the law of attraction...

38.1K 2.5K 5.9K
                                    

Cesia's POV

"Thank you, Auntie!" Nananabik kong binuksan ang pinto ng sasakyan at nagmamadaling lumabas.

"Abigail!"

Napatigil ako at nilingon siya.

"Huwag magdalawang-isip na tawagan ako kung hindi makakahatid si Trev sa'yo-"

"Sige po! Ingat ka, Auntie!" paalam ko sa kanya saka patakbong naglakad papasok ng mall. Luminga-linga ako para hanapin yung boutique na tinext ni Art sa'kin.

"Cesia?"

Nilingon ko si Kara na kararating lang din.

"Hi," bati ko sa kanya at niyakap siya. "Buti nalang sabay tayo. Di ko alam kung sa'n sila, eh."

"It's the first time I've heard of such place, either," aniya. "You think you can look for them using your ability?"

Lumiwanag ang aking mukha, at kasabay nito ay ang panandaliang pagbago ng kulay ng aking mga mata.

"Nasa third floor," masigla kong sabi.

Sabay kaming pumunta sa third floor, at nang makarating na kami sa boutique ay sinalubong kami ng nagtitiling Art at Thea.

Pagkatapos magpalitan ng pangungumusta, kinawayan ko sina Kaye at Ria na nasa gitna ng pamimili ng mga damit nang mapansin kami. Sa likod din nila ay mayroong mahabang bench kung saan nakaupo sa magkabilang dulo sina Cal at Hector.

Lumapit sa'kin si Ria. "Finally! You're here!" Bigla niya akong hinatak sa direksyon ng mga nakahilerang dresses at gowns. "We need you to choose."

"Hello, Cesia," ani Kaye nang tumigil ako sa harap niya.

"Hi!" Maingat ko siyang niyakap dahil sa tiyan niyang di maipagkakailang malaki-laki na. "Kamusta?" tanong ko nang bitawan siya.

"Tired," sagot niya. "Kanina pa kami namimili rito..."

Dahil sa sinabi niya, sinulyapan ko si Ria na napakibit-balikat lang.

"Maupo ka muna." Tinulungan ko si Kaye na maupo sa gitna nina Hector at Cal. Tinawag ko rin ang isa sa mga associates, na sa laking gulat ko ay isang aurai, at humingi ng tubig.

Inabot ko kay Kaye ang isang baso ng tubig na ibinigay ng aurai sa'kin. "Diyan ka lang," sabi ko sa kanya. "Ako na ang mamimili para sa'yo."

"Thank you," ani Kaye nang tanggapin ito.

Yumuko ako sa harap niya. "Hello..." Hindi ko maiwasang mapangiti nang marinig ko ang mabibilis na tibok ng puso nito. "Baby Henri."

"He likes you."

Inangat ko ang aking tingin kay Kaye.

"I can feel it."

Natawa ako nang mahina at tumayo. "Talaga?"

Tinanguan niya ako. "He's been frantically moving since we got here," aniya. "Now he's calmed down."

Nakatuon lang ako sa tiyan ni Kaye nang biglang mag-ring yung cellphone ko. Agad ko itong kinuha mula sa bag ko at nalamang si Trev ang tumatawag.

"Teka lang, ah, si Trev-" Lumayo ako sa kanila at sinagot ito.

"Hi, nasa third floor kami-"

'I know,' maikli niyang sagot sa kabilang linya.

Golden Age: Semideus SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon