CHAPTER 15

951 79 3
                                    

"Ano ba? Ba't ka ba tawag ng tawag?!" naaaburidong bungad ni Helena sa pagtawag ni Paolo sa cell phone niya. Hindi pa kasi nito matantiya kung paano niya ipoproseso ang mga nangyayari sa kanya ay heto si Paolo, maya't maya ang pagte-text at pagmi-missed call.

"Eh text ako ng text sa 'yo hindi ka naman nangre-reply. Tinatawagan kita, ayaw mo namang sagutin."

"Eh bakit nga? Ano bang kailangan mo?"

"Sorry na kasi.Tungkol do'n sa nangyari sa coffee shop kanina."

"Oo na nga eh, 'di ba? Ok na?! Matahimik ka lang!"

"Busy ka ba?"

"Oo."

"Magkita naman tayo."

Itinikom ni Helena ang kanyang kanang kamao sa sobrang panggigigil sa inis sa kausap. "Kasasabi ko lang na busy ako 'di ba?"

"Nandito na ako sa labas ng bintana mo."

Natigilan si Helena upang lingunin ang sliding door na laging pinapasukan ni Paolo. May nakita nga siyang silweto ng taong nakatayo sa labas ng bintana. "Tinanong mo pa kung busy ako eh wala na naman pala akong choice!" Bulong niya sa kanyang sarili.

Naghihimutok na tinungo pa rin naman niya ang bintana upang pagbuksan si Paolo nang...

"Joke! Joke! Joke!" Humahalakhak na wika ni Paolo sa kabilang linya. "Wala pa ako riyan pero malapit na ako. Sobrang traffic lang."

Tila napasong biglang binawi Helena ang kanyang kamay sa handle ng bintana. "What the f*ck?" Pabulong na bulalas nito sa kanyang sarili habang marahan itong umaatras palayo sa bintanang nakaharap sa kanilang likod-bahay. Naroon pa rin kasi ang silweto ng isang matangkad na taong nakatayo sa kanilang bubungan.

Animo'y tambol ang lakas at bilis ng pagtibok ng puso nito habang nagpapatuloy ito sa pag-atras, hanggang sa dumako na ito sa tabi ng bintanang nakaharap sa harapan ng kanilang bahay. Marahan at maingat itong sumilip, upang tingnan kung naroon pa ang lalaking naka-maskara, ngunit lalo lamang itong kinabahan nang mapagtanto niyang wala na ito roon.

Muli niyang tiningnan ang bintana sa likod, nawala na rin ang anino kaya unti-unti na naman siyang lumapit dito upang siguraduhing nakakando ang sliding window. Isang pulgada na lamang ang layo ng kanyang mga daliri sa hawakan nito nang bigla itong kumalabog. May bigla muling kumatok. Kaya halos panawan ito ng ulirat sa labis na pagkagulat.

"S-sino 'yan?" umaasa siyang si Paolo ang tutugon ngunit wala namang sumasagot.

Tuluyan na siyang napaupo sa sahig nang muli na namang lumitaw ang silweta ng taong nakatayo roon kanina. Hindi makapagsalita si Helena sa sobrang nerbyos. Nanlalabot na rin ang mga tuhod nito kaya halos gumapang na ito upang makarating lamang sa pintuan, palabas sa kanyang silid.

***

"Wala namang tao rito!" Inilawit ni Jasper ang ulo niya sa bintanang itinuro ni Helena. "At saka paano namang may makakaakyat sa bakod nating bukod sa mataas na ay may barbwire pa sa ibabaw?

"Paolo can." Bulong ni Helena sa kanyang sarili dahil hindi naman niya maaaring sabihin sa kanyang kapatid ang bagay na iyon.

"Ngayon, wala na." Nakasimangot na wika ni Helena sa kanyang kapatid, "pero kanina, ang tagal-tagal niya riyan. May nakita rin akong lalaking nakamaskara bago 'yan, nakatayo roon sa may puno sa kabilang kalye diyan sa harap at pagkatapos ay ito oh..." ipinakita na nito ang mga texts sa kanya ng isang unknown sender.

Copyright ⓒ 2017, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Aba, tarantado to ah." Kunot-noong wika ni Jasper habang binabasa ang mga texts, "sa lahat naman ng pagti-tripan kapatid ko pa. Taragis! Ang lakas ng loob ha?! Patay 'to sa 'kin pag nahuli ko 'to."

"Kung mahuli mo." Nakasimangot na reaksiyon ni Helena, "sa palagay mo ba mahuhuli mo ang mga ganyang klase ng tao?"

