santorini can wait...

38.7K 2.4K 3.4K
                                    

Thea's POV

Tinititigan ko lang ang pagkain sa harap ko.

"You're still hungover?" tanong ni Seht na nakaupo sa tabi ko.

Hindi maiguhit ang aking mukha nang lingunin siya. "Ang sama ng pakiramdam ko."

"You can go back to bed if you want," tugon niya, dahilan na mamuo ang isang kakaibang ngiti sa labi ko.

Humilig ako papalapit sa kanya at bumulong, "Kung tatabihan mo ulit ako."

"I can't," sabi niya. "I have papers to sign."

Napabuntong-hininga nalang ako.

Ilang sandali pa'y narinig ko ang mahina niyang tawa. "I'll try to finish it in an hour. So you can have me the entire day."

"Hmm." Sumingkit ang mga mata ko.

Bakit day lang?

"Hi," bati sa'min ni Kaye. "We've just finished packing."

Ipinatong ko ang aking mga braso sa counter at ibinaon ang ulo ko rito. Sa totoo lang, wala na akong gaanong maalala sa mga pangayayari kagabi.

Basta muntik na kaming magsabunutan ni Cesia.

Kasi naman eh! Gusto ko lang naman lumabas para mag-midnight snacks kami ni Seht pero pinagbawalan niya ako. Ang sabi pa niya lasing na raw ako, eh di naman ako yung nag-summon ng isang cyclops sa'ming dalawa. 

Hindi niya raw ako kayang kalabanin kasi tinatamad siya kaya gumawa nalang siya ng clone. Baliw lang?

Pagkatapos, dahan-dahan akong napangiti.

Ang mahalaga nagising ako sa tabi ni Seht.

Nagsasasayaw ako sa utak ko nang marinig ko ang boses ni Cesia.

"Uuwi na talaga kayo?"

"Yeah," sagot ni Kaye sa kanya. "I had so much fun, though."

Pinikit ko ang aking mga mata habang nakikinig sa kanila.

"Ihatid ko na kayo sa labas ng hotel."

"We're fine," giit ni Matilda. "Kara already called the lobby to assist us."

Nang magpaalam na sila sa isa't-isa, saka ko lang inangat ang ulo ko at nakitang nakapaligid na pala sa kanila yung girls.

"Mag-ingat kayo, ah?" ani Art na namamaga pa rin ng konti ang mga mata.

Kung bakit siya biglang sumigaw at umiyak kanina?

Chicken wings.

Bakit ba kasi chicken wings ang una niyang nakita. Pwede namang yung tocino o yung itlog nalang.

Dahil sa nangyari, hindi ko tuloy maiwasang isipin kung ano ang magiging reaksyon ko kapag may umihaw kay Bo.

At saka, ano kayang lasa ng satyr kapag inihain? Lasang alak ba?

Inayos ni Ria ang suot na jacket ni Kaye. "Have a safe trip, you two-" Panandalian siyang napahinto. "I mean, you three."

"We'll let you know kung nakarating na kami," sabi ni Matilda at nilingon ako. "And Thea, don't cause too much trouble, okay?"

Nagpalitan kami ni Cesia ng tingin nang sabihin niya 'yon.

Pinaningkitan ko siya, at gano'n din ang ginawa niya. Pero alam kong wala itong halong galit o inis. Kaming dalawa lang ang nakakaintindi sa uri ng tingin na binabato namin sa isa't isa.

Golden Age: Semideus SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon