinakausap ang mga ito simula nang mawala siya.

Napalunok ako nang maramdaman ang aking sarili na naiiyak.

Takot ako, takot na takot ako para sa kanya.

Panandalian kong pinikit ang aking mga mata dahil namalayan kong malapit na pala kami sa camp.

"Malapit na po ba tayo?" Narinig kong tanong ni Arah.

Nilingon ko siya sabay ngiti. "Sobrang lapit na."

Eksaktong huminto ang kotse pagkatapos kong sabihin 'yon.

Itinaas ni Seht ang handbrake. "I'll carry the bags," sabi niya at lumabas.

Nasa tapat na kami ngayon sa gubat at sa unahan, ay ang daanan papuntang Huntre's Camp.

"Arah," nag-aalala kong tugon sa kanya. "Sigurado ka na ba talagang gusto mong maging huntre? Baka gusto mo pang pag-isipan-"

"Ate," aniya. "Paulit-ulit mo nalang sinasabi sa'kin 'yan."

"Paano kung-" Dinig ko ang malalakas na kabog ng aking dibdib. "Paano kung may mangyaring masama sa'yo?"

"Di mo naman siguro sisisihin yung sarili mo 'no? Ate Jamie?" aniya. "Kasi desisyon ko naman 'to, eh."

Hindi na ako nagsalita pa at napatitig lang sa kanya.

Nginitian niya ako. "Gusto kong maging huntre, ate."

Dahan-dahang bumaba ang aking tingin. Kinuyom ko ang aking palad na nakapatong sa hita ko.

Ilang sandali pa'y napatango-tango ako. "Kung saan ka masaya..."

Lumapad ang kanyang ngiti at bigla niya akong niyakap. "Thank you!"

Pinigilan ko ang mga luha ko na makatakas habang hinahagod ang likod niya. "Ano pa bang magagawa ko? Yun yung gusto mo, eh."

Nilingon ko si Seht na may dalang bags at kinatok ang bintana.

Tinanguan ko siya at saka lumabas na ng kotse.

Golden Age: Semideus SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon