Kabanata 26

1.5K 59 28
                                    

Hello po! I changed the title of this story, I hope no one will be confused. I'm planning to make this as series na lang kasi kaya I changed it into Bad Boy Series 1: Draven Morales. After this story, I will be working for the series 2 po.

Kabanata 26




Kinabukasan ay muntik na akong mapasigaw nang makita ang sariling mukha sa salamin.

I thought I was facing a zombie!

Ang itim ng eyebags ko, halatang walang tulog!

Well, paano nga ba ako makakatulog nang maayos kung halos buong gabi kaming magkatext ng boyfriend ko?

I stiffened. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwalang may boyfriend na ako. At si Draven 'yun. Ang kilalang bad boy sa AIS na hindi namamansin ng ibang tao.

I'm fixing my hair when someone knocked on my room's door. I opened it and it was Manang Loidia.

"Why po?" tanong ko nang mapansin ang pagkabahala nito.

"Nasa baba si Draven, sabi ay may lakad kayo."

I gasped. Oo nga pala! Muntik ko nang makalimutan ang huling pinag-usapan namin kagabi. Gusto niyang magdate kami ngayong araw bilang first date namin as couple. At sakto rin dahil wala kaming klase today.

"Bilisan mo, hija. Bago pa magising ang Tito Rikko mo't maabutan pa ang pag-alis niyo," si Manang Loidia na mukhang napansin din ang reaksiyon ni Tito.

Sadly, it looks like Tito Rikko doesn't want Draven for me as my boyfriend. Hindi ko alam kung anong rason. Siya ang nagsabi dati na mapagkakatiwalaan si Draven no'ng kailangan ng maghahatid sundo sa akin. Kaya wala akong mahanap na rason kung bakit umaayaw ito kay Draven ngayon.

"Manang..."

Manang Loidia chuckled when I suddenly hugged her.

"Bilisan mo nang mag-ayos," bilin ulit ni Manang bago lumabas ng kuwarto ko.

Nagmamadali akong naligo. Mas natagalan pa nga ako sa pagpili ng isusuot kaysa sa pagligo.

After ng halos dalawampung minuto ay napagpasyahan kong ang simpleng brown puffed sleeves dress ang isusuot na tinernuhan ng square toe heeled sandals in beige-neutral. I also wore a simple make-up pero sinigurado kong natakpan ko ang eyebags. Inayos ko muna ang mga gamit ko sa white sling bag na dadalhin ko bago ako tuluyang lumabas ng kuwarto para makababa na.

Draven stood up when he saw me.

He smiled. "Hi, beautiful."

I can't help but smiled back at him. "Hello, handsome."

That's the truth though. He really looked handsome with his brown button up shirt and jeans with his white sneakers.

Gosh! We didn't plan for this but his outfit matched mine. Cutie!

Hindi pa kami nakakapag-usap ni Draven nang biglang dumating dito sa sala si Manang Loidia.

Bad Boy Series 1: Draven MoralesWhere stories live. Discover now