"Tsk! Oo noh! Kayang-kaya ko 'to. Ang dami mo pang side comment!" Ibinalik na nito ang cell phone ng kapatid. "Oh ayan, nakita mo, may stalker ka pala, kaya tigil-tigilan mo na 'yang paglabas-labas nang mag-isa! Kung hindi si Daddy ang kasama mo, ako lang, wala nang iba!"

"Kung si Denny, puwede?"

"Bakit? Kaya ka bang ipagtanggol ni Denny? Eh hahanggang baba mo lang ang babaeng 'yon ah!"

Namayawang si Helena, "aba hoy kuya, kahit maliit 'yon, matapang 'yon no!"

"Eh ano bang magagawa ng tapang niya kung mas malaki at mas malakas sa inyong pareho ang mga gustong sumalbahe sa inyo? Pagdating sa mga ganito, hindi puwede 'yang matapang lang, dapat, kaya mo ring patumbahin ang kahit sinong humaharang sa 'yo. Palagay ko, panahon na para sumama ka na sa 'kin kina Lola sa pag-e-ensayo!"

"Pag-eensayo ng ano?"

"Ano pa, eh eh 'di ng Escrima, o kahit ng Judo o Taekwondo o kahit anong kaya mong pang-self-defense bukod sa sabunutan!" Natatawa ito.

"Ay, ayoko nga! Ang hirap-hirap ng mga 'yan noh!"

"Ano ka ba? Sa panahon ngayon, dapat lagi kang handang ipagtanggol ang sarili mo. Si Jordanna nga, 'di ba? Mas bata sa 'yo 'yon pero walang pwedeng tumarantado ro'n, 'di ba!"

Napangisi si Helena, "tama ba ang naririnig ko? Pinupuri mo si Jordanna?" Tinabig nito ang kapatid na may halong panunukso. "Sabi ko na nga ba, Cinderalla ka eh."

Natatawang napakunot-noo si Jasper, "anong Cinderella? Paano akong naging Cinderella?"

"Cinderella, 'yung bandang kumanta ng Tulak ng Bibig, Kabig ng Dibdib noong mid-seventies."

Humalakhak si Jasper, "Mid-seventies ka riyan! Para namang ipinanganak ka na noong mid-seventies, eh ni hindi pa nga yata singaw man lang noon si Mommy at Daddy! At saka..ang baduy mo sis, grabe. Daig mo pa talaga ang matanda sa una." Pangangantiyaw nito sa kapatid, "hindi man lang Lilet version ang isinampol mo. At least 'yun early nineties, malapit-lapit na nang kaunti, hindi eh, Cinderella Band talaga?"

Pinalo naman ito ni Helena sa braso habang patuloy silang nagtatawanan. "Oh ikaw, kalalaki mong tao, ba't alam mo na may iba pang version ang kantang 'yan? Alam mo kuya, nagdududa na talaga ako sa 'yo eh? Hindi kaya ikaw ang gumagamit ng mga nawawala kong bestida?"

"Braso ko, hita mo lang, paano naman akong magkakasya sa mga bestida mo? 'Yung mga lipstick mo, pwede pa." Biglang ipinitik ni Jasper ang kanyang kanang daliri at ipinikit-pikit ang mga mata."

"Ang ganda mo so sigurong bakla, 'no kuya?"

Kunwari'y inipit nito ang kanyang buhok sa likod ng kanyang kanang tenga, "Oo naman! Mas maganda ako sa 'yo, sure 'yan!" Sabay tawa.

***

"Special Agent Montero," bungad ng tumawag kay Paolo, matapos nitong pindutin ang bluetooth earbuds sa kanyang kanang tenga. "Nasaan ka?" Pamilyar ang boses nito sa kanya.

He's never comfortable on stating his location as a force of habit, on and off duty. Even to his immediate superiors. "Do you need me, Sir?"

"Yes. Third HQ. ASAP."

"Copy, Sir." He hung up bago ito nagbuntong-hininga. "Shit!" Dahil ang ibig sabihin lamang noon ay he cannot make it to meet up with Helena according to his original plan.

Ito talaga ang tunay na dahilan kung bakit hindi niya maituloy-tuloy ang seryosong panunuyo sa dalaga. His call of duty. Something that he can't sacrifice just yet, dahil nag-uumpisa pa lamang naman siya, at ito talaga ang gusto niyang gawin sa buhay, at least, while he still can, and against all odds.

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora