it is beautiful...

37.4K 2.6K 3K
                                    

Chase's POV

"So, cable car... views... wine tasting and..."

Pinaningkitan ko ang e-mail na natanggap ko mula sa secretary ni Hermes.

"Chase!"

Nilingon ko si Ria na nakapameywang.

"Are you listening?"

Nginitian ko siya. "Cable car... views... wine tasting," pag-uulit ko sa schedule namin ngayong huling araw namin sa Greece.

"-and dinner at the port," ani Ria.

Tumango ako. "...and dinner at the port."

"Gods." Narinig kong bulong niya sa sarili. "I hope nothing comes up like what happened yesterday."

Nang mapagtantong hindi siya titigil sa pag-alala, tumayo ako at nilapitan siya. Kinuha ko ang mga kamay niya at marahan itong pinisil.

"Ria, baby, kung may mangyayari man sa araw na'to, sinisigurado kong sa pagitan lang nating dalawa-"

Bumitaw siya. "Chase!"

Natawa ako nang mahina at muling kinuha ang kamay niya sabay hila sa kanya paloob sa aking bisig. "Ba't ba ang laki ng problema mo sa tuwing nagbabakasyon tayo? Hmm?"

Totoo naman talaga. Dati pa siyang ganito kahit nung nasa Academy pa kami. Tandang-tanda ko pa nga, na may pa-headcount pa siyang ginagawa sa tuwing lumalabas kami.

"I..." Narinig ko siyang bumuntong-hininga. "I just want to make every moment count, Chase, and I'm trying..."

"Gusto mong bumawi..." Pinatakbo ko ang aking palad sa buhok niya. "-sa lahat ng pinagdaraanan natin."

"I'm trying too hard, aren't I?" tanong niya.

Bumitaw ako mula sa pagkakayapos sa kanya at hinawakan ang magkabilang balikat niya.

"Masaya na ako, at masaya na rin yung iba," pagsisigurado ko sa kanya. "Hindi mo pa ba nakikita 'yun?"

Bahagya siyang napayuko.

Isang mapait na ngiti ang gumuhit sa aking labi. Saka ko ibinaba ang aking mga kamay.

Alam ko kung ano ang ibig sabihin kapag umiiwas siya ng tingin sa pamamagitan ng pagyuko ng ulo niya.

Nahihiya siyang ipakita na natatakot siya.

"Hindi kita masisisi," sambit ko. "Kasi nasanay na tayong may nangyayaring masama sa'tin sa tuwing masaya tayo't magkasama..."

"Pero tapos na ang mga panahong 'yon, Ria," paalala ko sa kanya. "Ngayon, masaya na tayo at magkasama. Yun lang. At kung magkagulo-gulo man, dahil minsan hindi naman talaga natin ito maiiwasan, magiging masaya pa rin tayo."

"Tignan mo yung sarili mo, dahil ikaw.... Ikaw ang palatandaan ng pagbabagong 'to." Marahang dumapo ang aking palad sa kanyang pisngi. "Namatay na't nabura lahat, pero bumalik ka pa rin sa'min."

Inangat ko ang kanyang ulo at nginitian siya.

"Kaya wala ka nang dapat ikatakot..." mahina kong tugon.

"Mmm." Bahagyang umangat ang magkabilang sulok ng kanyang labi. "Wala akong dapat ikatakot."

Bumaba ang aking tingin sa namuo niyang ngiti.

Ayos. Mukhang hindi na ako matutulog sa sofa nito.

Ipiniling ko ang aking ulo para sana'y halikan siya nang iwasan niya ito dahilan na mapasubsob lang ako sa balikat niya.

Golden Age: Semideus SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon