Kabanata 27

1.3K 50 32
                                    

Grabe mga theory niyo mga bebe, may tumama! Pero hindi ko sasabihin kung sino. Abang abang na lang 🤪

Kabanata 27


The next day, I was still upset with Tito Rikko. I really can't get his point why he wanted me to split up with Draven. Knowing Tito Rikko, hindi niya ugali ang gano'n.

Sa ilang taong pag-aalaga sa akin ni Tito, lagi siyang nakasuporta sa kasiyahan ko. At kung alam niyang hindi naman makabubuti ito sa akin ay ipapaliwanag naman niya ito nang maayos. Hindi katulad kagabi, he even yelled at me for his pointless reason.

I know Tito Rikko has a deeper reason that he doesn't want to tell me. And I'll find it out.

But for now, I will ignore him. Mabigat pa rin ang dibdib ko sa pagsigaw niya kahapon. Kaya magtatampo muna ako!

Matapos kong mag-ayos, I went downstairs to have my breakfast. Ngunit pababa pa lang ako ako narinig ko na ang mahihinang boses na tila nagtatalo.


"Rikko naman! Kahit ako ay hindi ko makuha ang punto mo. Kaya hindi ko masisisi ang bata kung magtampo iyon sa iyo."

That's Manang's voice! And I think they are talking about me.

"I am just trying to protect her, Manang Loidia. Mas mabuti nang magtampo o kahit kagalitan pa niya ako, basta hindi lang siya masaktan."

Pakiramdam ko ay manunubig na naman ang mga mata ko ngunit pinigilan ko ito.

He's trying to protect me? From whom? I don't get it.

"Protektahan saan, hijo? Kailangan mong ipaliwanag ang dahilan mo nang hindi kayo nag-aaway ng pamangkin mo. Ikaw na nga lang ang natitirang pamilya niya, hindi magandang hindi kayo magkaayos," said by Manang.

I heard Tito sighed. "H-hindi..."

That word made me confused.

"Hindi na lang ako ang nag-iisang pamilya ni Shye, Manang."

I felt my heart beats faster. What does Tito mean by that?

"H'wag mong sabihin— Rikko, hindi ito magandang biro!"

"I'm not kidding, Manang! I saw him yesterday! Our eyes met and I also felt like he recognized me. So I'm sure that was him!"

Hindi ko na napigil akong sarili ko at tuluyan nang bumaba para magpakita sa kanila.

Gulat namang napunta sa akin ang mga mata ni Tito Rikko na may nagbabadyang luha at si Manang Loidia na kasalukuyan nang umiiyak habang nakakapit sa upuan na tila nanghihina.

Naiiyak kong tinignan si Tito. "H-him? You saw him? Anong ibig mong sabihin, Tito? Sino siya? Sinong nakita mo?"

Nag-iwas ito ng tingin at umiling.

"The food is ready, Shye. Eat it so I can drive you to your school."

Bumagsak ang balikat ko. Iniiwasan nitong sagutin ang katanungan ko.


Bad Boy Series 1: Draven MoralesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon