CHAPTER 5

7.5K 483 143
                                    

"Well," tumayong nakatingin sa wall clock si Paolo. "That means I can still stay here for another four to five hours?"

Napangibit si Helena, "what?!"

"That will do..." nagtungo si Paolo sa kama at pumwesto na sa bandang kanan. "That's perfectly fine." Pinagpag nito ang unan bago ito nahiga at pumikit.

"Who told you, you can sleep on my bed?" nakasimangot si Helena.

Paolo ignored her. Nakahalukipkip ito sa pagkakahiga.

Sinugod ito ni Helena sa kanang gilid at tinampal sa braso. Natamaan ang isa sa mga sugat ng binata kaya..."aw!" Iminulat nito mga mata upang tingnan nang masama si Helena.

"Umalis ka riyan!" Ilang beses nitong kinurot-kurot ang tagiliran ni Paolo. "Umalis ka r'yan sabi eh!" Sunod-sunod din ang pagtampal nito sa bandang dibdib na tila sa gano'ng paraan nito ibinubuhos ang pagkainis kay Paolo.

"Teka nga..."Pilit inaawat ni Paolo si Helena. "Kanina lang ginagamot mo ako, ngayon naman, binubugbog mo ako! Are you bipolar by any chance?"

Huminto na sa pagpalo si Helena bagama't nakasimangot pa rin ito. "Eh ayaw mo kasing umalis eh. Matutulog na ako!"

"Oh e di matulog ka. Dito ka sa kaliwa. Tabi tayo." Tinatapik nito ang kaliwang bahagi ng kama.

"Bakit kasi 'di ka do'n sa girlfriend mo nagpunta?! 'Yun ang tabihan mo, 'wag ako!" Padabog na nagtungo ang dalaga sa kaliwang bahagi ng kama, dinampot ang unan at saka ito inihampas kay Paolo.  Natamaan na naman ang isa sa mga sugat ni Paolo kaya napagadaing muli ito nang kaunti.

Nangunot si Paolo. "Girlfriend?"

"Oo! Girlfriend!"

Natawa si Paolo, "oh eh ano pa nga ba ang ginagawa ko? Di ba kaya rito ako nagpunta?"

Kinuha ulit ni Helena ang isa pang unan at ibinato ito kay Paolo.  Nasambot naman ito ni Paolo. "Anong pinagsasasabi mo, ha?"

Bumungisngis si Paolo. "Halika na lollipop, tulog na tayo. Bawal nga lang mangalabit ngayon ha? Saka na lang kapag magaling na ako...C'mon here." Muli nitong tinapik ang kaliwang bahagi ng kama. "O heto na ang mga unan mo." Isa-isang ibinalik ni Paolo ang mga unan sa ulunan ng kaliwang bahagi ng kama.

"A-anong pinagsasasabi mo r'yan? Do'n ka sa girlfriend mo sabi eh! You know what?" muli itong umikot sa side ni Paolo at hinila ang braso ito. "Ngayon ka na umalis. Get out!"

Pero sa halip na si Paolo ang mahila n'ya ay si Paolo ang nakahila sa kanya. Napasubsob muna si Helena sa ibabaw nito, before Paolo used his body strength to pin Helena down. Nagulat si Helena sa mga pangyayari. Namilog ang mga mata nito nang bigla na lang itong hinalikan ni Paolo sa labi.

Helena thought she's going to lose her mind.  That's her first kiss. And the man of her dreams is taking it from her. She's really upset with him--out of jealousy, of course, but the darn hunk is such a good kisser. Saglit na napapikit si Helena; dinadama ang bawat pagkilos ng mga labi ni Paolong nakakawala ng katinuan sa sarap. But then, she came back to her senses. Kasunod ng pagdilat ng kanyang mga mata ang paghagip n'ya sa kaliwang tenga ni Paolo at piningot ito.

"Aw...awww..." napaangat si Paolo sa pagkakapingot ni Helena.

"Walanghiya ka, sinong nagbigay sa 'yo ng karapatang halikan ako?!"

