Epilogue

1.9K 77 81
                                    

Thank you for patiently waiting! I appreciate it so much. Maraming salamat dahil nakaabot kayo dito at sinuportahan niyo ang aking pinakaunang akda. Sana ay suportahan niyo pa rin ako hanggang sa mga susunod pang mga akdang aking gagawin. And also, I will post a special chapter as Draven's point of view, so stay tuned! Keep safe and healthy everyone. I love you all!

Epilogue





If you love something so much let it go. If it comes back it was meant to be; if it doesn't it never was.


I sighed after reading the quote from a book.


"Bakit ang tagal ni Daddy? Male-late na kami," reklamo ko matapos tignan ang oras sa suot na wristwatch.


Ilang minuto pa akong bagot na bagot na nanatili sa sala bago nakitang bumaba si Daddy suot ang grey suit na kahapon pa inihanda.


Hindi naman halatang sobrang excited niya.


"How do I look? So handsome, right?" he asked me confidently while flexing himself.


"Yeah," sagot ko na lang dahil bukod sa ayaw ko nang humaba ang usapan dahil late na kami ay may katotohanan din naman ang sinabi ni Daddy.


He looks dashing!


Kaya naiintindihan ko pa rin si Mommy kung bakit minahal pa rin niya si Daddy sa kabila ng kahanginan nito.


"I know right," he smirked. "You also look so beautiful tonight, sweetie. You really are my daughter!"


I also smiled proudly. I am wearing a silver backless gown with a high slit on my right leg. It compliments my perfect curves.


"I know right," panggagaya ko sa sinabi niya na may kaparehong tono. "Mana kay Mommy," dagdag ko pang sabi.


He laughed then nodded his head. "Right. Your Mom is really beautiful."


Ilang minuto pa kaming nagpayabangan bago napagpasyahang umalis na.


"Aalis na po kami," pagpapaalam ko kina Tito Rikko at Manang.


Tito smiled. "Take care."


"I-Ingat kayo..." Manang Loidia also said before looking away.


Nangunot ang noo ko nang mapansin ang pagpipigil nito ng luha.


"Why are you crying already, Manang? We're not yet leaving the country, may pupuntahan lang kaming party."


Natawa si Manang at bigla akong niyakap.


"A-ang bilis mong lumaki..." Manang uttered with so much emotion.


Niyakap ko siya pabalik at napanguso. "Bukas pa po ang flight namin. H'wag naman pong ganito, naiiyak na rin ako. Baka masira ang make-up ko at pumangit na ako bago pa makarating sa party," I joked.


Biglang kumalas si Manang at saka nagpunas ng luha.


"Tama na nga ito. Bawal kang pumangit ngayon. Sige na, mauna na kayo," nagmamadaling sabi niya bago kami iginiya palabas.


Bad Boy Series 1: Draven MoralesWhere stories live. Discover now