Kabanata 25

1.4K 68 18
                                    

Kabanata 25




"That means Miss Joferlyn is our 1st runner up!"


Sigawan hindi lang mula sa kaklase ko ang bumalot dito sa amphitheater, kung hindi maging mula sa ibang section at grade level.


"Grabe ka teh muntik na akong maiyak sa answer mo ha!" si Chin na maluha-luha pa ang mga mata at may dalang tissue. Nilapitan ako nito kasama ang buong section namin dito sa stage.


"Ako rin! Muntik na akong maiyak," sabi ng kaklase namin.


"Grabe. Seeing you right now wearing the crown, talagang napaka queenly mong tignan. Bagay ang title sa'yo as AIS Queen," Patricia uttered.


Ako naman ay hindi alam kung anong sasabihin. Hanggang ngayon ay nanlalamig pa rin ako. Everything feels like a dream. Hindi ko makapaniwalang tapos na ang pinaghandaan naming lahat at worth it lahat ng efforts na ibinuhos namin.


"Hoy bakit mukha kang natatae diyan?" natatawang tanong ni Jio nang mapansin ata ang pananahimik ko.


"I'm n-not dreaming, right? I really won, 'di ba?"


They all chuckled at my question.


"Of course! Sa sagot mo pa lang girl, secured na ang korona–"


"As if!" someone shouted.


Napalingon kami kay Marcelle na namumula ang mukha sa galit na papalapit sa amin. Kasama nito ang dalawa pang alipores.


"Ilan ang binayad mo sa judges?! Hindi ka puwedeng manalo! Dapat ako!"


Muntik na akong mapaatras nang akmang susugod ito sa akin. Buti na lang ay humarang ang mga kaklase ko!


"Feelingera mo naman!" Aiah suddenly shouted too. "Anong dapat ikaw? A girl becomes a woman when she turns eighteen ang sagot mong literal tapos mag-eexpect ka?!" she laughed sarcastically. "Girl, overall ang layo nang agwat niyo ha! From beauty, brain and performance si Shye talaga. Sa confidence ka lang lumamang kasi masyado kang overconfident!"


Naghiyawan ang mga nanonood, they were agreeing to Aiah.


Pero mukhang ayaw patalo ni Marcelle.


"Omg! Look who's talking. So, you're defending that wh*re, right now?! Akala mo kung sinong santa, e nag-aabang lang naman para makuha si Draven!"


Gusto kong sapakin ang mga kaklase ko nang magsihiwayan na naman sila. Mukhang nag-eenjoy sila sa nangyayaring sagutan!


Aiah threw Marcelle a deadly glare. "Ngayon pa lang, sinasabi ko na sa'yo. Humanap ka ng bagong school na tatanggap sa basurang katulad mo."


"What are you–"


Bago pa matapos ni Marcelle ang sinasabi ay lumapit sa amin ang head teacher.


"Miss Marcelle, stop making a scene and go to Dean's office."


"Huh?! Why, Sir?!" Marcelle asked.


Bad Boy Series 1: Draven MoralesWhere stories live. Discover now