CHAPTER 17

1.6K 93 11
                                    

"Denny..." bulong ni Helena kay Denny, habang naglalakad sila sa sidewalk. Hinatak nito ang kaibigan sa braso papalapit sa kanya.

"O, bakit?"

"'Wag na lang kaya tayo tumuloy. Umuwi na tayo."

"Ha? Eh two blocks na lang nasa Mall na tayo ah."

"Oo nga pero parang kinakabahan kasi ako eh."

"Kinakabahan? Bakit ka naman kinakabahan? Natatakot ka na masermunan ng Kuya mong nuknukan ng suplado?" humalakhak ito, "grabe rin 'yang kuya mo eh 'no? Hunk na hunk pero ubod ng isnabero. 'Yung tipo bang, magdadalawang-isip kang lapitan dahil parang laging mananapak."

"Hindi 'yun. Kayang-kaya ko naman ang kasungitan no'n dahil sanay na ako ro'n, pero para kasing kinukutuban ako na hindi ko maintindihan."

"Dahil na naman ba 'yan sa stalker mo?"

Sandaling huminto sa paglalakad si Helena, dahilan kung bakit huminto rin si Denny sa paglalakad nito. Lumingon si Helena sa bandang likuran niya, kahit hindi naman malaman nito kung ano ang hinahanap niya o kung ano ang inaasahan niyang makita.

"Para kasing may sumusunod sa atin."

Tinitigan muna ito ni Denny, "hay naku Helena, halika na nga!" Hinatak nito si Helena; nagpakatianod naman ang dalaga rito. "Napa-Paranoid ka na 'day! Maglakad na lang tayo at huwag ka nang lumingon-lingon diyan. Ang dami-daming tao rito oh!"

***

Napapangibit si Helena sa sunod-sunod na pagsubo ni Denny ng kinakain nitong steak. Magkaharap silang kumakain sa isang steakhouse.

"Hindi ka naman gutom, ha, Denny?" pabirong puna ni Helena sa kanyang kaibigan.

"Di ba sinabi ko na sa 'yo kanina pa?" halos hindi ito makapagsalita sa dami ng lamang pagkain sa bibig, "gutom na gutom na nga ako kaya gamuntik ko nang kagatin 'yung waiter." Humagikhik ito, "sabi ko sa 'yo kanina sa fastfood na tayo kumain para maibilis, eh 'dito naghintay pa tayo ng kalahating oras. Dilat na dilat na ang mata ko sa gutom. Kaunti na lang mamatay na ako. Pero dahil susyal ka, kailangan talaga dito pa, o 'di manigas kang pagmasdang kumain ang patay-gutom mong bespren!"

"Ang O.A. mo naman!" Natatawa ako dahil ilang beses na itong nabulunan, "may mga taong nagpa-fasting for more than thirty days, may forty days pa nga, pero hindi naman sila namamatay."

"Sila 'yun. Ako, kapag hindi ako nakakain for one whole day, patay na ako kinabukasan."

Hindi na napigilan ni Helena ang pagtawa hanggang sa tumagos ang kanyang paningin sa bandang likuran ni Denny. Unti-unting napahinto ang kanyang pagtawa. May nakita kasi itong isang lalaking naka-shades. Nakaupo ito nang paharap sa pinakadulong lamesa ng restaurant. Hindi man nakikita ni Helena ang mga mata nito ay tila nakitingin ito sa kanilang gawi. Agad din naman umiwas ng tingin dito si Helena.

"Oh, anong ginagawa mo?" tanong ni Denny sa kanya. Tila inaayos na kasi ni Helena ang malaking tipak ng steak sa planto niya. "Ipababalot mo na ba 'yan? Hindi ka ba gutom? Parang nakakatatlong subo ka pa lang ah!"

"Oo, hihingi na ako ng box. Hindi pa naman talaga kasi ako gutom. Mamaya ko na lang ito kakainin sa bahay."

Natutukso siyang sulyapang muli ang lalaking tila nakamasid talaga sa kanila, at habang pinipigilan niya ito ay tila lalo namang bumibilis at lumalakas ang bawat pintig ng puso niya. She knows she is already starting to freak out deep inside, kahit na hindi pa naman siya sigurado na iyon na nga ang pinangangambahan niyang stalker.

