CHAPTER 3

7.9K 453 155
                                    

"Ano 'yung dinudukal mo sa likod-bahay kaninang umaga?" tanong  ni Helga kay Helena nang magkasarilinan na ang mga ito.

"S-sino pong nagsabi sa inyo, si kuya?"

"Hindi! Ako mismo ang nakakita sa 'yo! At ano 'yung nasa sakong itim?"

"P-po?"

Tinaasan ng isang kilay ni Helga ang anak. "Ano?!"

***

Halos gumulong si Jasper sa katatawa habang iniisa-isang dukutin ni Helga ang laman ng sakong itim.  Hindi pa naman kasi ito naibabaon ni Helena sa lupa dahil hindi pa ito tapos sa paghuhukay. Puro ginusamot na papel lang pala ang mga ito na may nakasulat at naka-drawing na kung ano-ano.

"Oh my Paolo why so guwapo?" natatawang pagbasa ni Helga sa isa sa mga papel na binulatlat n'ya. "Flames. Paolo Montero loves Helena Toledo. Heart-heart."

Napahighik si Jasper. Hindi naman maiharap ni Helena ang mukha n'ya sa ina at kapatid dahil sa sobrang kahihiyan.

Muling nagbulatlat si Helga ng nilamukos na papel. "Paolo, oh Paolo, can I..." tinakpan ni Helga ang ang bibig upang pigilang mapalakas ang pagtawa, "can I..." Pinigilan na nito ang tiyan at tuluyan nang tumawa. "Can I lick your sparkling abs?"

Lalong humagalpak ng tawa si Jasper. Nasapok naman ito ni Helena sa sobrang inis.  "Akin na nga po 'yan!" Inagaw nito ang sako at mga papel sa kamay ng ina. "Kung aasarin n'yo lang ako, lubayan n'yo akong mag-ina!" Nanghahaba ang nguso nito.

"Bakit ibabaon mo sa lupa ang mga 'yan?" humupa na ang pagtawa ni Helga.

"Wala kayong paki!" Masugit na singhal ni Helena sa ina habang isinisilid isa-isa ang mga papel sa sako upang muli itong maibuhol.

Napatingin si Helga kay Jasper; nagkibit-balikat lang naman ang huli.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

***

Walang humpay sa pag-atungal si Helena nang mapag-isa na ito sa kwarto n'ya. Sumubsob ito sa kama at ibinaon ang ulo sa ilalim ng kanyang mga unan. Paminsan-minsan din itong nagkikikisay sa pangingilabot sa sobrang kahihiyan.

"Buwisit ka Paolo! Pahamak ka talaga!" Tumihaya itong yapos-yapos ang unan. "Ikaw ang stalker ko pero bakit ako ang nagkakaganito? Bakit kasi ang hot mo?! Bakit ang guwapo mo? Pero bakit ang labo mo? Nanliligaw ka ba sa 'kin o pinaglalaruan mo lang ako?" bulong n'ya sa sarili. "Shit ka! Shit ka! I hate you! Kung nawawala ka nga, sana hindi ka na bumalik! Distraction ka sa buhay ko! Buwisit!" Bumangon ito at padabog na nagtungo sa kanyang desk. Umupo ito sa harapan nito kasabay ng pagbuklat nito sa kanyang laptop. "Hmp. Makapag-update na nga lang sa Wattpad."

Hundreds of notifications ang bumulaga sa kanya. Excited itong mabasa ang mga comments ng readers n'ya. Nakatutulong kasi ito upang makakuha s'ya ng feedback; at para na rin makabasa man lang ito ng mga kumentong mas makapagpapa-inspire sa kanyang magsulat. Ngunit napasimangot s'ya nang makitang kung hindi negative comment, puro demand for updates lang ang tumambad sa kanya.

"Isa pa ang mga buwisit 'to eh!" Bulong n'ya, "Ako na nga 'tong nagpakahirap mag-isip at mag-type, parang ako pa ang may utang lagi! Alila ba 'ko? Utusan ba ako? Buti sana kung may pakape man lang kayo."

Nagsimula itong mag-type sa keyboard:  'Mga...letse...kayong...lahat!' Pero binura rin naman n'ya ito bago pa man n'ya mapindot ang enter button.

"Hmp! Nakakawalang-ganang mag-update." Bulong n'ya. "Bilang ganti, next year na lang ako mag-a-update. Mamatay kayong lahat sa inis!" Magla-logout na sana ito nang may bagong lumabas sa notification...it was a private message from username:  RuthlessReality

'Hi DyslexicParanoia, your stories are quite entertaining but do you have any plans to improve your writing style at all?'

