Kabanata 16

1.8K 68 11
                                    

Kabanata 16





We are happily having our lunch when someone approached us.

"Ate Leigh, Kuya Jimmer... tawag po kayo sa office," sabi ng bagong dating. Mukhang mas bata pa ito sa amin at nakumpirma ko nga nang makita ang kulay ng lace ng kaniyang ID. It's white, it means he's a Junior High Student. Ang mga Senior High Students kasi ay kulay itim ang lace ng kanilang mga ID.

"Ha? Eh, kumakain pa kami," pag alma ni Chin na nag eenjoy sa kaniyang kinakain.

"I can't accept that!" biglang sabi ni Jio na mataray na naman ang bukas ng mukha.

"Ang alin po?" takang tanong naman ng grade eleven student.

"Iyong tawag mo sa akin!"

"Pero pangalan mo po iyon, Kuya Jimmer," nalilitong sagot naman ng huli.

Natawa ako na sinundan pa ng tawa ng mga kasama ko.

"Like I care! Ang sabi ko Jio nalang ang itawag mo sa akin, e!"

Napakamot nalang sa batok ang kausap niya at napipilitang tumango. Nang matuon sa akin ang tingin nito ay bahagya ko siyang nginitian. Nanlaki naman ang mga mata niya at namumula ang pisnging nag iwas ng tingin.

"S-sige na po. Sabi kasi ni Sir ay kailangan na nila kayong makausap ngayon, e..." nautal pa ito sa unang salita.

Napipilitan tuloy na sumunod sina Chin at Jio.

"Pwede naman kayong bumalik after niyo," sabi ko sa dalawang nakabusangot.

"Dalhin ko nalang ito!"

Kinuha ni Chin ang biniling cake na dessert daw niya bago sila tuluyang umalis kasama ang estudyanteng iyon.

Biglang natawa si Shino. "Pati mga bagets crush ka, Shye."

Binigyan ko ito ng nagtatakang tingin.

Inginuso nito ang papalayong sina Chin. "Iyong grade ten na si Enzo, halatang may crush sa'yo."

Pabiro ko itong inirapan. "Malisosyo ka lang talaga."

Lauken chuckled. "Sus, nahihiya ka pa. E, maski iyang katabi mo nga ay may gusto sa'yo."


Pagkatapos ng sinabing iyon ni Lauken ay biglang nabulunan naman si Finn sa kinakain.

Inabutan ko ito ng tubig habang hinahaplos ang likod dahil patuloy pa rin ito sa pag ubo.

"Ayos ka na?"

Tumatango ito habang umiinom ng tubig. Napatingin ito sa kamay kong nasa likod niya kaya agad ko na itong tinanggal sa hiya.

Sumipol ang loko lokong si Shino na nakangising aso kasama si Lauken.

"Ano na naman?" hindi ko maiwasang natawa sa mga mukha nila. Parang mga engot, e.

Bad Boy Series 1: Draven MoralesWhere stories live. Discover now