Kabanata 17

1.9K 67 0
                                    

Hello po! Pinalitan ko po ang aking username, sana walang malito. Mwa!

Kabanata 17





"Draven!" asik ko dahil tuloy tuloy lang ito sa paglalakad habang mahigpit pa ring hawak ang kamay ko.


"Ano ba! Bitawan mo nga ako!"


But once again, he acted that he didn't hear me.


"Nasasaktan na ako!" inis kong sabi dahil sa mahigpit nitong pagkakahawak sa braso ko.


Hindi gaya kanina ay huminto na ito ngayon at agad lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso ko kalaunan ay seryoso ang mukhang chineck ang nasaktang braso.


Napanguso ako nang mapansin ang namumulang parte ng braso kong hawak niya.


"See?! Namula tuloy," nakasimangot na sabi ko pa.


Bumuntong hininga siya. "I'm sorry..." pagkasabi niya nun ay may ginawa siyang ikinabigla ko.


He kissed it!


"Why did you do that?!" namimilog ang mga matang tanong ko.


Bigla kong naalala si Mama. Palagi rin niyang hinahalikan ang mga nasaktang parte ng katawan ko kapag aksidente akong nadadapa o nasaktan sa sariling kakulitan noong bata pa ako.


Tinignan ko si Draven na kalmado na ulit ang itsura hindi kagaya kanina nang kausap si Finn. Medyo nabawasan ang inis ko rito dahil sa ginawa niya. And surprisingly, kagaya noong si Mama ang humahalik sa nasaktang parte ng katawan ko, ay nabawasan din ang sakit na nararamdaman ko ngayon.


Napaisip ako bigla dahil doon.


"What?" takang tanong niya nang mapansin ata ang malalim kong iniisip.


Bumuka ang bibig ko para sabihin ang tanong na gumugulo sa utak ko ngayon.


"May magic ba ang laway mo?"


Kunot ang noo nitong tumitig sa akin kalaunan ay umiling.


He tsked. "Pasalamat ka..."


"Ano?" tanong ko dahil mahina ang pagkakasabi niya sa huling mga salita.


"Wala," he answered then pulled me again but this time he is holding my hand carefully.


Dinala ako nito sa garden, kung saan madalas naming pagtambayang dalawa.


Tahimik kaming nakaupo dito sa isang bench na nasa lilim. Pasulyap sulyap pa ako sa kasama ko na wala atang balak magsalita at nakatingin lang sa malayo.


Tignan mo itong isang ito, manghihila tapos hindi naman pala magsasalita.


I was about to speak when he suddenly asked me.


"Do you like him?"


Nagsalubong ang mga kilay ko. Like? Sino?


Bad Boy Series 1: Draven MoralesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon