because this is my storm...

42.3K 2.9K 2.7K
                                    

Cesia's POV

Bumalik sa dating kulay ang aking mga mata pagkatapos kong mahanap sina Dio at Kara. Hindi ko sila nakikita, natatanaw ko lang kung nasaan sila mula rito sa balkonahe.

Napangiti ako.

Ramdam ko kasi ang kaligayahan nung dalawa, at nanatili ito sa puso ko kahit nang tanggalin ko na ang koneksyon ko sa kanila.

Dumaan ang malamig na ihip ng hangin kaya napakayakap ako sa sarili.

Lumipat ang aking tingin sa Parthenon, isa sa mga sinaunang templo ni Athena. Nasa kabilang ibayo ito ng Athens, at pinaiikutan ng mga ilaw.

"Coward..." bulong ko sa sarili.

"Blind, like an owl."

Nilingon ko ang babaeng lumitaw sa tabi ko nakikimasid din sa tanawin. Suot niya ang isang makapal na cloak at sa ilalim nito, ang puting chiton. Naka-braid sa isang korona ang kanyang buhok na nagagayakan ng mga gintong dahon ng laurel.

"The gods have a tendency to turn blind," aniya, nang hindi ako binabalingan ng tingin. "When overcome with anger, lust, desperation..."

Mula sa Parthenon, bumaba ang kanyang tingin sa iba pang mga gusali ng Athens. Humakbang siya papalapit sa railings at marahang ipinatong ang kanyang palad rito.

"I cannot say I envy you," mahina niyang sabi saka humilig nang kaunti sa nakatukod niyang kamay upang masuri ang nasa ibaba.

Nakakapanibago ang marinig siyang nagsasalita nang mahina, at hindi rin siya nakatayo nang sobrang tuwid. Naglaho na ang nakakatakot na hangin na parating umaaligid sa kanya.

Lumiwanag ang aking mga mata.

Kara.

Nakikita ko na si Kara sa kanya.

"But who would ever know that a mortal I have condemned will eventually rise to prove she was not who I thought she was." Inangat niya ang kanyang ulo at sinalubong ang aking tingin. "You didn't say I was mistaken."

Nginitian niya ako. "You showed it, instead."

"You are, by far, the bravest mortal I have come across with," dagdag pa niya. "And I have met a lot of heroes from different times."

Umayos siya sa pagkakatayo. "Thank you, demigod."

Bahagya niyang iniyuko ang kanyang ulo.

Napangiti ako at gano'n din ang ginawa ko bilang pagtugon sa pasasalamat niya.

Nanumbalik ang seryoso niyang ekspresyon nang muli akong tignan. "You've done well."

Huminga ako nang malalim. "Athena, lahat ng sinakripisyo ko, ay hindi para sa inyo," paalala ko sa kanya. "Para ito sa mga taong itinuturing kong pamilya, kabilang na yung anak mo."

"Sila yung nando'n para sa'kin sa panahon na nanghihina ako," dugtong ko. "Sa kanila ako humuhugot ng lakas, kaya.... kung wala sila, wala rin ako."

"Hindi lang ako ang dapat niyong pasalamatan," saad ko.

Matagal-tagal niya akong tinitigan.

Ilang sandali pa'y namuo ang isang malambot na ngiti sa kanyang labi. "The gods are indebted to you."

Nabigla ako sa sinabi niya. "H-Hindi naman sa gano'n-"

"No," sambit niya. "The realms are indebted to all of you."

Golden Age: Semideus SpecialsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon