CHAPTER 9

7.3K 437 55
                                    

"May balita na raw kay Paolo." Ani Jason sa harap ng hapag-kainan habang sila'y naghahapunan. "Tinawagan ako ni Jon kanina."

Napatingin si Jasper at Helena sa ama.

"O," sagot ni Helga, "Kumusta raw? Anong balita?"

"Tumawag na raw kay Laura at Jordanna. Walang ibang detalye pero safe naman daw ito." Sagot ni Jason.

"Si Paolo?"

"Oo."

"Pero bakit kay Jordanna rin?" sumulyap saglit si Helga kay Jasper; nakayuko ito at nakasimangot habang kumakain.

Nagkibit-balikat si Jason, "ewan ko ba. Medyo naguguluhan nga ako kay Jon." Napapasulyap din ito kay Jasper. "Ang sabi sa balita, may nobya raw itong si Paolo...'yun bang nabanggit na modelo sa news? Pero ito namang si Jon, hindi raw naniniwala na nobya nga 'yun ni Paolo dahil kay Jordanna raw nanunuyo ito dati pa. Parati nga raw magkasama 'yung dalawa sa pamamasyal at panonood ng sine. At sapul daw sa pagkabata, lagi na itong nakatambay sa kanila. Alam mo na, mukhang mas pumapabor ito ro'n dahil bestfriend n'ya si Art."

"Ano?!" Nagusamot ang mukha ni Helga. "Teka nga, akala ko ba nag-usap na kayo ni Jon tungkol sa kasundua—" napasulyap muli ito kay Jasper, pero naramdaman nitong nakasimangot na ang anak kaya hindi na lang nito itinuloy.

"Eh...parang nga yatang umaatras na si Jon eh."

"Ha?! Eh bakit naman?"

"Eh..."muli itong tumingin nang tagusan kay Jasper—na tila dire-diretso lang naman sa pagkain. "Hindi naman daw kasi magkasundo 'yung kanya at atin eh. Na-trauma siguro dahil nung huling nag-away ang mga anak natin, nasaktan na ng grabe 'yung kanila. Hindi ba't na-ospital nga si Jordanna nitong huli? Eh...baka nga, mas maganda pang kay Zoe na lang natin ipares itong si Jasper. Tutal, anak naman 'yun ng bestfriend mo."

Napatingin si Helena kay Jasper.

"What are you looking at?!" Mahinang singhal ni Jasper sa kapatid.

Nagulat si Helena kaya ibinaling na lang ulit nito ang tingin sa mga magulang.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

"Naku Love," ani Helga sa asawa, "Kailangang kausapin ko muna ang nanay ko tungkol d'yan. Pero kung ako ang tatanungin. Mas gusto ko si Jordanna para sa anak natin. Ang ganda-ganda ng batang 'yun, mabait pa." Bumaling si Helga sa nakayukong si Jasper, "Jasper, anak. Hindi ba talaga kayo maaaring magkasundo ni Jordanna? Akala ko ba gusto mo s'ya? Di ba 'yun ang sabi mo sa akin dati?"

Hindi pinapansin ni Jasper ang ina.

"Anak," hinawakan na ni Helga si Jasper sa braso. "Bakit ba palagi kayong nag-aaway? Mas gusto mo na ba si Zoe? Gusto mo bang kausapin ko ang Lola mo na si Zoe na lang? Wala naman kasi kaming magagawa ng Daddy mo kung si Zoe talaga ang kasundo mo."

Natahimik ang lahat ng biglang tumigil sa pagkain si Jasper. Nakayuko pa rin ito pero tikom ang mga kamao at nagngangalit ang mga panga.

"Nak!" Paglalakas-loob ni Helga. "Gusto mo ba si Zo—"

Napaiktad ang lahat nang bilang ipinukpok ni Jasper ang mga kamao nito sa lamesa. Namumula ang mukha; Tiningnan nito nang matalim ang ina.

"Jordanna. Is. Mine!" Sabay tindig. Sinipa nito ang inupuang silya. Sumuntok muna ito sa pinakamalapit na pader bago humangos paalis. The next thing they've heard ay ang padabog na pag-akyat nito sa hagdanan, at ang malakas na pagsalya nito sa pinto ng kuwarto nitong nasa pangalawang palapag ng bahay.

"Tsk." Ani Jason. Muli nitong itinuloy ang pagkain."Kailangang tapalan na naman natin ng sealant 'yan!" Inginunguso nito ang kongretong pader na sinuntok ni Jasper. Nabasag at nakalubog kasi ito. "Meron pang isa ro'n sa garahe. May nayupi rin daw 'yang pintuan ng Mercedes Benz sa garahe ng mga Montero nung mag-away 'yang dalawa ni Patrick nung kabilang buwan." Napabuntong-hininga ito, "nakakahiya kay Art, hindi ito naniningil pero kailangan nating bayaran 'yun."