'That's not him....that's not him...' paulit-ulit nitong kinukumbinsi ang sarili niya sa loob ng kanyang isipan. 'You are just being paranoid, Helena!'

Para mabawasan ang kaba ay sinenyasan na ni Helena ang waiter. Lumapit naman agad ito sa kanya.

"Our check and a box please?" sabi niya rito habang itinuturo nito ang kanyang leftover steak.

"Are you paying separately?" tanong ng waiter sa kanya.

"No," sagot ni Helena. "Only one check for both, please."

"Ok, Ma'am." sagot naman ng waiter. "I'll come back with your bill and a box."

"Thank you." Tugon ni Helena dito.

Umubo-ubo muna si Denny sa pinakahuling pagkakahirin nito sa lalamunan, "wow, bespren, mukhang inilibre mo na naman ako ah. Puwede namang ako na ang magbayad nitong kinain ko 'no."

"Ano ka ba? Kailan ka ba nagbayad kapag kumakain tayo sa labas?" pinipilit nitong matawa upang tabunan ang matinding kaba at pag-aalala.

Humagikhik naman si Denny, "hoy, ako naman lagi ang nanlilibre sa 'yo pag nagii-street food tayo, 'di ba?"

"Only because I rarely bring cash."

Copyright ⓒ 2017, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

"Sorry naman Princess Helena," natatawang sagot nito sa kaibigan, "hindi naman kasi rich kid itong bespren mo."

"Hindi naman ako nagrereklamo, 'di ba?" sagot ng dalaga, "itinatama ko lang 'yung alanganing statement mo."

Palapit nang muli ang waiter nang hindi na napigilan pa ni Helena ang hindi sulyapan ang lalaking naka-shades, pero lalo lang nagrambulan ang lahat ng maaaring kumulo sa kaloob-looban niya, nang marahan siyang kinawayan sa pamilyar na paraan ng lalaking kanyang pinangangambahan. Sa paraan pa lang ng pagkumpas ng kanang kamay nito ay napagtanto niyang ito na nga ang stalker niya.

"Are you done eating?" pabulong na wika nito kay Denny habang iniaabot niya ang credit card niya sa waiter. Umalis naman agad ang waiter para i-process ang payment niya.

"Almost. Bakit?"

Kinuha ni Helena ang box na ipinatong ng waiter sa ibabaw ng lamesa at saka nito mabilisang inilagay ang leftover steak mula sa plato niya. "He's here, Denny. We really need to go!" Pabulong na pang-aapura nito sa kaibigan, "please finish up faster. I'll call a ride." Nag-umpisa nang mag-type si Helena cell phone niya. Halos kasabay naman ito ng pagdating ng waiter para isauli ang credit card niya, at para na rin mapirmahan niya ang merchant copy ng resibo. Hindi naman kinalimutan ni Helena na isulat ang one hundred-fifty pesos na tip. "Thank you!" Pabulong na wika nito sa waiter at tinapos na rin nito ang pagta-type sa cell phone niya.

"Thank you rin po, Ma'am." Sagot naman ng waiter sa kanya bago ito umalis.

"Halika na, Denny! Bilisan mo please!"

"Oo na, last piece." Isinubo na nga nito ang last piece ng steak bago nagdali-daling uminom.

***

"Goodness, Helena, papatayin mo ba ako?" hinihingal na wika ni Denny sa kaibigan sa pagkasakay na pagkasakay nila sa loob ng taxi. "Bakit ba talaga tayo nagmamadali?"

"He was there."

"Who?"

"The Stalker. My stalker. He was wearing a pair of sunglasses."

"Where?"

"In the restaurant."

"What is he doing there?"

"Are you seriously asking me that, Denny? How do I know? Alangan naman na lapitan ko siya para itanong kung anong ginagawa niya ro'n. Hello!"

"I mean, paano mo nasiguro na 'yun nga 'yung stalker mo?"

"He was looking in our direction."

"Eh 'di ba sabi mo naka-shades siya? Malay mo naman kung sa iba siya nakatingin."

"He waved at me. I mean, waved at me in the same creepy way he did before."

"Oh."

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerWhere stories live. Discover now