CHAPTER 7

7K 360 19
                                    

Secretly wounded by the unexpected confession, Helena immediately recovered by, "oh 'di tama ako." She faked a chuckle, "Cheater ka nga. May girlfriend ka pala, nanghahalik at nag-I-I love you ka rin sa ibang babae. Ang malas naman pala n'ya sa 'yo."

Humalakhak si Paolo, "are you jealous?"

'Ugh!' Helena in her mind, 'This guy is a human torture chamber.'

"Of course not! B-bakit naman ako magse-selos, ano ba kita?" it 'almost' sounded sincere if not for her faint stuttering.

Kinalabit nito si Helena sa tagiliran, "you still don't believe that I can actually analyze your psyche by your body language don't you?"

Ngumisi si Helena, "what's your analysis of me then?"

"That you are jealous."

"Tsss..." umiling-iling si Helena at umiwas ng tingin.

"You are also confused and upset."

Muling napatingin si Helena sa mukha ni Paolo. "Nice guesses."

"I'm not guessing." Lalong lumaki ang bungisngis ni Paolo, "I am currently analyzing you...right here...right now."

Helena rolled her eyes, "you're really trying too hard huh? You better give me a more convincing proof."

"You are..." tila sinisipat ni Paolo ang mukha ni Helena. Medyo nailang naman si Helena kaya umiiwas ito ng tingin dito.

"I am what?"

"You are jealous, confused and upset because the effing asshole right in front of you is worse than a walking torture chamber."

Natigilan muna si Helena bago n'ya tiningnan nang matalim si Paolo. Bumilis din ang tibok ng puso n'ya sa sobrang gulat sa narinig.

"Right at this very moment..." pagpapatuloy ni Paolo, "your heart is beating faster. There's a mix of panic and trepidation within you."

"Naks ang vocabulary ni Mr. Henyo...Trepidation talaga ha?" trying to calm herself down from within.

"'Yup. Natatakot ka na tama ang basa ko sa 'yo." Muli itong tumawa, "that was easy, actually. You are not too difficult to read."

"Talaga lang ha? Pa'no kaya kung sabihin ko sa 'yo na may kapangyarihan din akong basahin ka in full HD? Na alam ko ang accurate details ng mga sikreto mo?"

Nakabungisngis na tinitigan muna nito si Helena. "Siyanga?"

"Oo."

Lalong natawa si Paolo na tila nakikiliti ito. "Ngayon mismo, nababasa mo ba ako?"

"Oo." Pagsisinungaling ni Helena.

"Sige nga...basahin mo nga ako."

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

"Ngayon, pinagtatawanan mo ako."

"Nah, that's too obvious."

"I mean deep inside you. Pinagtatawanan mo ako."

"That's it? Can you at least specify kung bakit?"

"Ahm..." Helena's definitely lost for words, "Dahil sa mga nalaman mo sa akin. Y-you know. A-and you think that's pathetic."

Nangunot si Paolo bagama't nakangisi pa rin ito. "That's it? Akala ko ba alam mo ang accurate details? Ano nga ulit ang sinabi mo kanina...full HD?"

"Wait lang!" Pumikit si Helena na tila nagme-meditate. "You are ahm--"

"Stop right there, sweet pea." Natatawang wika ni Paolo.

Iminulat ni Helena ang kanyang mga mata at muling tiningnan si Paolo. "What?"

"Stop fooling yourself, will you?"

"Bakit? Hindi ba tama na pinagtatawanan mo ako...deep inside you?"

"Well, I can acknowledge that one. I am indeed laughing at you inside me."

"Dahil nagoyo mo ako 'di ba?" wild guess ni Helena.

"Hmmm...sort of. I can give you that one too. Tama ka, nagoyo nga kita kaya ako natatawa sa 'yo. But I still don't believe you have the ability you were bragging about. Do you know why?"

"Why?" itinaas ni Helena ang isang kilay n'ya.

"Hindi mo naman ma-specify kung sa pa'nong paraan at saan kita nagoyo."

"Yes, I could!"

"Sige nga. I'll give you a chance to redeem yourself. You go ahead and specify in full HD. Sa paanong paraan ba kita nagoyo kaya kita pinagtatawanan?"