Just like that, naramdaman ni Helena ang biglang pagtaas ng presyon. The heck? What is that supposed to mean? Alam n'yang matatarayan lang n'ya ang lintek kaya she have decided to exit the thread. Maglo-logout na sana itong muli nang biglang lumitaw na naman ito sa notif nito...

'I'm not a basher, ok? I'm just being honest. Sayang naman kasi ang unique storytelling skills mo kung pangit ang pagkakasulat mo.'

'Wadapak?!' "Hindi raw basher?" Sabi n'ya sa kanyang sarili,"eh kung i-bash ko kaya ng cymbals ang magkabilang panga nito?" Pinigilan pa rin ni Helena ang mga daliri n'yang kating-kati nang mag-reply ng...'Lubayan mo ako satanas!' Ang galing kasing tumayming eh. Bad trip na nga ito sa real world, pati ba naman ang virtual world walang space para magkaroon s'ya ng matataguan? "Pangit pala ang pagkakasulat ko, basa naman sila nang basa. Parang mga tanga!"

Huminga si Helena nang nalalim. Pinakalma muna nito ang sarili bago tinipa ang mas kalmadong sagot: 'Thanks. I will try to work on that.'

Ok na sana s'ya, kundi lang sana ito humirit pa...

'And Please update Casper, the Virgin Slayer soon. Fave ko kasi 'yun eh. Hindi maayos ang pagkasulat pero I like plot. Nakakaaliw si Casper. I actually see myself in his character. Hambog na habulin ng mga virgin. Ang galing mong umisip ng mga unique na k'wento kaso lang, 'yun nga, you really have to work on your writing skills. Sana talaga maganda rin ang ending, para naman hindi masayang ang oras ko."

Helena did a voiceless scream to release her anxiety. "Buwisit na 'to!" Mangiyak-ngiyak na bulong n'ya. "Nag-aalala sa oras n'ya? Eh pa'no naman ang oras ko? Hay naku...kung sino ka man, madapa ka sana at magkaro'n ng malaking bukol sa gitna ng noo--"

Napaiktad si Helena sa malakas lagabog. Nagmumula ito sa bubungan sa labas mismo ng kanyang bintana. Nasa second floor kasi ang silid n'ya at nakaharap ang isa sa kanyang mga bintana sa bubungan ng ground floor.  Agad namang tinungo ni Helena ang bintana at binuksan ito.

"H-helena..." paungol na daing ng isang lalaking nakadapa sa bubungan.

"S-sino ka?" pilit nitong sinisipat ang lalaki. Madilim na kasi sa labas.

Tila hirap na hirap na gumapang ang lalaki sa dilim papalapit sa may bintana. Hindi naman ito huminto hangga't hindi ito lubusang nakakalapit sa kanya.

"Paolo?! D'yos ko! Anong nangyari sa 'yo?" nang tinamaan na ito ng ilaw mula sa silid ni Helena. Si Paolo nga ito pero duguan ito. Halos hindi na halos ito makilala dahil sa pamamaga ng mga bukol at sugat sa mukha. Puro sugat din ang mga braso nito at gulagulanit din ang suot-suot na plain white fitted shirt at blue faded jeans.

Natataranatang hinila ni Helena ang kamay nito at inilalayang makapasok sa bintana. Nakakalakad naman ito kahit nahihirapan kaya napagtiyagaan din naman nitong maihiga ito sa reclining chair malapit bintana.

"Hey..." Bulong ni Helena. "What happened to you? Bakit ganyan ang hitsura mo?"

"C-can I have water first please?" nakapikit na wika nito. "My throat is so dry."

"S-sandali." Agad na tinungo ni Helena ang portable ref na nasa ibabaw ng desk. Kumuha ito ro'n ng isang maliit na bote ng distilled water at agad na ipinainom ito kay Paolo.

It took several minutes bago nakarecover si Paolo sa matinding uhaw at hapo. Sinamantala naman ni Helena ang sandaling pamamahinga ni Paolo upang kumuha ng face towel, warm water from her bathroom's faucet at personal first aid kit.

"Aw!" Pagdaing ni Paolo sa bawat pagdampi ni Helena ng bulak na may alcohol sa mga sugat nito sa mukha. Hindi naman malalalim ang sugat; marami lang talaga.

"Ano bang nangyari? Where have you been? Bakit ganyan ang hitsura mo?"

Akala ni Helena, makukuha na n'ya ang sagot. But instead, he said...

"Can I stay here for a few days?"

"Ha?"

"But please don't tell your parents."

"Pero nag-aalala na sa 'yo parents mo. Kahapon ka pa nila hinahanap."

Napangibit si Paolo, "Please don't tell my parents either."

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerWhere stories live. Discover now