Kabanata 24

1.4K 70 6
                                    

Kabanata 24





Nanginginig ang mga kamay kong nakapila dito sa backstage na sinasabayan ng dibdib kong malakas pa rin ang kabog hanggang ngayon matapos marinig ang mga sinabi ni Draven.


Mukhang baliktad ang epekto ng pampalakas loob lines ni Draven. Imbes na kumalma ako ay mas lumalakas ang tibok ng puso ko!

At lalo pa itong lumala nang sumenyas na si Gigi na nandito rin upang alalayan kami.

Do I really have to do this? But what about my gown?

"Ayusin ang tindig, girls," bulong ni Gigi.

Habang nakatitig dito ay biglang may pumasok sa isip ko.

Tama! Mas may alam si Gigi sa mga ganitong sitwasyon, hindi naman siguro masama kung magtanong ako kung anong pwedeng solusyon.


I was about to approach him when one of the candidate's called his name.


"Uh, Miss Gigi, I think tawag po kayo ng host," sabi ni Marcelle, one of the candidates.


Takang tinignan ito ni Gigi ngunit agad din namang lumabas.


I sighed problematically. Paano na ito? Kaya kaya nila Aiah 'yun?


"Okay, AISians! Are you guys ready to see the beautiful candidates?" said by the host.


That's the cue, magsisimula na nga.



Bagsak ang balikat akong umayos na ng puwesto bilang paghahanda. I was busy thinking when my fellow candidates giggled.



"Look at her face, namomroblema pa. As if may chance manalo."



Tinignan ko ang tatlong kandidatang mula sa STEM, HUMSS at TVL. They we are in same grade level. At ang apat pang candidates na kasama namin dito ay mula sa lower grade level.



"Poor her. She doesn't have a gown to wear," said by Marcelle from HUMSS.


Kumunot ang noo ko. They are obviously talking about me! Mukhang hindi rin naman ito itinatago dahil nakatingin pa ang mga ito sa akin habang patawang nag-uusap.


Erika from TVL raised her brow at me when she saw me looking at their direction. "Why are you staring at us, poor girl? Are you nervous and insecure at the same time because you don't have a gown to wear?"


Lalong kumunot ang noo ko at bahagyang kinutuban.


"There's no reason for me to be insecure," sagot ko na bahagyang ikinagulat nila.


They are not expecting me to fight back, huh? Sorry na lang sila, pagod na akong manahimik lang lalo't mukhang alam ko na kung sino ang may kagagawan sa nasirang gown ko.


"And how did you know that I don't have a gown to wear"? As far as I can remember, kami kami lang ng mga kaklase ko ang nakakaalam doon dahil nandito na sa amphitheater ang lahat ng students bukod sa amin."


Bad Boy Series 1: Draven MoralesWhere stories live. Discover now