Kabanata 28

1.2K 49 6
                                    

Kabanata 28





"Aren't you getting older?"


Tahimik kaming nakaupo nina Finn, Draven at ako dito sa loob ng Dean's office. Hindi ko magawang tumitig sa Madam Dean ng AIS. We have a female dean who is I think in her 40s. She's wearing an eyeglasses but it didn't hide her beauty.


Lalo akong napayuko. Bakit kasi pati ako ay biglang nadamay dito? Hindi naman ako nakipagsuntukan.


Bigla kong naalala ang may sala kung bakit ako nandito.


Si Jio!


Nang dumating kasi si Madam Dean at tinanong kung anong dahilan ng kaguluhan ay bigla akong itinuro nito.


"Pinag-aawayan po ang beauty ni Shye."


Napapikit ako nang maalala na naman ang eksaktong sinabi ni Jio. Pati tuloy ako ay nandito ngayon.


"Hindi kayo sasagot? Wala ba kayong mga dila?!"


Lalong nangatog ang tuhod ko kahit nakaupo nang bahagyang tumaas ang boses ng aming Dean.


Wala namang sumagot sa dalawa. Tila bagot na bagot pa ang mga ito!


Nabigla na lamang ako nang biglang umaray ang dalawa. Napatingala ako mula sa pagkakayuko at napanganga na lang nang makitang pingot pingot nito ang tainga ng dalawa.


What's happening?!


"Aray, Tita! Masakit!"


Mas lalo akong napanganga nang marinig ang tawag ni Finn sa aming Dean. Tita?!


Tinignan ko ang name plate ni Madam Dean. Kristina Angeles.


Napalunok ako nang maaalala si Kerstine. Ang surname niya ay kapareho sa aming Dean at ngayon ko lang din napansin na malaki ang pagkakahawig nila! Kung gano'n ay pamangkin nito si Finn at Draven na kasalukuyang hawak ang taingang nasaktan nang bitawan na ang mga ito ng kanilang 'Tita'.


"That's Madam Angeles for you! Nasa paaralan tayo, wala sa bahay kaya h'wag mo akong ma-Tita-Tita!"


Finn just tsked habang si Draven ay madilim ang mukhang nakatingin sa sahig.


Gusto kong matawa sa nakakaawang mukha ng dalawa ngunit baka sa akin naman mapunta ang atensyon ni Madam Angeles ayon nga sa kanila mismo.


"Pasalamat kayo at hindi ako sumbungerang Tita kaya hindi na makakarating ang tungkol sa ginawa niyong gulo sa mga magulang niyo."


Nabigla ako nang bumaling bigla sa akin si Madam Angeles.


"You're Shye, right?"


Napapalunok akong tumango. "Y-yes po," halos walang boses ang lumabas nang sabihin ko 'yun.


"Tama nga si Kerstine, magaling pumili ang mga tukmol na ito," tumatango-tangong aniya at sinulyapan ang dalawa.


Bad Boy Series 1: Draven MoralesWhere stories live. Discover now