Kabanata 5

2.8K 79 0
                                    

Kabanata 5





Mabilis lumipas ang oras, hindi ko namalayan na magdadalawang buwan na pala ako rito sa Ardolf International School. Hindi rin naging mahirap sa akin ang mga subject, sa katunayan ay madalas akong kantyawan nina Chin dahil ako lagi ang nangunguna sa recitation at quiz.

Hinayaan ko nalang ang mga ito at hindi na sinabing simula elementary at junior high ay ako talaga ang nangunguna noon sa dating pinapasukan kong paaralan.

Naging masaya naman ang bawat araw ko lalo na dahil kina Chin, Jio, Shino at Lauken na talagang naging kaclose ko.

Sa loob ng mahigit isang buwan ding iyon ay naging tahimik na ang AIS, hindi na kasi nagparamdam si Draven Morales. Naging usap usapan ito nang ilang araw sa AIS dahil sa pagtataka sa biglaang pagkawala nito pero napalitan din ng tuwa dahil wala nang manggugulo at magiging tahimik na raw ang school.

Ngunit hindi katulad ng iba ay nalulungkot naman ako. Ang natatandaan ko ay ang huling nabalitaan ko pa tungkol sa kaniya bago mawala ay 'yong pagtawag sa kaniya sa guidance para mapag-usapan ang isang subject.

Hindi ko magawang matuwa dahil para sa akin ay hindi dapat ikatuwa ang problema ng iba.

"Nakakainis ito, lagi nalang nagpapapansin."

Bumalik ako sa ulirat nang magsalita ang katabi kong si Chin. Kasalukuyang nasa labas ng bintana ang masamang tingin nito.

Nang tignan ko ang tinitignan niya ay gusto ko nalang bawiin ang ginawa dahil ang bumungad ay si Finn na nakatingin na sa akin. At kumaway nang makitang nakatingin din ako.

Kung kami ni Chin ay hindi natutuwa sa presensya ng lalaki, halos lahat naman ng babae, kasama na si Jio, ay tila kilig na kilig pa habang pasilip silip sa puwesto ni Finn.

"Grabe na 'to, feeling ko kailangan ko na siyang sagutin."

Napalingon kami kay Jio na biglang nagsalita.

"Sino?" takang tanong ko. May nanliligaw ba sa kaniya?

Kinikilig na tinignan naman ako nito at maarteng nagsalita. "Si Captain Finn, teh. Grabe na ang effort niya for me, araw araw nalang pumupunta sa labas ng room natin para magpapansin."

"Kadiri ka," nakangiwing sabi ni Chin na inirapan lang ni Jio.

"Shye," tawag sa akin ng isa naming kaklase na babae, si Patricia.

"Wala ka namang boyfriend 'di ba?" tanong pa nito.

Nagtataka man ay tumango na lang ako.

Lalong lumawak ang pagkakangiti niya sa naging sagot ko.

"Eh, anong tingin mo kay Captain Finn?"

Bakit napasok ang lalaking 'yon?

"Uhm," napaisip ako. Ano nga ba? Sa totoo lang ay ayaw ko sa ugali nito.

"E 'di gwapo, tinatanong pa ba 'yan," singit ni Jio.

Natawa naman si Patricia at tumango tango. "Tapos si Shye naman ang pinakamaganda dito sa AIS."

Bad Boy Series 1: Draven MoralesWhere stories live. Discover now