the young's and austria's...

37.1K 2.8K 5K
                                    

Cesia's POV

Nanlaki ang aking mga mata nang makita sina Treasure at Eva na nagtitili habang tumatakbo.

Sa laking gulat ko, nilagpasan lang nila si Trev at lumundag sa kinatatayuan ko para salubungin ako ng isang mahigpit na yakap.

"Hi!"

"Hello!"

Magkasunod silang bumati sa'kin nang nakayapos pa rin. Saka ako napatingin kay Trev na napangiti.

Sabay nila akong binitawan at tumingala nang lumiliwanag ang mga mata.

Nginitian ko sila. "Hi."

Kasunod silang napasinghap.

"Sabi ko sa'yo sobrang ganda niya sa personal, eh!" ani Treasure sabay tulak ng kapatid niya.

"Bakit? Sinabi ko bang hindi?" Ginantihan siya ni Eva ng mas malakas na tulak. "Alam ko kayang anak siya ni Aphrodite!"

"Girls," tawag ni Trev sa kanila bago pa sila magtulakan sa harap ko.

"Kuya! Nakita mo ba 'yon?" Nagtatampong tumakbo si Eva sa kanya. "Tinulak ako ni Treasure!"

Kinuha naman ni Treasure ang kamay ko at hinatak ako. "Ate! Kami ni Mama nagluto nung pagkain! Tikman mo!"

Natawa ako nang mahina at hinayaan siyang tangayin ako.

Dumating kami sa dining room kung saan nadatnan ko ang tatlo nilang mga katulong na abala sa paghahain ng mga pagkain. Sa likod nila, naroon ang isang babae na siyang nag-uutos sa kanila habang tumutulong din.

Napatigil siya nang makita ako.

Dahan-dahan niyang inilapag sa mesa ang tray na nasa kamay niya at nginitian ako.

"Mama!" Tumakbo si Treasure sa kanya. "Andito na siya!"

Nginitian niya si Treasure sabay gulo ng buhok nito, bago iangat ang kanyang tingin sa'kin nang nakangiti pa rin.

"Cesia," sambit niya.

Napangiti rin ako. "Tita."

"Please." Lumapit siya sa'kin at niyakap ako. "Call me mom."

Binitawan niya ako at hinawakan ako sa magkabilang balikat. "Where's your dad?" tanong niya. "And Annais?"

Nilingon ko ang lalaki at babaeng pinagitnaan si Trev habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan namin.

"Pa, Auntie," sambit ko dahilan na mapalingon sa'kin.

"Silice!" ani Auntie at nagmamadaling lumapit para yakapin siya.

Sumunod naman si Papa sa kanya at nakipagpalitan ng pangungumusta. Nakamasid lang ako sa kanila nang maramdaman ko ang isang braso na humawak sa likod ko.

Napangiti ako nang isandal ang aking ulo kay Trev na tinabihan ako.

"And that..." mahina niyang sabi. "-is my mother and sisters."

Natawa ako nang marahan. 

Dumaan ang ilang sandali nang makaramdam ako ng presensya na pabigat nang pabigat, ibig sabihin, papalapit ito sa'min.

At mukhang hindi lang ako ang nakapansin nito dahil sabay kaming lahat na napaikot at nakita ang isang babae na kararating lang. Nakasuot siya ng puting chiton at gintong sandals. Marahan pa niyang tinabig ang mahabang buhok niya papalikod habang nakangiti sa'min.

Golden Age: Semideus SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon