spur of the moment...

41.3K 2.8K 5.7K
                                    

Cesia's POV

"Ah-" Nagising ako dahil sa biglaang pagsakit ng ulo ko. "Aray..."

Hinimas-himas ko ang noo ko. "Thea?" Iminulat ko ang aking mga mata. Wala akong gaanong makita dahil sa sobrang dilim.

Teka. Anong oras na ba?

Umupo ako sa higaan at nilingon ang digital clock na nakapatong sa night stand.

'3:30 am...'

Napabuntong-hininga ako at bumagsak sa higaan.

Pumikit ako para sana'y matulog ulit, nang maramdaman ko ang isang mabigat na braso na pumatong sa tiyan ko at yumakap sa'kin.

Napalunok ako bago muling buksan ang aking mga mata.

Hindi si Thea ang katabi ko.

Bahagyang bumukas ang aking bibig.

Sisigaw na ba ako? Kasi hindi si Thea ang katabi ko!

Huminga ako nang malalim at nag-summon ng patalim na gawa sa salamin. Sinubukan kong pakalmahin ang sarili ko, bago ko alalahanin ang nangyari kagabi.

Kumain kami kasama si Thanatos, at nakauwi kami... tapos... tapos... wala na akong maalala.

Nanlaki ang aking mga mata.

Wala na akong maalala!

Napatakip ako ng bibig at humigpit ang pagkakahawak ko sa salamin hanggang sa makaramdam ako ng hapdi.

Anong ginawa ko kagabi?! Nasaan ako?! Sino 'tong kasama ko?! Nasa'n si Thea?!

Sinubukan kong gamitin ang ability ko para maka-alala pero sumakit lang yung ulo ko. Ilang segundo akong nahilo, bago nagsimulang mag-isip-isip ng paraan para makaalis kung nasaan man ako at makalayo sa kung sino itong kasama ko.

Huminga ako nang malalim at ibinuga ito. Ilang beses ko itong ginawa, hanggang sa mapakalma ko na nang tuluyan ang sistema ko.

Maingat akong gumalaw at inangat ang braso niya.

"Where are you going?"

Tila tumigil ang takbo ng panahon pagkatapos kong marinig ang pamilyar niyang tinig. Napatulala ako, nagdadalawang-isip kung tama ba itong kutob ko kung sino ang katabi ko.

Nakatuon pa rin ako sa harapan nang maramdaman ko siyang gumalaw.

Bumangon siya, saka niya hinila pababa ang tali ng lampara na nasa tabi niya.

"What are you-" Napahinto siya.

Ilang segundo pa ang lumipas bago ako nakaipon ng sapat na lakas ng loob para salubungin ang tingin niya.

"Your hand," aniya.

"Trev-"

"What happened to your hand?"

Yumuko ako at nakita ang palad ko na nabalot sa dugo. Nagkaroon ito ng hiwa sa gitna, dahil sa sobrang higpit ng pagkakahawak ko ng sinummon ko na weapon.

"K-Kasi natakot ako kaya-"

"Stay there." Tumayo siya at tumungo sa mga bag na nakapatong sa cabinet. Isa-isa niya itong binuksan, at hinalungkat ang mga laman.

Hinawakan ko ang duguan kong kamay at napabuntong-hininga. Habang naghihintay kay Trev, inilibot ko ang aking paningin.

Wala ako sa kwarto namin ni Thea.

Ano ba talagang nangyari at bakit ako nandito?

Bumalik si Trev sa tabi ko na may dalang puting kit. Mula rito, naglabas siya ng dalawang maliliit na bote, mga bulak, at bandage.

Golden Age: Semideus SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon