Kabanata 2

4K 100 9
                                    

Kabanata 2





"Hi, Miss!"


Naputol lang ang titig nilang nakakailang nang bumati ang isang nakangiting lalaki mula sa grupo ng mga lalaki sa likod na naunang nakapansin sa akin kanina.


Kumakaway ito habang nakangiti. Halos mawala na nga ang mga mata nito sa lawak ng pagkakangiti niya. Chinito.


Nahihiyang ngumiti naman ako pabalik habang parang poste na nakatayo pa rin sa harap ng pintuan.


Lalong lumawak ang ngiti nito at nag-umpisang maglakad papunta sa puwesto ko. "Bago ka? Dito ka rin? Anong name mo?" sunod sunod na pagtatanong nito.


Nagulat nalang ako nang may bumatok kay Chinito guy. Nang tignan ko ay isa ito sa mga lalaking kasama niya sa likod kanina. Unlike the first guy, this guy has round eyes.


"Isa-isa lang ang tanong pre. Hindi tuloy alam ni Miss beautiful kung anong unang sasagutin," aniya.


Nagpeace sign naman si Chinito guy na bahagyang nagpangiti sa akin. At sa hindi malamang dahilan ay natitigilang napatitig na naman ang mga ito sa akin, maging ang iba pang kasama namin dito sa room.


Ngunit bago pa ako ulit mailang ay sinagot ko na ang mga tanong ni Chinito guy kanina.


"Ako si Shye. Transferee student," sagot ko.


"Woah, nice!" sabi naman ni Chinito guy na unang natauhan sa pagkakatulala. "Ako naman si Shino Yoshida."


Oh! A Japanese.


"I'm Lauken Mendoza," sunod na pakilala ng isa.


Shino suddenly laughed. "Full name dapat, pre. Bakit hindi mo sabihing Lauro Kento Mendoza!"


Lauken glared at Shino. Hindi naman ito pinapansin ng isa na abala sa pagtawa. Maging ako ay hindi maiwasang matawa dahil hindi na talaga maipinta ang mukha ni Lauken.


Napanguso ito nang mapansin na pati ako ay nakikitawa. "Grabe kayo sa pangalan ko. Ang importante cute ako 'di ba?"


"Kadiri, pacute!" sita sa kaniya ni Shino na lalo kong ikinatawa.


"What's happening here?"


Natigilan kami nang biglang may sumulpot na babae at― I'm not sure kung lalaki ba ito o ano dahil sa plakadong kilay nito na nakataas ngayon.


Shino smiled at them. "Mga lods, kinakausap lang naman namin si Shye. Transferee siya rito sa atin."


Hindi ko alam kung babatiin ko ba ang dalawang bagong dating dahil sa matalim na titig ng isa.


"How dare you, Shino! Akala ko ba ako lang? Sabi mo ako lang tapos makikita kita ngayon na ang lawak ng ngiti sa ibang babae," eksaheradang sambit nito kay Shino na ikinagulat ko.


Hindi dahil sa impit na boses nito kundi dahil sa sinabi niya. May relasyon sila ni Shino?


"Hoy, ang kapal mo Jio! Baka maniwala si Shye, bad trip ka!"


Bad Boy Series 1: Draven MoralesWhere stories live. Discover now