Kabanata 6

2.6K 81 4
                                    

Merry Christmas everyone!

Kabanata 6





"Get away from her if you still want to live, idiots."

Draven...

Yes, it's him!

"S-si morales pre," bulong ng isa gamit ang nanginginig na boses.

"Pre, halika na. Ayaw kong magkapasa."

"Mga gago! Ano bang kinakatakot niyo sa lintek na 'yan? Iisa lang siya, marami tayo," nanggagalaiting bulong pabalik ng may hawak sa akin.

"Bahala ka!" sabi ng isa at nagkukumahog na tumakbo palayo. Ilang segundo lang ay sinundan din siya ng iba pa.

Isa lang sa kanila ang naiwan dito. At iyon ay itong hawak hawak pa rin ang braso ko na kasalakuyang sinisigawan ang mga tumakas na kagrupo. "Mga tarantado! Bumalik kayo dito!"

Natigil lang ang pagsigaw nito nang magsalita ulit si Draven na papalapit na ngayon sa aming puwesto.

Napatayo naman itong lalaki at napaatras. "Tarantado ka, Morales. Hindi ako takot sa'yo!"

Ngunit kabaliktaran ang sinabi nito sa ikinikilos. Paatras ito nang paatras habang patuloy ang paglalakad palapit ni Draven na wala pa ring kaekspre ekspresyon ang mukha, maliban nalang sa nang uuyam nitong ngisi. Bukod doon ay wala na, blangko na. Tila isa itong mabangis na leon na handang lumapa kaya naman hindi na ako nagulat nang bigla na ring tumakbo palayo ang lalaking kanina lang ay hindi raw natatakot.

Maang naman akong napatitig kay Draven. Nawala na ang nakakatakot na ngisi nito at tuluyan nang naging blangko ang mukha niya.

Bakit gano'n nalang siya katakutan ng mga tao? Ano bang meron sa kaniya? Ano bang kaya niyang gawin sa kanila? Dapat din ba akong matakot?

Natigil ang pagtatanong ko sa aking sarili nang bumaba sa akin ang tila yelo nitong tingin sa lamig.

I gulped. I tried to stand up pero nabigo lamang ako at napasalampak ulit nang maramdaman ang pagkirot ng kaliwang paa ko maging ng magkabilang tuhod ko na nagasgasan dahil sa pagkadapa kanina.

Napangiwi ako at gusto ulit umiyak dahil da frustration, sakit at pagod.

I heard him tsked bago ko naramdaman ang aking pag angat.

Kumawala sa bibig ko ang singhap habang nanlalaki ang matang nakatingin kay Draven na siyang kumarga sa akin.

"Y-you don't have to do this. I can manage–"

"Shut your mouth, stupid girl. You can't even stand up," masungit na pagputol nito sa mga sasabihin ko pa sana.

Napasimangot ako dahil sa pagtawag na naman nitong stupid sa akin. Nakakailan na siya, ah!

I sigh to calm myself. Hayaan mo na, Shye. Palagpasin nalang tutal iniligtas ka naman niya kahit ang sama ng ugali.

"A-ah, thank you p-pala..." nahihiyang pagpapasalamat ko sa kaniya matapos ang ilang minutong pananahimik.

Bad Boy Series 1: Draven MoralesWhere stories live. Discover now