Kabanata 14

2K 70 24
                                    

Kabanata 14





Sobrang lakas ng tibok ng puso ko habang gulat na nakatingin kay Draven na nakangiti pa rin matapos umamin.

Tumikhim ako. "You're kidding..." sabi ko tsaka nag-iwas ng tingin.

Kaninang umaga ko lang narealize kung bakit ako naiinis nang malamang hindi ako ang first kiss niya na nadagdagan nang malaman ang tungkol kay Aiah Cortez... crush ko na pala ang unggoy.

Alam kong parang masyadong pambata ang term na crush pero alangan namang gusto ko na agad si Draven? No way!

Hindi nga ba?

Iniling ko ang ulo nang pumasok ang tanong na 'yon sa utak ko.

He's just my crush at mawawala rin ito, sinusumpa ko!

Pero parang sayang naman... nacrush back naman na ako e. Bakit ko pa i-uuncrush, 'di ba? Bakit hindi ko nalang i-push to–

What am I thinking? Stupid, Shye!

"Hey..."

Nawala ako sa mga iniisip nang tapikin ako sa mukha ni Draven. Nakalayo na ang mukha nito mula sa akin at nagtataka akong tinititigan.

"W-what?" tanong ko.

"Kanina ka pa tulala at bumubulong-bulong d'yan. You okay?"

Nag-iwas ako ng tingin nang hindi ko makayanan ang mga nag-aalalang titig niya.

Is he really serious? Crush niya talaga ako? Kasi parang gusto ko nang maniwala.

"Of course. Bakit naman ako hindi magiging okay? Tsaka joke ko lang 'yong crush kita, alam ko rin namang nagjojoke ka 'di ba?" umaasang tanong ko.

Gusto kong marinig mula sa kaniya na binibiro lang niya ako para matigil na ako sa mga kabaliwang iniisip pero bakit pakiramdam ko ay may parte sa aking masasaktan kapag umamin siyang biro nga lang niya ang tungkol sa pagkacrush sa akin? Hindi na talaga ako normal.

Sumeryoso ang mukha nito tsaka ako matiim na tinitigan. "When I told you that I like you, I am serious."

Teka, anong like?

"Ang sabi mo crush, anong like ka d'yan?"

"Oh..." aniya. "Did I say crush?" he asked as if he really forgot what he said earlier.

I nodded at him.

"E 'di binabago ko na. I like you already, hindi nalang bastang crush ang ito."

Nanlalaki ang matang tinignan ko ang unggoy na tila simpleng bagay lang ang inamin at chill na chill. Samantalang ako dito halos atakehin na sa puso dahil sa mga salitang naririnig mula sa kaniya.

Pero in fairness! Nag level-up agad 'yong crushback kanina. Parang ako naman ang hinihintay niyang mag like back!

"H-hindi kita gusto..." sabi ko sa mahinang boses.

Bad Boy Series 1: Draven MoralesOù les histoires vivent. Découvrez maintenant