CHAPTER 6

7.2K 406 66
                                    

Nanatiling nakatalukbong si Helena; gising na gising at nakikiramdam. Hiyang-hiya ito kay Paolo bagama't kinikilig naman ito sa mainit na yakap nito mula sa kanyang likuran.

Paolo is indeed exhausted. Wala pa kasing sampung minuto'y hindi na ito gumagalaw. Nakatulog na agad ito nang mahimbing. Sinamantala naman ito ni Helena upang magtanggal ng talukbong. Marahan nitong tinanggal ang braso ni Paolo sa bandang baywang n'ya, bago nito maingat na ibinaba ito sa banda ng kamang kinahigaan n'ya matapos n'yang bumangon mula rito.

Copyright ⓒ DyslexicParanoia (Angela Atienza), 2017, All rights reserved.

Napansin ni Helena na nakahiga si Paolo sa ibabaw ng comforter. Thinking he must be cold dahil naka-full blast ang AC, tahimik na ikinuha muna nito ito ng blanket mula sa kabinet bago nito ito maingat na kinumutan.

'Gosh,' in her mind. Animo'y timang na pinagmamasdan ni Helena ang kabuuan ng natutulog na si Paolo.. 'Meron ka bang anggulong pangit?' Napakagat na naman ito sa kanyang ibabang labi. 'Ba't sugat-sugat na 'yang mukha mo pero ang g'wapo mo pa rin?'

Tila nanaginip pa ito nang gising sa kalaliman ng gabi nang may narinig itong nag-vibrate. Luminga-linga ito upang hanapin ang pinanggagalingan nito. Agad din naman n'yang nasundan ang tunog nito mula sa hinubad na pants ni Paolo. It was his cellphone. On its screen, it reads...JuliettRomeoUCov-GS Calling. The call eventually ended and is counted among the 17 missed call log.

'Juliett Romeo? Who the eff is Juliett Romeo?' In her mind.

Out of curiosity, sinubukang i-swipe ni Helena ang phone ni Paolo. Pero napasimangot naman ito upon finding out na password protected and unit nito. She knows its pointless to do anything else kaya isinauli na lang nitong muli ang cellphone.

'Hmp. Letse ka.' In her mind, again. Nakasimangot nitong sinilip si Paolo, 'May pa-mahal-mahal ka pang nalalaman d'yan, pero may Gabbie ka na, may Juliett ka pa? Collector ka ba? Nakuuu...Sinasabi ko na nga ba malas talaga sa buhay ang ma-inlove sa g'wapo! Puro kabuwisitan lang! Makikita mo, kahit nabuking mo na ako, hinding-hindi ko hahayaang makasali sa listahan mo!" Nakasimangot nitong tinungong muli ang kabinet upang kumuha ng kumot para sa kanyang sarili. Sunod nitong tinungo ang recliner at doon ito bumaluktot upang matulog.

***

Napamulat si Helena sa kaluskos na narinig. It was Paolo, sneaking towards the window kung saan ito pumasok kagabi. Katabing-katabi lang kasi ito ng recliner.

"Ops. Sorry, peppermint." Anito kay Helena, "I didn't mean to wake you."

Napasulyap si Helena sa wall clock, alas kuwatro na ng umaga. "Peppermint?!" Nakasimangot ito, 'akala ko ba lollipop?' in her mind as she began to stretch and sit upright. 'ayan, ayan ang napapala ng mga chickboy, napapaghalo-halo na pati terms of endearment sa iba't-ibang mga babae! Nakuuu Paolo, try mo kayang gumawa ng listahan para hindi ka nabubuking agad!'

"Yes, peppermint...and also my sweet nougat, turtle caramel, sugar cookie and luscious truffles." Nakabungisngis ito.

Napangibit si Helena, "what?!"

Sumandal muna ito sa may bintana, naghalukipkip bago ito ngumisi nang pilyo sa kanya, "what can I say? You are every sweet little thing I could think of."

'Sus! Palusot pa ang bolero! Iba na nga naman ang expert sa pagpapa-fall.' In Helena's mind. 'Kung akala mo madali mo akong magogoyo dahil lang sa super yummy ka at alam mong may gusto ako sa 'yo...nagkakamali ka Paolo Montero. Kung isa lang talaga ako sa listahan mo, sisiguraduhin ko na sa 'kin ka lang gagapang! Nakuuu, b'wisit talaga kayong mga lalaki. Well, mapuwera kay Daddy, pero lahat kayo nakuuu, ang sarap lang kutusan!'

"Thanks for allowing me to stay here for a few hours." Naghahanda na itong umakyat sa bintana. Helena noticed na suot na nito ang maruming pants na hindi pa n'ya nalalabhan.

"Madilim pa ah. Uuwi ka na ba sa inyo?"

"Probably not." Sumisilip-silip ito sa labas ng bintana. "My Mom will freak out if she sees me like this. I need to heal first."

"You're worried that she'll freak out pero it doesn't bother you na naii-stress silang lahat sa pag-aalala sa 'yo? Kamakalawa ka pa nila hinahanap ah."

Napabuntong-hininga ito. "I actually plan to call them today. But I need to find an untraceable phone first."

Muling napangibit si Helena, "Ha? What for?"

Paolo attempted to speak but it ended up with a sigh. "It's complicated."

Napatawa si Helena, "Gano'n? Parang Facebook relationship status lang?"

Napatawa nang bahagya si Paolo, "mine is far more complicated than a Facebook relationship status, sugar plum."

"Sugar plu--tsss. Whatever...so where do you plan to go from here kung hindi ka muna uuwi sa inyo?"

Muli itong tumingin sa labas ng bintana, "Bahala na. May cash naman ako. I can actually stay in a hotel without using my cards."

"Bahala na? Hotel ba kamo, so maraming tao, tapos ganyang ang hitsura mo? Ba't 'di ka na lang kaya magpunta sa bahay ng isa sa mga girlfriends mo para may mag-aalaga rin sa 'yo?"

Tiningnan nito si Helena. His expression is serious this time. "Girlfriends?"

"Yeyz! Girlfriendsss...with the sssss..." in her attempt to appear cool about it. "P'wede ring walang ssss kung flingsss lang pala 'yung iba."

Ngumisi si Paolo. "I may not be that old, but I'm not that young either. I know you're just trying to fish for information. Let me try to figure out what's in your mind right now..." Muli itong sumandal sa may bintana at tila relax na relax na naghalukipkip. "Gusto mo lang akong hulihin sa sarili kong bibig kung..." Nagpa-suspense ito nang kaunti. "Mayro'n akong girlfriend or girlfriendssss."

'The heck!' Sa isipan ni Helena. 'Am I really that obvious o baka naman ganun lang talaga ito katalino?! Is being accelerated twice, or being a Summa Cum Laude graduate from a premier University, smart enough? How about being a CPA board topnotcher at the age of 18? Or being a top Law student immediately after, right up to this day? Is that enough proof of brain power to come close to relative ability to read minds? Really?! I still doubt it!'

"I can't read minds if that's what you're worried about." Nakabungisngis ito sa napapatulalang si Helena. Pasikretong nagulat naman si Helena. "But I can analyze psyches based on corporeal behavioral patterns, gestures, and facial expressions."

Umiwas ng tingin si Helena. Nahuli na naman kasi s'ya ni Paolo.

"But to set everything straight, sige, may aaminin ako sa 'yo. I don't have girlfriendssss, but I do have a girlfriend. Her name is Gabbie..."

[ITUTULOY]

My Incognito HeartBreakerWhere stories live. Discover now