CHAPTER 11

8.9K 428 58
                                    

"What the heck happened to you?!" Bulalas ni Patrick upon seeing Paolo in his hotel room. He's carrying a trolley and a duffel bag, filled with Paolo's stuff.

Paolo's half-naked, wearing only his boxers. Habang si Patrick nama'y naka-dark blue business suit. Patrick immediately removed his coat and hung it on the coat pole hanger.

"I need a brother, not a mother."  Walang ganang wika ni Paolo. Ibinaba nito ang hawak na wine glass sa center table. Bumunot muna ito ng sigarilyo from a full pack, bago nito ito sinindihan as he walked towards the balcony. 

Iniwan ni Patrick ang mga dala-dala sa gilid ng kama, para sundan si Paolo sa balcony.

"Akala ko ba nag-quit ka na?" ani Patrick, ukol sa paninigarilyo ng nakababatang kapatid.

Paolo puffed his cigarette. Playing with the smoke in the air. "I did. This is actually my first stick in eight months. Don't worry isa lang 'to."

Napailing na lang si Patrick at nagbuntong-hininga, "Sana nga."

There was a moment of silence. Nakatanaw lang silang pareho sa malayo. Paolo's suite is in the 30th floor.

"Gusto kang makausap ni Lolo." Pagbasag ni Patrick sa katahimikan. "Ilang beses ka na palang ipinatawag, hindi mo naman daw ito sinisipot."

"Tsss..." napailing si Paolo bago muling humithit ng sigarilyo. "Tungkol na naman saan? Sa pag-takeover sa emperyo n'ya?"

"You know he's not getting any younger and—"

"Then why don't you go and take it?!" Singhal na Paolo.

Napasimangot si Patrick, "You know I am being groomed to take over Dad's from the very beginning, right?"

Ngumisi si Paolo; napapailing. "So, dahil ikaw ang pinili ni Dad na sumunod sa kanya, dapat ako ang sasambot ng kay Lolo, gano'n ba? Kung tutuusin, sa 'yo nga dapat 'yung kay Lolo dahil 'di hamak na mas malaki ang real estate empire n'ya kumpara sa architectural firm ni Daddy ah."

"Bakit ba ang sungit mo? You know it's not like that! It was never like that na parang pinapalabas mo may favoritism si Daddy na porke ako ang napili n'ya to follow him, etse pwera ka na? Haven't you forgotten...I am the Architect, you're the CPA. Natural, ako ang inaasahan ni Dad na mag-takeover sa firm n'ya, not unless gusto mong magbago ng karera?!"

Napapikit si Paolo bago nito hinithit ang huling yugto ng kanyang sigarilyo. "I'm sorry kuya." Mas kalmado na ito. "I'm just in a lot of stress lately." He began to walk in the suite to find an ashtray. Nakakita naman ito sa side table ng kama.

"Ano ba kasing pinaggagagawa mo? 'Wag mong sabihin na itinuloy mo na ang pagiging ahente sa NBI?"

Hindi sumagot si Paolo. Nilapitan at in-unzip nito ang trolley bag na dala ni Patrick para sa kanya. Naghanap ito ng plain cotton white shirt at agad itong isinuot.

Patrick took his younger brother's silence as a 'yes' answer, "You have got to be kidding me!" An absolute disappointment is all over his face. "Anong plano mo, ililihim mo na lang kina Daddy at Lolo? At pa'no si Mommy? Alam mong against na against s'ya sa plano mong 'yan. Are you actually trying to put yourself in danger? Alam mo bang asang-asa si Lolo na kaya ka nag-pursue maging Accountant ay para mapamahalaan mo ang negosyong iiwanan n'ya sa 'yo?"

Tiningnan ni Paolo nang patagilid ang kapatid, "If I am indeed interested to pursue to take over his empire, eh 'di hindi na dapat ako nagpakahirap mag-aral at pumasa sa board. Para ano pa? Magpapakahirap akong mag-aral kung p'wede namang humilata na lang ako sa pera?! Ikaw na lang kasi, bakit ba ako?! Si Daddy nga iba-iba naman ang kumpanyang hawak n'ya, kaya naman n'ya dahil 'yun ang calling n'ya. I'm sure kaya mo rin 'yun dahil 'yun talaga ang gusto mong gawin. Tutulungan na lang kita sa libro. I can be your part-time Financial Consultant. Just please...please don't force me to be a C.E. f*cking O! It's not my cup of tea!"

My Incognito HeartBreakerМесто, где живут истории. Откройте их для себя