CHAPTER 12

6.7K 489 76
                                    

"Huh?" Nang biglang maputol ang linya. Ibinaba na rin ni Helena ang cellphone n'ya at saglit na nag-isip, "weird. Ano naman kaya ang itatanong ni kuya Patrick sa 'kin? Hmmm..." hinihimas-himas nito ang kanyang baba, "ay ewan! Hmp. Makapag-check na nga lang ng email."  Binuklat nito ang laptop para gawin ang tinuran.  Three new emails—since she checked an hour ago. "What the—"all new emails seems ordinary, except for one.  Sender: RuthlessReality Subject:  How dare you!

Binuksan n'ya agad ang email at binasa:

Dear Miss Helena Toledo a.k.a. DyslexicParanoia,

Hi. Remember me? I just want to make an honest feedback on your Novel: Ang Babaeng Trespassing. When I say honest, I really mean honest. Nag-email na lang ako sa 'yo dahil wala akong balak makuyog ng mga lame followers mo na wala na yatang ginawa kundi bolahin ka kaya hindi nag-iimprove ang writing skills mo! Let me do you a favor. Kailangan mo ba ng tutorial kung paano gamitin ang rin at din, riyan at diyan, roon at doon? How about sa paggamit ng Nang at Ng? My gosh! What are you, a kindergartener?

One more thing, and this is much worse. Your storyline! Seriously? This is the second time you've wasted my time reading such a crappy story! Ang boring! Predictable at puro cliche ang dialogue! Recycled! Pucha ! Wala man lang twist o kamistemisteryo! Ang corny ng romantic scenes at wala man lang kabuhay-buhay ang bed scenes! Tangina! How dare you? How dare you waste my precious time? I'm sure hindi lang ako ang may ganitong opinion, 'cause I'm pretty sure, somewhere out there, may readers din na matatalinong tulad ko.

Na-offend ba kita? I'm sorry, I am just stating the obvious. And obviously, you need a lot more work to be called a decent writer. I can't recommend your stories even to the rodents in our house. Dahil sa totoo lang, nakakabobo ang kababawan ng mga plots mo! One last piece of advice...maybe writing is not for you.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

Sandaling natulala si Helena bago nito na-absorb ang binasa.  Naging agaran ang kanyang panlulumo when she finally realized how brutally rude the message was. Marahan n'yang isinara ang laptop at lulugo-lugong tinungo ang kama, gumapang sa ibabaw at namaluktot.  It's not very long nang mag-umpisa nang bumukal at tumulo ang kanyang mga luha hanggang sa tuluyan na itong nakatulog.

***

"O, bakit hindi mo pa ginagalaw ang pagkain mo." Pagpuna ng kanyang inang si Helga. Magkakasabay silang nag-aagahan. "Ayaw mo ba sa nakahayin? May mas gusto ka bang kainin?"

Walang kabuhay-buhay na umiling si Helena.  Nakatitig lang ito sa plato n'yang walang laman.

"Bakit namumugto 'yang mga mata mo?" pagpuna naman ng ama nitong si Jason.

Tumawa si Jasper, bago pa man nakasagot si Helena. "Baka may ka L.Q."

Agad namang sinuway sa tingin ni Helga si Jasper. "Anak..."pagbaling nito kay Helena. "Are you alright? Napuyat ka ba sa pagsusulat?"

Umiling si Helena. Bumabakas na sa bibig nito ang unti-unting paghikbi.  Agad namang nabahala si Helga sa naging reaksyon ng anak.

"Ayaw mo ba talagang kumain?"

Tumango si Helena.

"May gagawin ka ba?"

Nanahimik saglit si Helena, "gusto ko pa po sanang matulog."

Napabuntong-hininga muna si Helga, "o siya sige na anak, dadalhan na lang kita ng miryenda mamaya, ha?"

"Opo..." tumatayo na ito. "Thank you po."

***

Tatlong oras nang nakatitig si Helena sa blangkong pahina sa computer screen n'ya, wala pa rin itong maisulat kahit isang salita.  Kung may naiisip man itong maaaring isaletra, hindi na nito ito magawang maitipa sa pangambang, magsasayang na naman s'ya ng pagod sa pagsusulat ng isang istoryang hindi naman pala maganda. Sinubukan n'yang tingnan ang kumento ng ibang mambabasa sa nasabing kwento, pero lalo lang s'yang nanlumo. Bukod kasi sa demand for updates lang ang nababasa n'ya sa comment section, nakita rin n'ya ang laki ng agwat ng bilang ng 'reads' sa 'votes'. Ibig sabihin...sa dinamirami ng nagbabasa...kakaunti lang ang ratio ng naka-appreciate at nagkagusto sa kwento n'ya. She hates to admit na tama si RuthlessReality...but this is her ruthless reality...the sad hurtful truth na kailangan n'yang tanggapin para hindi na tuluyang masayang pa ang oras n'ya—4r5tfat ng mga nagbabasa ng mga akda n'ya.

