CHAPTER 10

7.6K 416 44
                                    

Naninilos ang nguso ni Helena sa hangin nang biglang nagulantang ito ng sa malakas na..."Hoy!" Instant ang pagmulat n'ya. Tumambad sa kanyang harapan ang nakasimangot na si..."Kuya?" Jasper.

"What the heck are you doing?" anito sa kanya.

"H-ha?" Inayos ni Helena ang sarili. "K-kanina ka pa ba riyan?" sinipat-sipat nito ang nakasaradong bintana.

"Kanina pa ako katok ng katok. Hindi ka naman nag-lock kaya pumasok na ako."  Ngumisi ito, "anong ginagawa mo? Ba't naninilos ang nguso mo riyan? Sinong ini-imagine mo, ha?"

"H-ha? Eh...w-wala." Iniipit ni Helena ang excess hair n'ya sa magkabilang tenga. "Ano bang kailangan mo?"

"Magpapatulong sana ako."

"Saan naman?"

"Ano bang mga bagay ang gusto ng isang babaeng nasa edad kinse hanggang desi-sais?"

Si Helena naman ngayon ang numisi,  "para kanino? Kay Jordanna?"

"Hindi 'no? Bakit ko naman bibigyan ang pangit na 'yun ng kahit ano?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

Napangibit si Helena sa tinuran ng kapatid. "Anlabo mo rin no? Di ba kanina lang may pa-Jordanna. Is. Mine. ka pang nalalaman d'yan? Parepareho talaga kayong mga lalaki. Madalas niyong ibintang ang pagiging malabong kausap sa aming mga babae, eh samantalang hindi naman kami magkakaganun kung hindi rin kayo nuknukan nang gagong kausap! Pa-fall, hindi naman pala available. Nag-a-I love you, meron naman palang girlfriend. Tapos 'yung akala mong two-timer lang, triple-double timer pa pala? Hindi nakuntento sa isa, kailangan, marami?!"

Napakunot-noo si Jasper, "ha?"

"Ah...eh..." nang ma-realize nito ang hindi sinasadyang paghugot. "W-wala....ah basta!" Tinalikuran nito ang kapatid. "Umalis ka na nga!"

"Tsk. Sige na naman sis!"

Muli nitong hinarap ang kapatid. "Eh sino nga ang bibigyan mo? Si Jordanna nga ba?"

"Hindi nga sabi!" Hindi naman ito makatingin nang diretso sa kanya. "Ba't ba laging 'yung pangit na 'yun ang suspect mo?!"

"Bakit? May nililigawan ka bang iba?"

"Oo."

"Eh sino naman, aber?"

"Basta!"

"Anong basta?"

"Basta sabi, dali na."

Napabuntong-hininga muna si Helena, "sige na nga!" Nag-isip ito saglit. "Kuya, ang pagreregalo sa babae eh depende sa personality n'ya. Pero generally speaking, 'yung mga babaeng ganyan kabata, usually, pero hindi naman lahat, gusto nila ang love letters ganern, chocolates, flowers at 'yung public declaration of love."

"Kailangan ba talaga 'yung huli?"

"Usually, yes, kung type ka n'ya, baka sagutin ka pa n'ya ora mismo. Pero kung hindi...mas malamang mapahiya ka lang. So...in a way, it's really kind of risky."

"'Yun lang ba?"

"P'wede mo ring dagdagan ng pasa-load kung naka-prepaid s'ya at gusto mo s'yang maka-text lagi."

Tumango-tango si Jasper. "Ok. Thanks." Akmang tatalikod na ito nang...

"Ikaw naman ang tatanungin ko Kuya, please be honest sa sagot..."

"Sure."

"Bakit kayong mga lalaki, naghahanap pa kayo ng iba kung meron naman pala kayong gustong iba rin?"

"Hmmm."

"Anong hmmmm?"

"Gusto mo ng honest na sagot?"

"Oo."

"Kahit masakit?"

Ngumuso si Helena, "sure, sige, kahit masakit?"

"Ang mga babae'y naihahalintulad sa pagkain. May mga pagkain na kahit 'yun ang  kinakain namin araw-araw, hindi namin pinagsasawaan at kung pagsawaan man sandali, 'yun pa rin ang aming binabalik-balikan. Meron din namang, type lang naming pulutan sa party o inuman pero hanggang doon lang. Meron din namang pinagsasabay-sabay namin dahil nakahayin nang libre sa buffet o pistahan. Meron namang for the sake of adventure pero one time lang. Meron ding panghimagas, kung minsan gusto, minsan ayaw; parating ipinagpapahuli, pampatanggal lang ng umay. Meron ding junk food, kinakain kahit walang sustansya...pampalipas oras o pantanggal inip. So kung ika'y isang babae na nagnanais na malaman kung ano ka sa buhay ng isang lalake, obserbahan mo, pakiramdaman mo kung anong klaseng pagkain ka para sa kanya. Gets mo?"

"Ganon?"

"Ganun!"

"Eh...sa palagay mo kuya. Anong klaseng pagkain kaya ako?"

"Hmmmm...ikaw?"

Tumango si Helena. Bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.

"Ikaw ay isang...hawot!" Humalakhak ito. "Mabantot at maangot!"

Sinapok ni Helena ang kapatid, "walanghiya ka! Ang seryoso ng tanong ko eh."

"Wag kasi ako ang tanungin mo, dahil kung ako ang tatanungin mo, iba ang perspective ko tungkol sa 'yo dahil kapatid mo ako."

"Eh sino ba ang dapat kong tanungin?"

"Eh 'di 'yung mga lalaking nagkakagusto sa 'yo."

***

"Anong klaseng pagkain kaya ako para kay Paolo?" ani Helena sa kanyang sarili. Nakatunganga ito sa harapan ng kanyang laptop. "Hindi kaya...isa lang akong exotic delicacy na gusto lang n'yang tikman pero one time lang? O baka naman..." natigilan ito; biglang naalala ang mga sweet terms of endearment ng binata para sa kanya..."Panghimagas? Panghimagas lang ako?" naiiyak na ito, "Minsan gusto, minsan ayaw, parating ipinagpapahuli...pantanggal lang ng..." tuluyan na itong nanlumo..."umay?"

'Pantanggal umay sa long-time relationship n'ya.' Pag-uulit n'ya sa kanyang isipan. 'Aray ko naman.' tuluyan na itong napaluha.

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerDonde viven las historias. Descúbrelo ahora