CHAPTER 13

5.3K 278 21
                                    

Nagkakagulo ang mga tao  sa ilalim ng malaking tulay sa may ilog. Tatlong kababaihan ang natagpuang patay. Pareparehong walang saplot, kalbo, nakagapos mula leeg hanggang paa in fetal position at may malaking laslas na ekis sa leeg, wala nang mga kuko ang mga paa at kamay nito, at may mga marka rin ito ng latay sa likod.

"Pangalawa na 'to. Anim na ang napapaslang."  Bulong ng imbestigador sa kasama nitong pulis. "Sa dami ng tao rito," pinasadahan nito ng tingin ang mga nagmimiron sa itaas at ibabaw ng tulay. "Wala  na tayong magagawa. Lalabas na 'to sa media." Natatanaw na rin nito ang pagdating ng mga van ng iba't ibang T.V. at radio stations.

"Ano sa palagay mo? Pareho ba ang pumatay sa una at dito?" bulong pabalik ng pulis na binulungan n'ya.

"Sa paraan ng pagpatay at bilang, parehong-pareho. Pati sukat ng hiwa sa leeg at linis sa pagkakabunot sa mga kuko, walang ipinagkaiba. Pero kailangan munang ma-autopsy itong tatlong bago, para malaman natin king ginahasa rin ang tatlong 'to. Tsk. Ayoko sanang makialam ang media rito pero...we don't have much choice now."

"Wag na 'yon..."itinuro ng mga pulis ang mga sibilyang kumukuha ng litrato at videos sa di kalayuan. "Isama na natin 'tong mga wannabe. Pustahan tayo nasa social media na ang balitang 'to ngayon mismo."

Napabuntong-hininga ang imbestigador. Muli nitong sinuyod ang mga tao sa paligid hanggang sa napako ang tingin n'ya sa isang lalaking naka-black hoodie.  Kahalubilo ito ng mga tao. Nakatitig ito sa kanya, at nang makita nito na nakatingin na rin s'ya rito, marahan itong ngumisi bago ito kalmadong umalis.

***

"Nabalitaan mo na ba?" tanong ni Gabbie kay Paolo sa kabilang linya using an untraceable cell phone. "Kilala ko 'yung tatlo. Sila 'yung mga nakasama ko sa kuta."

"Then it's positive." Mahinang wika ni Paolo habang nagkakape sa labas ng isang coffee shop. Naka-gray hoodie ito, naka-itim na shades, medyo nakayuko, alerto at walang hinto sa pagmamasid sa paligid. "Tama nga ang mga demonyong tinitiktikan natin. Stay safe, wherever you are. Tulad ng napag-usapan, magpapalamig muna tayo. I'll let you know kung anong susunod nating hakbang."

"Ok."

Naputol na ang linya.

"Motherf*ckrs..." Umiiling-iling na nagbrowse si Paolo ng trending news sa Facebook kung saan nakakakuha na ng atensyon ang mga nag-post ng natagpuang mga bangkay. He's particularly disappointed sa mga nagpo-post at nagse-share sa social media, "you have done nothing but feed these monster's egos in exchange of your fifteen minutes of fame. "Insensitive f*cktards." Nang bahagyang naipakita na sa amateur video ang isang pares ng paa ng isa sa mga biktima, "like they also wanted their dead bodies flaunted in the internet when they die?"

He exited the feed; bago n'ya ibinulsa ang cell phone n'ya para ipagpatuloy ang pagkakape.  Nanatili s'yang nakaupo sa isa sa mga lamesa sa labas hanggang sa matanaw na n'ya ang tunay na pakay n'ya sa coffee shop na 'yun.

Si Helena ito, bagaman nasa loob ito ng coffee shop. Busy ito sa pagta-type sa laptop n'ya habang nagkakape itong mag-isa.

Napangiti si Paolo nang biglang ngumuso si Helena na tila may malalim itong iniisip tungkol sa isinusulat nito.  Muli namang dinukot ni Paolo ang cell phone n'ya para pasimpleng kuhanan ng video ang dalaga.

"You are such a creep, Paolo."  Bulong ni Paolo sa sarili n'ya. Napapabungisngis din ito na wari'y aliw na aliw ito sa ginagawa n'ya. "The sly things you do just to feel closer to the woman of your dreams." Before he ended the recording.

Copyright ⓒ 2017, DyslexicParanoia (Angela Atienza), All rights reserved.

***

"Nakakainis." Bulong ni Helena habang nakatunganga sa screen ng laptop n'ya. "Lunod na ang bituka ko sa kakape, wala pa rin akong maisulat." Hinilot nito ang sentido bago ito napalingon sa isang lalaki sa kabilang table na panay ang type sa keyboard na tila kay rami nitong naisusulat.  "Buti pa s'ya...ano kayang kape 'yung iniinom n'ya. Di kaya dapat 'yun din ang bilhin ko para matapos na 'tong lecheng writer's block ko?" nagbuntong-hininga ito at muling sumimangot.

My Incognito HeartBreakerWhere stories live. Discover now