"Aray...teka!" Tinanggal nito ang kamay ni Helena sa tenga n'ya, "grabe ka namang mamingot. Ang sakit!"

"Talagang masasaktan ka kung hindi ka aalis!"

Bumungisngis si Paolo kahit na bahagyang nakangibit pa rin ito dahil sa napingot n'yang tenga. "Kung ayaw mo sa halik ko eh bakit ka gumanti?"

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

Biglang naramdaman ni Helena ang pag-init ng kanyang mukha.  She's guilty as charged.  She's very upset with Paolo, but his sweet lips and his warm kisses...is the bomb! Makayanig katinuan; makasabog ubaryo.

Biglang tinampal ni Helena sa mukha si Paolo; not to hurt him, but only to distract him sa pagkaka-corner sa kanya nito.  She doesn't know what to say about the kiss. She indeed responded. Walang dudang nabuking s'ya.

Hinaplos ni Paolo ang kaliwang pisnging tinampal ni Helena. Across his face is a puzzled look, "what's the slap for?"

"Cheater!" Bulyaw ni Helena sa mukha ni Paolo.

Nangunot si Paolo, "Cheater? Pa'no ako naging cheater?"

Naghalukipkip si Helena, "May girlfriend ka tapos hinalikan mo ako?! Cheater! Isusumbong kita sa girlfriend mo!"

Lalong nagusamot ang mukha ni Paolo, "What the heck are you talking abou--"

Biglang may kumatok sa pinto.  "Helena!"  Boses ito ng Mommy n'ya.  Natigilan silang dalawa ni Paolo at nakiramdam, "Are you alright? Sinong kausap mo r'yan?"

"Ahm..." Pagtugon ni Helena. "W-wala po. Nagmo-monologue lang po ako."

"Can I come in?!"

"Shit." Bulong ni Helena kay Paolo. "Under the bed. Now!"

"O-ok." Pabulong na sagot ni Paolo bago ito kumilos upang sundin ang sinabi sa kanya ng dalaga.

"S-sure Mom!" Nang masiguro nitong nakatago na si Paolo sa ilalim.

Bumukas ang pinto. Pumasok naman agad ang kanyang ina upang maupong katabi nito sa kama.  "Anak..."

"P-po."

"Nabalitaan mo ba ang update sa nangyari kay Paolo?"

"P-po?'

'Jeez Mom.' Wika ni Helena sa kanyang isipan. 'Please don't start a Paolo discussion right now. He's right here...under my bed.'

"Alam kong very special sa 'yo si Paolo."

'No, Mom! Not that topic. Shit!'

"I know now na huge crush mo s'ya at first love mo s'ya..." pagpapatuloy ni Helga. Halos hindi naman makahinga si Helena sa sobrang kahihiyan. She knows Paolo can hear; loud and clear. "But he's in great trouble right now.  Nahuli na 'yung nag-carjack sa kanya, nakita na rin ang kotse n'ya, but Paolo's still missing."

Hindi alam ni Helena kung papa'no s'ya sasagot, kaya kahit ilang beses n'yang ibinuka ang bibig n'ya, walang salitang makalabas.

"Let's pray for Paolo, anak." Niyakap s'ya ng kanyang ina. Napapakagat naman ang dalaga sa kaba sa maaari pang sabihin ng kanyang ina. "Sana, makita na s'ya agad para masabi mo na sa kanya kung ga'no s'ya kahalaga s'yo at kung ga'no mo s'ya kamahal."

'Nooooo, Mom! G-d damn it!'

***

Halos mamilipit si Paolo sa katatawa nang makalabas na ang Mommy ni Helena. Wala namang nagawa si Helena kundi ang magtalukbong upang itago ang kanyang kahihiyan.

Ilang saglit pa'y humupa rin naman ang pagtawa ni Paolo. Niyakap nito ang nakatalukbong na si Helena. At sa may bandang tenga nito'y marahan nitong ibinulong...

"Mahal din kita, Helena. Pero tulad ng dati. Don't you worry, your secret is safe with me."

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerWhere stories live. Discover now