"Magkano ba ang aabutin?"

"Ang estimate nung mekaniko natin, nasa forty to forty-five thousand daw ang replacement ng isang pinto ng Mercedes, kasama na ang labor."

"S'ya, gagawan ko na lang ng tseke. Gagawin ko nang singkwenta para sa abala."

Muling huminga nang malalim si Jason, "Kailangang kausapin na natin nang maayos 'yang si Jasper. Kailangan n'yang matutunang maging mahinahon kahit gaano pa man katindi ang iniinda niyang emosyon. Aba! Hindi naman tayo ganoon karangya para magtapon lang ng pera sa mga nasisira n'ya. Hindi naman sa nagbibilang ako pero simula pa sa pagkabata, ga'no na bang karaming bagay ang nasira niyang anak amo, hindi pa kasama ro'n ang mga taong naospital dahil lang sa pagiging bugnutin ng batang 'yan?! Sa totoo lang, naiintindihan ko naman si Jon eh. Pa'no nga ba n'ya ipagkakalatiwala ang anak n'ya sa isang taong walang pagtitimpi at sinasaktan pa ang anak n'ya? Aba! Kung sa 'tin man mangyari 'yan dito kay Helena, aba'y hindi rin ako basta-basta papayag. Gusto ko naman siyempre 'yung hindi nananakit ang mapapangasawa ng nag-iisa kong anak na babae!"

***

"Wow Daddy, na-touch ako ro'n. Kaya love na love ko kayo, you also think about me too." sabi ni Helena sa kanyang sarili. Kunwari'y kausap nito ang ama, bagaman nag-iisa lamang naman ito loob ng kanyang silid. "Pero nasaktan ako sa 'yo Mommy." Nanilos ang nguso nito. "Hindi n'yo man lang ako tinanong kung anong nararamdaman ko tungkol kay Paolo at Jordanna. Ganyan naman kayo eh...kay Kuya lang lagi kayo concerned, paano naman aketch?" tumayo ito at nag-gesture na tila umaarte sa entablado. "Paano ang sinaing kung walang ulam? Paano ang sabaw kung ito'y sabaw lamang? Paano ang baga kung wala ang hininga? Paano ang pusong hindi na tumitibok pa? Ibo-bopis na lang ba? Tatadtatin, sasahugan, iluluto at kakainin na la—"

Nakarinig ito ng katok. Agad itong napalingon sa pintuan at saka nakiramdam.

Muling may kumatok. Napakunot si Helena nang makumpirma nitong sa nakasaradong sliding window n'ya pala nagmumula ang tunog. Lumapit ito sa may bintana para tahimik na makiramdam. Maya-maya pa'y, mayro'n na namang kumatok sa bintana.

"Ano ka? A. Aswang, B. Tikbalang, C. Tiyanak? D. Multo E. None of the above?" Anito sa kumakatok.

"E!" Sagot ng nasa labas. "Helena, ako 'to!"

"Sino ka?"

"Si Paolo 'to. Pagbuksan mo naman ako, giniginaw na 'ko rito eh!" Umaambon kasi sa labas.

Nagulat si Helena. Namilog ang mga mata. Hindi agad makagalaw.

"Sige na naman, sugar cookie." Naginginig na ang boses nito.

Bigla namang natauhan si Helena at binuksan ang bintana. Paolo's indeed there. Yapos-yapos ang sarili. Giniginaw.

"Anong ginagawa mo na naman dito? Akala ko ba magho-hotel ka na lang?!"

"Luh." Naninilos ang nguso nitong umakyat ng bintana upang makapasok.

"Anong Luh?" Muli nitong isinara ang bintana matapos makapasok ni Paolo.

"Ayoko ro'n." Hinubad nito ang suot na basang hoodie.

"Anong ayaw mo?"

"Mas gusto ko rito, may kayakap." Sabay sunggab kay Helena para yakapin. Agad na nagpumiglas si Helena. "Shhhh...relax...don't worry my pumpkin pie." Bulong nito, in his first attempt to pacify her, "I promise to behave. Just let me be with you..." Hinalikan nito si Helena sa bandang panga kaya natigilan ito sa pagpiglas, "Kahit ngayong gabi lang..." umusad ang halik nito sa bandang baba. "I just miss you already..." dumako na ang halik nito sa ibabang labi. "I think I'm going crazy..."

"Paolo..."

"I love you..." immediately before he deliciously conquered Helena's whole mouth.

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerWhere stories live. Discover now