Helena's headlights lit up. "Fine." Bago ito nanlumo. "Sige na nga, panalo ka na Mr. Goyo! S'ya, umalis ka na nga...umuwi ka na ro'n sa gf mo!"

Muling humalakhak sa Paolo bago nito hinila palapit sa kanya si Helena..."selosa."

"Tseh! Cheater. Malas talaga ng girlfriend mo sa 'yo." Itinulak nito si Paolo pero mas hinigpitan lang ni Paolo ang pagkakahawak sa baywang nito.

"Kita mo na. Dali mong goyohin."

"Eh malay ko ba na ganyan ka talaga kasalbahe! Sa harapan ng mga kababata natin, lalo na sa mga magulang ko, akala mo lagi kung sino kang good boy na kulang na lang mag-abito para magmukhang ganap na banal. Pero--" naputol ang pagsasalita ni Helena nang bigla na lang yumuko si Paolo at pinasadahan s'ya ng halik mula panga pababa sa leeg. "B-Bitawan mo nga ako!" Pinagpapalo nito si Paolo sa braso. Lalo naman itong nainis dahil pinagtatawanan lang s'ya ng binata. "Isusumbong talaga kita sa gf mong gago ka eh!" Tinampal muli ni Helena ito sa pisngi. Paolo merely sneered at her, "at wag mo nga ako matrato-trato na tila ba pwede mo akong maging kabit ha?! May gf ka na pala eh nilalandi-landi mo pa ako? Ibang-iba ka talaga kay Tito Art at kay Kuya Patrick. Demonyito! Umalis ka na nga!" Itinulak nito si Paolo. Napaatras naman si Paolo ng dalawang hakbang. "Alis sabi eh!" Itinuturo ni Helena ang bintana.

Hindi mapawi ang pagngisi ni Paolo hanggang sa dumampot na ng tennis racket si Helena mula sa closet nito. Nakatakas na rin naman agad ang binata bago pa ito nahampas ng galit na galit na dalaga.

***

Walang lingunang tumakbo si Paolo papalayo. Kung saan-saan ito lumiko at dumako. Napadaan ito sa likod-bahay na may mga sinampay. Doon ito nakakuha ng gray hoodie jacket at itim na cap na kasya sa kanya.

Tahimik itong sumakay sa dulo ng Jeep, kung saan nito pasikretong dinukot ang kanyang cellphone to read a particular text message mula sa isang private number:

10-21 Hotel Quebec 8 (1).

Binuksan din nito ang isa pang text galing sa phonebook name JuliettRomeoUCov-GS:

10-76 Hotel Bravo 4 (2).

Sunod na luminga-linga ito sa bawat kalyeng nadadaanan. Medyo nagliliwanag na ang paligid. May mga pasahero ng jeep na napapatingin sa kanya kaya madalas din itong yumuyuko upang itago ang mukha sa visor ng suot n'yang cap. Ilang saglit pa'y nakatanaw na ito ng telephone boot.

"Mama para ho!" Pagtawag n'ya sa atensyon ng Jeepney driver. Agad namang nag-menor ang driver. "Ito po ang bayad ko." Iniabot nito sa katabi ang isang-daang piso.

Natanaw ng jeepney driver ang isang-daang piso bago pa man ito nakarating sa kanya. "Naku hijo! Unang pasada ko ito, wala akong barya. Wala ka bang bente?"  Kasabay ito ng tuluyang paghinto ng Jeep sa isang tabi.

"Wala po eh." Tugon ni Paolo, "Keep the change na lang po." Bago ito bumaba.

Napakamot naman muna ang Jeepney driver bago nito muling pinaandar ang kanyang pamapasaherong Jeep.

Agad na tinungo ni Paolo ang telephone booth at kinuha sa wallet ang phone card.  "Hello!" Shortly after he dialed a number.  Lilinga-linga ito sa paligid habang pinakikinggan ang sinasabi ng kausap.  "Yes Sir." Before he hang-up.

***

Footnotes

(1) 10-21: Among the Police Ten Codes used to reduce the use of speech on a radio. 10-21 means: Call by Phone. Hotel Quebec (Phoenetic Alphabets), represents the letter H and Q or HQ. HQ is also the abbreviation for Headquarters.

(2) 10-76: Police Ten Code for 'Proceeding en route'. Hotel Bravo=HB (Home Base).

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerOù les histoires vivent. Découvrez maintenant