"Maybe writing is not really for me..." naluluhang bulong n'ya sa sarili. "Maybe I should stop..." tuluyan na itong napahagulhol dahil ito talaga ang gusto n'yang gawin mula sa pagkabata. "Pero ano naman kaya ang gagawin ng isang soon to be A.B. Journalism graduate na walang kinalaman sa pagsusulat?"

***

"'Yan din naman ang kurso ko anak pero hindi ko naman nagamit." Nakangiting wika ni Helga sa depressed na anak nang hatdan nito ito ng miryenda sa silid nito.

"Eh ano palang ginawa n'yo?"

"Eh ano pa, eh 'di nagmodelo. Pero mga small-time lang at hindi ko na na-pursue na maging big-time dahil nagpakasal na kami ng Daddy mo at ipinagbuntis ko na si Jasper."

"Eh ako kaya? Ano kaya ang p'wede kong gawin?"

Nangunot si Helga, "teka nga muna, bakit ba ganyan ang tanong mo? Akala ko ba gusto mong maging writer?"

"Oo nga po."

"So, bakit hindi pagsusulat ang atupagin mo?"

Naaalala na naman ni Helena ang sanhi ng kanyang depresyon kaya muli na naman itong humiga at namaluktot sa kama n'ya. "Eh hindi naman po kasi ako magaling eh. Kabata-bata ko, mas malaki pa ang eyebags ko sa 'yo dahil sa kapupuyat. Halos mabaliw na ako sa pakikipagbuno sa writer's block, pero kahit anong gawin ko, pangit ang kinalalabasan ng mga isinusulat ko. Kakaunti lang nagkakagusto at bumuboto sa kwento ko."

"Kakaunti?"

"Opo."

"Pero meron?"

"M-meron naman po."

"Oh eh 'di magsulat ka para doon sa kakaunti."

"Hindi po ba parang sayang naman ang effort ko? Wala na ngang masyadong votes, naki-criticize pa ng mga may ayaw."

"Paanong masasayang? Hindi ba't mas sayang kung hindi mo man lang maibabahagi ang laman ng imahinasyon mo para sa mga nagkakagusto?"

Hindi nakapagsalita si Helena. Nakatingin lang ito sa kanyang ina.

"Ganito 'yan anak. Example. 'Yung Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ayaw rin 'yun ng mga Prayle. Banned nga 'yun noong unang panahon. 'Yung Holy Bible ganun din. Pupusta ako, marami rin ang may ayaw sa mga aklat na nabanggit ko. Pero pa'no kaya kung sinabi ni Rizal...'hmp, di ko na lang isusulat ang Noli at El Fili. Wala namang magbabasa eh. Mato-trouble pa ako sa mga kritiko, mga Kastila at mga Prayle.' Pa'no na ngayon 'yung mga Pilipino na gustong basahin ang mga akdang 'yun? 'Yung sa Bible, ganun din. Paano kung sinabi ng lahat ng mga manunulat nito, 'ay, ayaw na namin magsulat, kakaunti lang naman ang may gusto at magbabasa. Mato-trouble pa kami kay Satanas at sa mga hindi naniniwala sa DIYOS.' Oh eh pa'no na ngayon 'yung kakaunting may gustong magbasa ng Bibliya? Eh 'di wala silang mababasa kasi nag-quit na lahat 'yung writers ng Bible."

Napabangon si Helena para sumandal sa headboard. Naupo naman si Helga sa kama para mas makalapit ito sa kanyang anak.

"Alam mo Helena. Hindi naman lahat ng tao mapi-please mo eh. Kahit nga si LORD hindi naman N'ya napi-please lahat 'di ba? Kaya mas tama lang na ibaling mo na lang ang atensyon mo sa mga napi-please at napapasaya mo kahit isa o dalawa lang 'yan. Huwag mong hayaang diktahan ng mga hindi nakaka-appreciate sa 'yo ang halaga ng ginagawa mo sa mundo."

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerWhere stories live. Discover now