Chapter 6

493 12 0
                                    

Lumabas ako ng kwarto ko nang marinig ko ang ingay sa labas. Nang makarating ako sa sala namin ay napahinto ako nang makita ko sina mama at papa at isang lalaking hindi pamilyar saakin. Nang maramdaman nina mama ang presensiya ko ay sinabihan nila akong lumapit sa pwesto nila.

"Ito ang nag iisang anak namin na si Ascella. " sabi ni papa sa harap ng lalaki. Nabaling sa lalaki ang atensyon ko at bahagya itong ngumiti nang magtama ang mga mata namin. Isang simpleng tango lang ang binigay ko sakanya.

Umupo kami sa kahoy na upuan ng sala namin. Naiwan kaming tatlo nina papa dahil nag handa ng merienda si mama para sa bisita namin. Hindi ko maiwasang hindi magtaka kung sino itong sinama ni papa sa bahay namin.

"Anak, ito nga pala si Cassian, isa sa mga bagong trabahador ng mga El Salvador. " Pag papakilala ni papa sa bisita. Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi dahil sa tawag nito saakin.

Tumatak sa isip ko ang pangalan ng mga El Salvador. Ibig bang sabihin noon  ay nag ta-trabaho si papa sa mga El Salvador.

Nang dumating si mama ay agad nitong nilapag ang juice na ginawa nito at tinapay. Hinihintay kong tumingin saakin si mama para matanong ko kung saan nag ta-trabaho si papa ay hindi ako nito binalingan ng tingin.

Mukhang hindi naman mapili sa pagkain si Cassian dahil magana din itong kumain. Ilang oras din ang tinagal ni Cassian sa bahay pero agad akong nag paalam na aalis na kahit anduon pa ito. Nasabi kanina ni papa na kasing edad ko lang daw si Cassian kaya mag kakasundo kaming dalawa.

Hindi ako sumagot sa sinabi ni papa. Gaya nga ng sinabi nito ay bago palang ito sa bayan namin at hindi namin masyadong kilala. Hindi maipagkakailang gwapo ito at may lahi din sa banyaga dahil sa kulay ng mga mata nito na asul.

Nakuwento nito kanina na sa papa nya iyon nakuha pero sabi lang daw iyon ng mama nya dahil hindi na daw nagpakita ang papa nya simula nang malaman nya buntis ang mama nya sakanya. I feel sorry for him but there's always a person in this world like Cassian's father.

Nang makarating ako sa harap ng kubo ay agad akong kumatok, hindi naman nagtagal dahil agad naman iyong bumukas at iniluwa si Favio. May ngiti ito sa labi nya habang papasok ako sa loob. Sa tuwing maulan o kaya naman sobrang init sa labas ay madalas dito ang tambayan naming dalawa, at kung minsan dito din ako nag susulat.

"May pagkain sa mesa naka hindi ka pa nag merienda. " sabi nito. Umangat ang tingin ko sakanya bago umiling.

"Kumain na ako sa bahay, may bago pala kayong trabahador. " sabi ko sakanya. Umupo ito sa tapat ko. Binuksan ko ang laptop nito at nag simulang mag sulat.

"Yeah, paano mo nalaman? " he asked.
Habang hindi tinatanggal ang tingin sa laptop ay sinagot ko ang tanong nito.

"Uhm, pumunta sa bahay. " maikling sagot ko.

Napaawang ang labi ko nang hawakan ni Favio ang baba ko at iangat patingin sakanya. Kumunot ang noo ko dahil sa ginawa nito.

"I want you to look at me while we're talking, Ascella. " I gulped.

Dahan-dahan akong tumango sakanya. Ngumiti ito saakin na halos kitang-kita ko ang dimples nito. Hindi na muling nagtanong si Favio tungkol sa bagong trabahador nila.

"Sasama ka ba bukas papunta sa kabilang bayan? " napatingin ako kay Favio nang itanong nya iyon.

"Anong gagawin? "

"Outing. May bagong bukas na resort doon  at gusto namin i-try kung maganda ba talaga. " sagot nito.

I looked at him. I saw hoping on his eyes. What should I say? Should I decline him? I cleared my throat before answering. Alam ko naman na kasama ulit sina Fare sa outing na sinasabi nito.

Everything in BetweenOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz